Chapter 24: Time Out Zone

854 27 0
                                    

[Althea]

Araw ng linggo ngayon at pareho kaming walang pasok ni Renz sa trabaho. Ikinancel din namin ang mga meeting at appointment namin para sa araw na ito. Napag-isip-isip kasi namin na nitong mga nagdaang araw naging abala kami sa trabaho at higit sa lahat sa paghahanap ng hustisya.

Ala-una na ng hapon ngayon at sa buong magtanghali ay puro lang kami, kain, tulog,nood ng tv, at laro ng mga board game. We maked ourselves relax.

Nandito kami ngayon sa studyroom at ginagawa ang ilang paper works. Wala na rin kasi kaming maisip gawin. So naisip namin na gawin na lang namin ang ilang trabaho namin sa opisina na  pwede naman naming gawin dito.

Sayang din kasi ang oras kung mauupo na lang kami dito at titigan ang isa't isa. Am I right? Time is Gold always remember that.

Nasa magkaibang working table kami dito sa loob ng studyroom.Medyo malayo kami sa isa't isa.Hindi na kami gaanong nag-iimikan o nagpapansinan pareho kasi kaming abala sa kaniya-kaniya naming trabaho.

Si Renz ay abala sa pag-aaral ng isang blue print. Sa tingin ko plano iyon ng gagawing gusali. Samantalang ako naman ay ito't nagtitipa sa aking makinarya para sa kabanata ng aking nobela na ilalathala sa susunod na linggo.

Pero mukhang hindi ko matatapos ko ito bago dumating ang hapunan. Hindi kasi ako makapagconcentrated sa ginagawa ko. Panay ang sulyap ko kay Renz na tahimik na nagtatrabaho.

Ang gwapo naman niya kasi. Kahit nakapangbasketball short lang siya at v-neck tshirt na kulay itim ang gwapo-gwapo pa rin niya. Lalo na't seryoso siya sa ginagawa niya. Nakasuot din siya ng eyeglasses na mas nakadagdag sa kagwapuhan niya.
Paano pa kaya kapag ngumiti yan. Hala baka himatayin ako. Huwag naman sana.

Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya sa tuwing tumitingin siya sa akin. Baka kasi kapag nahuli niya akong nakatingin sa kaniya baka asarin niya ako.

"May problema ba?"tanong niya na nagpagising sa akin sa pananaginip ko ng gising. Agad ko namang iniiwas ang tingin ko sa kaniya.

"W-Wala. " Nahihiya kong tugon na halos hindi ko magawang tumingin ng deretso sa kaniya.

"Tsk,talaga lang ha."Mapang-asar niyang wika. I heared him chuckled.
Agad kong naramdaman na uminit ang pisnge ko. Nakakahiya na nakakainis!

"Wala nga sabi!"Inis kong tugon. Para kasing nang-aasar pa siya na nahuli niya akong nakatitig at tulala sa kagwapuhan niya.

"Hahahaha!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ko siyang tumawa. Aba at tumawa pa ang loko.

"Ano ba'ng problema mo?"Inis kong tanong.

"W-Wala naman.Ang cute mo lang kasi kapag naaasar."Pigil tawa niyang tugon.Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Ewan ko sa'yo."sabi ko na lang at itinuloy ko na ang aking ginagawa.

"Hoy huwag ka namang magalit sa'kin cute ka naman talaga eh.Thea, come here."Sinenyasan niya ako na limapit sa kaniya.

At dahil gusto ko rin naman aarte pa ba ako edi iyon lumapit na rin ako  sa kaniya.Pagkalapit ko ay hinawakan niya ako sa magkabila kong braso.He held my lower arm and he turned me.
Nakatalikod na ako sa kaniya.Agad kong naramdaman ang mga braso niya sa bewang ko.Hinatak niya ako kaya napaupo ako sa hita niya.Nakakalong ako sa kaniya habang ako'y nakakulong sa mga bisig niya.

"I missed you so much."he whispered on my right ear.

"Namissed? Paano mo ko namissed? Eh di ba magkasama lang naman tayo dito sa bahay?"Taka kong tanong.

"Basta, gusto ko lang na palagi kang nandito sa tabi ko.Nalulungkot ako kapag malayo ka.Gusto ko palagi kitang kasama."Parang bata niyang sabi.He put his chin on my right shoulder.

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon