[Althea]Nandito ako sa third floor ng mansion at nakaupo sa couch habang nagbabasa ng magazine. Nandito lang ako sa studyroom.
Ala-sais na ng hapon at hinihintay ko si Renz ngayong gabi kasi siya darating. Boring kasi kaya naman naisip ko na magbasabasa na lang muna. Tutal wala pa si Renz iyong mga maid lang ang kasama ko dito sa bahay. Boring and I'm badly missed him so much. Nakakaasar siya ni hindi man lang tumawag kahapon.
Nakarinig ako ng busina ng sasakyan.
Mukhang may sasakyan na dumating. Kaya agad akong tumayo at nagpunta sa may bintana at sinilip mula dito sa itaas kung sino ang dumating.Napangiti ako ng makita kong sasakyan ito ni Renz. Papasok na sa Carpark ng mansyon. Binitawan ko na ang librong hawak ko at dali-dali na akong bumaba para salubungin siya.
Halos mangadulas na nga ako sa hagdanan. Pero okey lang eh kung sa namiss ko talaga siya eh.
Hellooo!
Five days kaya kaming hindi nagkasama. Ewan ko ba kung bakit nagtagal siya ng ganon sa Japan.
Oo na O.A na kung O.A eh mahal ko eh. Walang pakialaman basta excited na ako na makita siya.Pagdating ko sa baba ay nasalubong ko ang mga maid at butler na pinapasok na sa loob ang mga maleta at ibang gamit. Pagkapasok pasok niya ay agad ko siyang sinalubong ng isang mahigpit na yakap.
"I miss you."I said while I'm still hugging him. And of course he hugged me back.
"I miss you too, babe."He said and we release to our hugged. He face me with a sweet smile and he gave me a peck on my cheek. Pumasok na kami ng tuluyan sa loob.
"Hoy! Pasalubong ko."sabi ko at tumawa lang siya ng mahina habang naglalakad kami paakyat ng hagdan.
"Hahaha. Wala kang pasalubong sa akin." Napasimangot ako sa sinabi niya. Kakainis wala daw pa salubong. Batukan ko kaya itong lalakeng ito.
"Kainis ka!"Sigaw ko sa kaniya ng makapasok-pasok kami sa Room namin. Naupo muna siya sa edge ng kama. At aba tatawa tawa lang ang loko-loko.
Samantalang ako ito at nakatayong nakapamay-awang sa harapan niya at nagmamaktol na.
"Ehhh! Nang-aasar ka pa eh. Pasalubong ko nga kasi."Irita kong tanong. Ang childish ko ba?
"Nand'yan sa maleta kunin mo."sabi niya.
"Sabi mo wala?"sabi ko habang nakalupagi ako sa floor at binubuksan ang maleta niya para kunin ang mga pasalubong niya. Chocolates agad ang tumambang sa paningin ko. Whaaa! I love chocolates.
"Chocolate lang ang nand'yan sa maleta na iyan. Iyong iba ko pang pasalubong nasa maletang dala ko doon sa baba."sabi niya.
Kumuha lang muna ako ng isang box ng chocolate at naupo sa tabi niya.
"Thanks dito."I said sweetly habang binubuksan ang chocolate box. Para makain ko na.
"Welcome babe." he said in a sweet tone. Inakbayan niya lang ako tutal magkatabi naman kaming nakaupo dito sa gilid ng kama. Habang nakaakbay siya sa akin. Ako naman ay busy sa pagsubo at pagkain ng chocolate chips. We spending our time together. I really miss this guy.
Mas hinigpitan pa niya ang pagkakaakbay sa akin kaya ngayon ay nakasandal na ang ulo ko sa balikat niya.
"Alam mo namiss ko ito."sabi niya na lang bigla kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Pero nanatiling nakasandal ako sa balikat niya. Ang sarap kayang sumandal tapos naaamoy ko pa iyong pabango niya.
Grabe ang bango. At ang sarap niyang amoy-amoyin."Namiss ang ano?"tanong ko.
"Ito. Di ba dati noong highschool pa lang tayo lagi na tayong ganito kapag magkasama. Nakaakbay ako sayo tapos nakasandal ka sa balikat ko. Tanda mo?"Pagbalik niya sa nakaraan.
BINABASA MO ANG
Felicitous Inheritress
RomansaTerenz Ezcadler, isang brokenhearted Mafia na napapanahon ng humanap ng mapapangasawa. Ngunit dahil nabigo sa pag-ibig dulot ng kamatayang humadlang sa kanilang pag-iibigan, pinangako niya sa sarili na hindi na muling magmamahal. Pero bilang tagapag...