[Third Person]
"O, natamime ka d'yan. Hindi ka makaimik nuh. Ang hirap kasi sa'yo Thea, feeling mo na sa'yo na lahat. Eh mang-aagaw ka lang naman."Mataray na sabi ni Claire.
Nasa ganoong posisyon pa rin si Thea tila pinakikinggan niya lang ang mga sinasabi ni Claire. Ang lahat ng tao ay nakapanuod lang sa senaryo sa loob ng maliit na opisina na ito.
Tila naghihintay sila ng mga susunod na mangyayari. Hindi pa nakontento si Claire at binitawan niya ang librong hawak niya kanina pa at tuluyan na itong bumagsak sa sahig. Tinapakan pa niya ito. Bilang pang-aasar at panghahamak sa sumulat ng libro na ito.
"Attention please! To all people here. I just want you to know na ang babaeng ito ay isang babaeng mang-aagaw, inggitera, at malandi. Kaya hindi niyo siya dapat na hinahangaan. Dahil mang-aagaw at inggetera ang babaeng ito." Sarkastikang sinabi iyon ni Claire sa lahat ng tao sa Mall na ito.
Tila gumagawa siya ng isyo para masira ang kasikatan ni Thea.
Pero magtatagumpay nga ba siya?
"Ano? Hindi ka makaimik nuh. Kasi naman totoo. Mang-aagaw ka na inggitera ka pa." Maarteng sabi ni Claire habang tinatapakan pa rin ang libro.
Dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kaniya si Althea. Mababakas mo sa mukha niya na tila ba wala lang sa kaniya ang mga sinabi ni Claire ang mga panlalait, panghahamak, at paninira nito.
Kalmado lang ang mukha niya. Nagawa pa niyang ngumiti ng matamis kay Claire. Napasimangot naman si Claire na inastang ito ni Althea.
'Bakit nakangiti pa siya. Bakit parang balewala lang sa kaniya ang mga sinabi ko?' sa isip isip ni Claire.
"Alam mo Claire, payong kaibigan lang naman. Huwag mo naman sanang ibaba ang dignidad mo bilang isang babae. Nagkakaganyan ka dahil lang sa isang lalake. Hindi ba't nag-aral ka sa london. Nagtapos ka at naging isang sikat na fashion designer at make up artist sa bansang iyon. Kilala ka ng lahat. Hinahanggan, iniidolo, at tinitingala ng lahat. So will you please act as a Proffesional. Act as your age Claire and be Proffesional. Hindi iyong naninira ka pa ng iba. Nahahalata kasi ang pagiging inggitera mo. Nakakahiya ka."Sarkastika ngunit kalmado itong sinabi ni Althea.
Halata sa mukha ni Claire na galit na galit na siya dahil sa sinabi ni Althea sa kaniya. Kahit naman sino siguro maaasar dun. Hindi ba?
"How dare you!"Galit na galit na sabi ni Claire at hinayaan ng sampal si Althea. Pero agad naman itong nasalag ni Althea. Napatigil si Claire dahil hindi niya na maigalaw ang kamay niya dahil hawak na ito ng mahigpit ni Althea.
Nakangiti lang naman si Althea sa kanya. Isang matamis na ngiti ngunit mapang-asar.
"Bitawan mo ko. Ouch!"Daing ni Claire habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ni Althea. Pinisil kasi ni Althea ng malakas ang kamay ni Claire. Pasimple lang ito at tila walang kahirap hirap si Thea na gawin ito.
"Hands off. O-Ouch!"Daing nito na tila maluha-luha na.
"Masakit? Sorry huh."Pang-asar na sabi ni Thea at saka binitawan ang kamay nito. Napakapit si Claire sa kamay niya na namimilipit na sa sakit.
Napakapikit na ang isa niyang mata habang iniinda ang kirot."I hate you."sabi ni Claire.
"Alam mo wala akong panahon para pag-aksayahan ng oras ang mga katulad mo Claire. Maawa ka sa sarili mo. Hindi mo ako kilala. Kaya huwag mo akong susubukan. Huwag na huwag Claire."sabi ni Althea.
Tila nakaramdam ng matinding takot si Claire. Isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Bigla na lang siyang nilamig at nakadama ng takot.
Tumayo na ulit siya ng tuwid at mataray na hinarap si Althea.
Huminga muna siya ng malalim upang maikubli ang takot na nararamdaman niya sa mga oras na ito."Well, magkikita pa tayo Althea. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Babagsak ka rin tandaan mo 'yan." Maarteng sabi ni Claire at nagsmirk pa siya kay Althea.
Nakatayo lang naman ng kalmado si Althea sa harap niya at nakangiti lang sa kaniya. Ngiti na palaban. Tumalikod na siya kay Althea at pamodel na naglakad palayo patungo sa may glass door upang makaalis na.
Batid niya na may hindi magandang mangyayari sa kaniya kapag nanatili pa siya sa loob ng opisina na ito.
Subalit nakakatatlong hakbang pa lang siya ng bigla siyang nadulas."Ahhh!" Naibulalas niya.
Sa paglalakad niya kasi na pamodel ay aksidente niyang natapakan ang libro ni Althea na kaninang tinapak-tapakan niya. Ito ang naging dahilan para madulas siya, mawalan ng balanse at bumagsak sa sahig.
"Ouch!"Daing ni Claire na nakaupo na sa sahig at hinahaplos pa ang parte ng katawan niya na bumagsak sa sahig.
"Hahahahahaha!"
"Bagay lang iyan sa'yo!"
"Oo nga. Inggitera ka kasi masyado!"
"Hahahahahaha!"
Pang-aasar ng mga tao kay Claire.
Pahiyang-pahiya naman si Claire sa nangyari. Tila maiiyak na nga siya.
Nag-angat siya ng tingin at nakita niya si Althea na nakatayo sa harap niya at nakangiti sa kaniya.Ang ngiti na pinakang kinaiinisan niya.
" 'Yan na ang karma."Sarkastikang sabi ni Althea. Napasimangot lang si Claire na inis na inis na.
Ayaw pa naman niya sa lahat ay napapahiya siya.
"Ahhh! I hate you!" sigaw niya na tila magwawala na sa sobrang inis.
Tumayo na siya agad at nilabit ang handbag niya na mamahalin.Tumalikod na siya kay Althea at akmang aalis na sana ng tawagin siya ni Althea.
"Claire." Pagtawag nito at agad naman itong lumingon.
Nangunot ang noo ni Claire ng bahagyang lumuhod si Althea. At dinampot ang libro niya na kaninang tinapakan ni Claire. Matapos niyang damputin iyon ay tumayo na siyang muli ng matuwid at humarap kay Claire.
Ngumiti ito ng matamis sa kaniya na mas ikinakunot ng noo ni Claire.
"Sorry. May nakalimutan kasi ako. Claire para sa'yo ito."Palabang sabi ni Althea at isinampal sa mukha ni Claire ang buong libro.
Ang librong tinapakan niya kanina nina lang. Na ngayon ay inihagay ni Althea sa mukha niya.
Dinig na dinig ang malakas na impak nito. Lalo na at 270 page ang librong ito na tumama sa makapal na mukha ni Claire. Ito ang naging dahilan para tumalsik si Claire at mapasubsob sa sahig.
Masyadong mabilis ang pangyayari. Natagpuan na lamang ni Claire ang kaniyang sarili na nakabulagta na sa sahig at sapo sapo ang kaniyang nagdudugong ilong.
Ikaw kayang hagayin sa mukha ng librong 270 pages ang kapal. Masakit di ba?
"Quits na tayo."sabi ni Althea na nakatayo sa harap ni Claire.
Tuluyan ng tumulo ang luha ni Claire. Tila namanhid ang mukha niya dahil sa lakas ng pagkakahagay ng libro sa mukha niya. Dumating na ang mga stuff ng mall at ng publishing nila at dinampot na nila si Claire at sapilitang inilabas sa office na iyon.
Dahil sa panggugulo nito at pangiiskandalong ginawa.
"I will never! Ever forget this. I swear magbabayad ka!"sigaw ni Claire na kinakaladkad na ng mga girl and boy stuff. Nakatayo lang si Althea na nakangiti. Bakas sa mukha niya ang saya ng kaniyang pagkapanalo.
Tila nakakabinging palakpakan ang narinig niya. Pinalakpakan siya ng mga tao. Palakpak ng papuri at paghanga. Si Althea ang nagwagi.
Total: 1, 198 Word
SALAMAT SA PAGBASA!
BINABASA MO ANG
Felicitous Inheritress
RomanceTerenz Ezcadler, isang brokenhearted Mafia na napapanahon ng humanap ng mapapangasawa. Ngunit dahil nabigo sa pag-ibig dulot ng kamatayang humadlang sa kanilang pag-iibigan, pinangako niya sa sarili na hindi na muling magmamahal. Pero bilang tagapag...