[Althea]
"Girl!" Humahangos na tawag sa akin ni Nina ng pagkapasok-pasok niya sa opisina ko.
Naghahabol pa siya ng hangin ng makarating siya sa table ko.
"Oh, bakit parang nagmamadali ka yata. May sunog may sunog?" Sarkastika kong tanong at saka sumubo ako ng marshmallow.
"Girl! Ano ka ba? Of course walang sunog. At teka bakit ba kain ka ng kain ng marshmallow?"
"Wala lang. Nakita ko kasi iyong bata kanina noong dumaan ako sa grocerry bago pumunta dito. Kumakain siya ng marshmallow so parang nagustuhan ko na ring kumain. Masarap eh, so fluffy. Gusto mo?" Alok ko sa kanya.
"Eeh. Ayoko nga." Nakangibit niyang tugon.
Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ng marshmallow. Isang box na mashmallow ang binili ko. One hundred fifty pieces ang laman.
"Thea, tingnan mo ito." Utos niya at ipinatong sa table ko ang newspaper.
Halos mabulunan ako ng mashmallow na kinakain ko ng makita ko ang headline sa newspaper.
ONE OF THE BEST WRITER IN THIS GENERATION. MS.ALTHEA BUENAVENTURA ALSO KNOWN AS MS.LONELYGIRL HAVING AN AFFAIR WITH THE ONE OF THE BIGGEST BUSSINESS MAN IN THE COUNTRY MR.DYLAN EZCADLER.
Ano iniisip ng mga tao na nagtataksil ako kay Renz at nakikipagrelasyon sa step-brother niya na si Dylan?
No! This can't be.
"Thea. Paano na 'yan kayo naman ni Dylan ang sinisiraan?" Alalang tanong ni Nina.
"Hindi ko alam. Bakit ba nila ginagawa ito? Wala naman kaming relasyon ni Dylan. He is my future brother-in-law.
"Ms.Althea may naghahanap po sa inyo sa labas." sabi ng kadarating na staff ng publishing na ito.
"Sino?" tanong ko.
"Dylan Ezcadler daw po ang pangalan."
"Sige papasukin mo siya dito." Utos ko.
Maya-maya ay dumating na rin si Dylan. Lumabas naman si Nina para raw makapag-usap kami.
"Dyl--" He interupt me.
"Nabasa mo na di ba?"
I just nod to him. Nakatayo kaming magkaharap ngayon sa isa't isa.
"Sa nakikita ko, mas palalakihin pa ng media ang tungkol sa gulong ito. Kaya nandito ako para tapusin na ang isyung ito." Seryoso niyang sabi.
"P-Pero paano?"
"Thea, ang mundo natin minsan pwedeng paikutin gamit ang pera. Simple lang naman, magpapatawag ako ng Press-Conference. Lilinawin na natin ang dapat linawin." He paused for a moment.
"Naaalala mo pa ba noon? Inamin ko sa'yo na may nararamdaman ako para sa'yo. Until one day I realized, na wala talaga akong pag-asa sa'yo. Alam ko rin naman na mahal niyo ang isa't isa. Kaya nagpaubaya na lang ako. Inaamin ko sobra akong nagalit kay Renz noong nalaman ko iyong issue tungkol sa kanila ni Claire. Alam mo bang gustong-gusto ko ng sapakin ang lalakeng iyon. Kaso naiisip kita. Alam ko kapag ginawa ko iyon masasaktan ka lang lalo. Kaya nanahimik na lang ako. Ayoko sa lahat ay iyong nasasaktan ka. Mahal mo si Renz di ba? Kaya bilang bestfriend mo. Tutulungan kita na tapusin ang gulong ito." sabi niya.
"Salamat Dylan. Salamat kasi nauunawaan mo ang sitwasyon. Patawad kung nadamay ka pa sa gulo." Nahihiya kong sabi.
"Walang ano man. Bestfriend mo naman ako di ba?"
I nod and smile.
"Tara na sa Ell Rill Hotel." Pag-aya niya at hinawakan ang kamay ko.
"Huh? Mag-aano tayo doon?"
"Nandoon na ang mga press. Hinihintay na nila tayo. Aayusin na natin ito."
Hinikit na ako ni Dylan palabas ng office ko at ng publishing house.
Isinakay nya ko sa kotse nya at nagdrive na sya papunta sa hotel na pinagseatan ng conference.
***
*Ell Rill Hotel Conference Room
"Pinatawag ko kayong lahat para linawin ang lahat ng nangyayaring issue."Panimulani Dylan.
Nandito kami sa front sa isang long table at nasa harapan namin ang mga taga media.
Ang dami nila sobra.Mapupuno na nga ang kwartong ito.
"Ms.Althea totoo ba na nagtataksil ka sa asawa mo?At nakikipagrelasyon ka kay Mr.Dylan Ezcadler?"
"Kayo na po ba?"
"Kaya po ba nagtataksil sa inyo ang fiance nyo dahil nagtataksil din kayo sa kanya?"
"Is it true na inagawa nyo nga dati kay Claire si Renz?"
"Ano po bang masasabi nyo sa issue na ito?"
Sunod-sunod na tanong ng mga press.Tuloy tuloy lang ang pagshot ng camera.
Inaamin ko kinakabhan ako.
Magsasalita na sana ako nang biglang hinawakan ni Dylan ang kamay ko.
"Hayaan nyong ako na ang sumagot sa mga tanong na iyan."Rekomenda ni Dylan.
Tumingin muna sya sa akin and I nod to him.
"Ang lahat ng tungkol sa issue ay walang katotohanan.Hindi inagaw ni Thea si Renz kay Claire.Dahil umpisa pa lang mahal na ni Renz si Thea.Pareho silang nanggaling sa bahay ampunan.Kaya bata pa lang sila Renz at Thea magkakilala na.At kung gusto nyo ng patunay.Panoorin nyo ito."
Nagtaka ako sa sinabi nya.Nagulat ako ng biglang bumukas ang projector at nagsimulang magplay ang nais nyang ipanuod sa lahat.
Mga picture namin ni Renz mula 3 years old pa lang kami.Picture namin sa orphanage hanggang highschool.Peropaano nya nakuha ang mga picture na ito.
3 minutes ang tinagal ng presentation.Atngayon ay back to answer na.
"So ngayon naniniwala na ba kayo na matagal ng magkakilala sila Renz at Althea?They're Bestfriend since Childhood.At ngayon ay malapit na silang ikasal.Alam nyo ayaw ko sanang sabihin ito.Pero dahil sa sinabi ni Claire sa interview na mang-aagaw si Thea.Ito lang ang masasabi.In reallity,Claire is just a rebound.Hindi mang-aagaw si Thea.Mabait at disente syang babae.Hindi sya iyong babae na sumasama sa kung sino sino lang na lalake.At iyong tungkol sa amin ni Thea.Wala kaming relasyon.Sya ang mapapangasawa ng step-brother ko.So normal lang naman siguro na magkasama at mag-usap kami because I am her future brother in law.Darating ang araw na magiging isang pamilya na rin kami.We just having a good relationship.Walang namagitan sa amin ni Thea.We just friend.
Mahal nina Thea at Renz ang isat isa.Kaya sana naman tigilan nyo na ang issueng ito.Mula ngayong araw na ito ayaw ko ng marinig ng issue tungkol dito.Dahil kapag nangyari iyon.Pasasabugin ko ang buong Pilipinas.Salamat sa pagpunta tapos na ang usapang ito."Seryoso nyang sabi.
Nag-alisan na ang lahat ng taga media.
"Grabe ka pasasabugin talaga ang Pilipinas?"tanong ko.
"Bakit madali lang namang gawin iyon ah."
"Pero.Salamat huh.Tinulungan mo ko.Hindi ko ito makakalimutan.Thank you best."sabi ko at niyakap sya.
"Walang anuman.Basta para sayo kahit ano."
Mula ng araw na ito natigil na ang tungkol sa issue.
Nagkausap na rin kami ni Renz sabi nya napanuod daw nya.
Okey na kami ni Renz at back to normal na ulit ang buhay namin.
Pero alam ko na hindi lang ito ang pagdadaanan namin.
Total: 1, 051 Words
BINABASA MO ANG
Felicitous Inheritress
RomanceTerenz Ezcadler, isang brokenhearted Mafia na napapanahon ng humanap ng mapapangasawa. Ngunit dahil nabigo sa pag-ibig dulot ng kamatayang humadlang sa kanilang pag-iibigan, pinangako niya sa sarili na hindi na muling magmamahal. Pero bilang tagapag...