Chapter 47: Buko Salad

682 16 1
                                    

Chapter 47: Buko Salad

[Terenz]

It's great na okey na kami ni Thea. Ayaw ko kasi na nagkakaron siya ng sama ng loob sa akin. Ayaw ko sa lahat ay iyong nakikita siyang umiiyak at nasasaktan.

Lalo na kung ako ang dahilan. Para kasi akong pinapatay kapag nakikita ko siyang umiiyak at nasasaktan. Sa ngayon okey na kami ni Althea.

Alam kong alam niyo kung gaano ko kamahal si Althea at hindi ko magagawang lokohin siya. Hindi ko alam kung sino ang naninira sa amin ni Thea. Pati na rin iyong issue sa amin ni Claire.

Hindi ko alam kung sino ang pasimpleng kumukuha sa amin ng litrato habang nasa state kami ng Bussiness meeting namin.

Oo napanood ko ang news. Nabasa ko rin ang nasa newspaper. Inaamin ko nagalit ako kay Claire sa mga naging sagot at opinion niya ng tinanong siya ng press.

Bakit ba kailangan pa niyang ipagbulgaran sa publiko at sa buong mundo ang tungkol sa nakaraan namin?

Kung lalake nga lang siya baka nasapak ko na siya.
Pero babae eh. Kailangan kahit paano kontrolin ko muna ang galit ko.

Sa ngayon hindi pa kami nagkakausap ni Claire. Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa issue.nAlam ko na kahit maayos at nagkasundo na kami ni Althea. Alam kong hindi pa rin matatapos ang issue tungkol sa amin ni Claire at pati na rin ni Thea.

Hindi pa dito nagtatapos ang issue. Nakakasisiguro ako na gagawa at gagawa pa ng paraan ang mga press at mga taga news network para palakihin ang gulong ito.

Subukan lang nila. Sisiguraduhin ko sa kanila na makikilala nila kung sino ba talaga si Terenz Ezcadler.

The Mafia King of Ezcamafia Organization.

Well, muntik ko nang makalimutan. Nandito nga pala ko sa kusina at nagluluto. Gusto kasi ni Althea na kumain ng Spaghetti. Mahilig 'yon sa spaghetti eh.

Tanda ko nga noong High School kami. Kapag natatalo ko sa Weekly Dare namin.
Syempre slave ako sa buong weekend. Ganon kasi kami noong HighSchool.
Magkasama kasi kami noon sa iisang bahay. At kami lang.

Tuwing araw ng biyernes nagkakaron kami ng dare challenge at kung sino ang natalo sya ang slave sa buong weekend. Lagi nga siyang talo eh.

Opps! Bakit ko nga ba kinuwento pa. Pero sige share ko na rin sa inyo. Tutal wala pa naman si Thea--- Nasa Bathroom siya ng room namin at iyon naliligo.

Hindi naman niya malalaman na sasabihin ko sa inyo ang mga gawain niya noong HighSchool pa lang kami.

Kung hindi niyo sasabihin.

Noong high school kami si Thea laging tinatanghali ng gising. Ako pa nga ang gumigising d'yan. Tapos ako palagi ang nagluluto. Tamad magluto 'yon eh.

Tapos ang lakas naman niya kumain. One time nga sinaktan pa siya ng tiyan sa kakakain. Tapos iyon ako pa talaga ang sinisi nya.

At ito pa noong nanood kami ng horror noong nagmovie marathon kami sa bahay namin. Umiiyak siya at nagalit sa akin. Inaasar ko kasi s'ya na natatakot na.

May dare kasi kami nung time na 'yon at ang dare kung sino ang unang sumigaw talo. At iyon nga natalo siya bigla kasi siyang sumigaw noong nasa ending na iyong part noong palabas. Kaya iyon galit na galit sa akin. Sinapak pa nga ako eh. Grabe hindi ko makakalimutan iyon.

Ang lakas kaya ng sapak nya pumutok noon ang gilid ng labi ko. Tapos ang lakas niya kumain ng spaghetti.

In short masiba siya. Haha peace. Tapos ang iyakin niya noon.

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon