Chapter 26: Mysterious Guy

804 23 0
                                    

[ALTHEA]

Mabilis na lumipas ang mga araw hinayaan na muna na namin na ipaubaya sa kamay ng batas ang pag-aasikaso ng kaso.

Kailangan din kasi namin ni Terenz magfocus sa trabaho.

Ako bilang isang Writer at sya bilang Engineer. Pareho kaming may mga obligasyon na kailangan naming paglaanan ng panahon.

Ganon pa rin sa Publishing Company na pinagtatrabahuhan ko, maingay at makukulit ang mga co-writers ko.

Puro asaran at biruan every breaktime. Medyo nalulungkot lang ako dahil wala si Dina. Shes still on their province with her family, nakakamiss rin pala ang loka-lokang iyon.

Tapos na ang office hour para ngayong umaga.

12 in the afternoon na kasi at lunch time na. Lumabas na ang iba para kumain ang iba naman ay nanatili lang sa office at nagpakabusy.

"Thea hindi ka ba sasabay sa amin?" tanong ni Shane isa sa mga writer dito.

"Ahm...hindi na siguro may aasikasuhin pa kasi ako. Mauna na kayo dahil mukhang gutom na rin kayo. Salamat na lang." tugon ko at ngumiti na lang sila at lumabas na ng office.

Nagtype pa ko sa computer ko ng 100 words for my story. At ng hindi ko na matiis ang gutom ay tumayo na ako para kumain.

Kinuha ko ang phone ko at isinilid ko sa bag ko.

Lumabas ako ng building at tumambad sa paningin ko ang maraming sasakyan sa kalye na nasa harap ng building na pinagtatrabahuhan ko.

Ang taas ng sikat ng araw kaya ang sakit sa balat.

Sa restaurant na ako kakain katapat ng building na ito.

Doon kasi ang usapan namin ni Renz. Bago kasi ako lumabas ng office ay narecieve ko ang text message nya.

[Hi babe, lunch time na tama na muna sa trabaho oras na para kumain.Sabay na tayong maglunch. On the way na ko sa restaurant na katapat lang ng building nyo. See you babe. I love you.]

Kaya ito papunta na ako doon. Para akong nakikipagpatentero sa mga sasakyan. Dahil nga sa dami ng mga sasakyan na naglapabilisan at nag-uunahan.

Ang hirap tumawid lalo na at sobrang init ng panahon na ang sakit sa balat at ulo.

Sa pagtawid ko hindi ko na napansin ang kotseng paparating at mababangga na ko.

Parang nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko.Halos hindi ko na maihakbang ang paa ko na parang nafreeze dahil sa kaba.

Napapikit na lang ako upang hindi ko makita kung paano ako masagasaan ng kotseng parating.

Napamulat ako mula sa mariin na pagkakapikit ng may biglang humikit sa akin.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay natagpuan ko na lang ang aking sarili sa tabi ng kalye.

At nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang humikit sa akin.

Hindi ko sya kilala at never ko pa syang nakita. Sino kaya ang lalakeng ito? Oo lalake sya at aaminin ko may kagwapuhan din ang lalakeng ito. Pero syempre mas gwapo si Renz.

Nakaalalay ang kamay nya sa likod ko. Natulala na lang ako sa mukha nya at may kakaiba akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag.

"Next time mag-iingat ka. Dahil hindi mo alam kung kailan darating ang panganib." Nakangiti nyang sabi pero bigla akong kinilabutan anong ibig nyang sabihin doon.

Umalis na sya agad at hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya sa pagligtas nya sa buhay ko.

Nagpunta na ko sa restaurant na pinag-usapan namin.

Naabutan ko doon si Renz na nakaupo sa isang table at naghihintay sa akin.

"Renz!" Pagtawag ko at napatingin sya sa akin.

Naglakad ako palapit sa kanya."Babe."sabi nya at hinalikan nya ko sa pisnge.

Naupo na kami at umurder ng pagkain then kumain ng lunch.

"Babe napaano iyang gasgas sa braso mo?" tanong nya at napatingin ako sa braso ko.

Nakita ko nga na may maliit akong gasgas na parang kalmot lang naman. Ngayon ko lang ito napansin.

"Ahm, gawa lang siguro iyan kanina. Kanina kasi ng papunta ako dito muntik na kong mabangga ng sasakyan." sabi ko at kitang-kita ko sa mukha nya ang matinding pag-aalala.

"What! Babe okey ka lang?"

"Yes hon, dont worry I'm okey isa pa may tumulong naman sa akin kanina kaya wala ka ng dapat ipag-alala." sabi ko.

"Mabuti kung ganon, next time mag-iingat ka. Sino nga palang tumulong sayo?" tanong nya.

"I didn't know him." I answered.

"Him? So his a guy?" He asked.

"Yeah he is. Ahm, hon pwede punta muna ako ng CR kanina pa kasi ako naiihi." Paalam ko.

"Sige ba. Gusto mo samahan na kita." Pagbulontaryo nya.

"Huwag na kaya ko na." sabi ko at hinayaan nya na ako.

Nagpunta ako sa CR. Lalabas na disin ako sa cr nang may biglang humikit sa akin papasok sa isang cubicle na cr ng mga lalake.

Hinikit ako papasok at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng cr ng lalake.

Nakasandal ako sa pader at nakacorner sa akin ang isang lalake.

W-Wait siya iyong lalake na nagligtas sa akin kanina. Gosh anong gagawin nya sa akin.Terenz help me please...

"Bitawan mo ko! " Utos ko hawak nya kasi ang isa kong pulsuhan at nakataas ito sa may uluhan ko.

Kinakabhan talaga ko baka kasi kung anong gawin nya sa akin.

"Ikinagagala kong makilala ng personal ang future Mafia Queen ng mga Ezcadler.Kamusta Ms.Mafia Queen of Ezcamafia? Its nice to see you Queen."sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata.

Nabigla ako sa sinabi nya how did he know me? Paano nya nalaman ang tungkol sa Ezcamafia at ako ang susunod na mafia queen?

Sino ba talaga ang lalakeng ito?
Bakit alam nya ang tungkol sa Ezcamafia?

Total: 940 Words

VOTEeeee!

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon