Chapter 55: Sulat ni Maine

855 16 1
                                    

[Terenz]

"Tama na 'yan!"Napatigil ako at sabay kaming napatingin ni Dylan sa nagsalita.

Para akong nagising sa realidad nang makita ko si Thea na nakatayo sa may di kalayuan.

Agad naman kaming napatayo ni Dylan.

"Ang sabi ko.Tama na."Madiin nyang sabi at saka nya ko tinitingnan ng masama.

"Thea,please umuwi na tayo.Ayusin na natin ito."sabi ko.

"Wala tayong aayusin Renz.Kaya pwede ba umalis ka na at iwan mo na ko."sabi nya at ramadam ko sa boses nya ang galit nya.

"Thea,dun sa nangyari.I'm so sorry.Gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako.So please...ano bang kailangan kong gawin para lang mapatawad mo ko?"Pagmamakaawa ko.

"Anong kailangan mong gawin?Simple lang umalis ka na at huwag mo na kong kakausapin.Kasi alam mo na sa tuwing nakikita kita.Naalala ko lahat ng kahayupan at katarantaduhang ginawa nyo ni Claire."Parang may kung anong gumuhit sa puso ko ng makita kong tumulo na ang luha nya.

"Pinagkatiwalaan kita Renz.Minahal kita ng higit pa sa sarili ko.Pero anong ginawa mo?Niloko mo lang ako.Hinintay kita magdamag.Pero hindi ka dumating.Ni text o tawag wala.Kasi naman pala nandun ka na kay Claire at nagpapakasarap sa kama kasama nya! At saka mas mabuti narin naman na matapos na itong relasyon natin.Nang matapos na rin ang pagpapakatanga ko sa'yo.Ang sakit sakit na kasi eh.Nakakapagod na.Hindi ba at pupunta na kayo ng US kaya sige na sumama ka na sa kanya."Umiiyak nyang sabi.

Parang sinasaksak ang puso ko sa mga sinabi nya.

"I'm sorry.But please thea,huwag mo naman sanang gawin sa akin ito.Mahal na mahal kita."

"Basta't umalis ka na!"Sigaw nya.

At tuluyan na syang umiyak.

"Umalis ka na Renz.Ako ng bahala kay Thea."sabi ni Dylan.

Umalis na nga ako.

Ang sakit grabe.Ni minsan hindi ko inisip na aabot kami sa ganito.

***

Nagdrive lang ako ng nagdrive.Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Parang wala na ring sasay ang buhay ko ngayong wala na sa akin si Thea.

Sa pagmamaneho ko aksidente kong narating ang dating bahay na tinitirhan namin ni Althea noon.

Itinigil ko ang sasakyan at bumaba ako.

Pinagmasdan ko lang muna ang bahay mula dito sa tapat.

Medyo luma na pero maayos pa naman.

"Jared,ikaw ba 'yan?"Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Nagulat ako ng makita ko si Nanay Tina.

Sya ang kapitbahay namin dito na palaging nagbibigay sa amin ni Thea ng lutong merienda noong highschool kami.

"Ah,opo.Ako nga po.Kamusta po kayo?"Pilit ngiti kong tugon.

"Naku ito.Tumatanda na.Eh teka kamusta nga pala si Maine?"Ang kinakamusta nya ay si Maine na mas kilala bilang si Althea ngayon.

Jared kasi ang name ko dati at Maine naman si Althea.

"Ah okey naman po."Pagsisinungaling ko.

"Eh,gusto mo bang pumasok?"tanong nya.

Natuwa naman ako sa sinabi nya.

"Sige po."tugon ko.

Maya-maya ay iniabot nya na sa akin ang susi ng bahay na ito at pagkatapos ay pumasok na ako sa loob.

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon