Chapter 52: Changes

626 17 0
                                    

[Terenz]

Bigla akong nakaramdam ng kaba nang biglang mumulat si Thea.

Patay panigurado magagalit sa akin ito.Inumaga na naman kasi ako ng uwi.

"Bakit ngayon ka lang?"Antok na antok n'yang tanong habang nakahiga sa kama na halos hindi na magawang imulat ang mata sa kaantukan.

Naupo ako sa gilid ng kama at hinagod ko ang buhok nya.

"Sorry.Ang dami lang kasing ginawa sa office kaya ngayon lang ako nakauwi.I'm sorry babe."Mahinahon kong paghingi ng paumanhin.

Ngumiti naman s'ya ng bahagya sa akin.

"Okey.Matulog na lang tayo."sabi nya.

Nahiga na ako sa tabi nya.Nakatagilidnaman syang paharap sa akin.

Nakokonsensya ko sa ginagawa ko.I'm sorry Thea.Hindi ko gustong gawin ito pero ayaw naman kitang masaktan.

At dahil nga sa magkaharap kami ng higa.Pinagmasdan ko na lang ang napakaamo at napakaganda niyang mukha.

I traced her jawline,her eyebrow,her close eyes,her nose,her lips,her forehead,and her lips.By my finger.

She's beautiful.

Ang ganda nyang pagmasdan habang natutulog.Para syang isang anghel.

"I'm sorry,thea.I really don't want to do this.But,I need to do this.I love you,thea."

Hanggang sa hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako.

***

[Althea]

Its been one week past since the last na inumaga na s'ya ng uwi.

Okey naman kami ni Renz.Ganon pa rin kami sweet at puro tawanan at kulitan lang.

Sa nagdaang limang araw masyado kaming naging busy sa work.

Kaya naman nagkakasama lang kami sa pagtulog.Minsan nga sa mga offices na namin kami nakakapagdinner.

Pero mas madalas sya.Ako kasi mas madalas na dito kumakain sa bahay.

Nagpapaalam naman sya sa akin kapag malelate sya ng uwi.

Pero hindi ko alam.Parang may nararamdaman akong kakaiba.

Para bang may itinatago siya sa akin.Isang bagay na gusto kong malaman.

Nito kasing mga nagdaang araw may ilan akong mga kakilala na nagsasabi na may pinupuntahan daw na babae si Renz sa Foran Condominium.

Syempre hindi naman ako naniniwala sa kanila.Alam kong hindi si Renz iyong klase ng lalake na nambabae.

Nandito ako sa loob ng office at nag-iimpis na ng mga gamit ko.

4pm pa lang naman.Gusto ko lang umuwi ng maaga-aga.Para maipagluto ko si Renz ng dinner.

Tinawagan ko kasi sya kaninang lunch at nakapag-usap na kami sa phone.

Sinabi nya na uuwi daw sya ng maaga.Dahil kaonti lang naman daw ang trabaho sa office.

Kaya ito.Plano kong umuwi ng mas maaga para makapagluto ako.

Natigil ako sa ginagawa ko nang biglang pumasok si Nina.

"Oh,thea.Uuwi ka na?"tanong n'ya.

"Oo eh.Magluluto kasi ako ngayon ng dinner para kay Renz.Lately kasi,masyado na kaming naging busy.Kaya naman bihira na kaming magkasama."tugon ko.

Ngumiti lang naman sya sa akin.At saka sya naupo sa silya.

"How sweet naman.Ayiee! Kinikilig ako sa inyo eh.Whaa! Yiee."

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon