Chapter 64: The Truth Behind the Past

884 14 0
                                    

[Althea]

"Iyon ang tunay na dahilan kung bakit napilitang sumama sa akin si Renz sa U.S."Mahinahong sabi ni Claire.

Kita ko sa mga mata n'ya na seryoso s'ya sa mga salitang binibitawan n'ya.

Pero hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.

"Ano ba'ng klaseng kwento 'yan."Hindi ko pagseryoso sa sinabi n'ya.

Nagkatinginan naman sina Claire at Mark.

"Thea,seryoso kami sa mga sinasabi namin.Ako mismo ang humiling kay Renz na samahan n'ya si Claire para sa operasyon nito.Masyadong sensitibo ang kondis'yon ni Claire noon.Alam mo naman di ba kung gaano s'ya kaobsess noon kay Renz.Ayaw nyang magpaopera noon.Kaya nakiusap ako na samahan n'ya si Claire sa U.S para sa heart surgery n'ya.Syempre tumanggi s'ya ayaw naman nya talaga.Kasi alam n'ya na kapag sumama s'ya kay Claire parang mas pinili na rin nya si Claire kaysa sa'yo.Ilang beses akong nagmakaawa noon pero tinanggihan n'ya ko."Mahabang paliwanag ni Mark.

"Oo,Thea.Totoo lahat ng sinabi ni Mark.Sa totoo ng ayaw naman talaga n'ya kong samahan sa U.S eh.Kaso nagpumilit ako.That time kasi hindi ko kayang mawala s'ya sa akin.Ayaw ko na iwanan nya ko.Hindi kasi kakayanin ng puso ko kapag nawala s'ya sa akin.Mula noong malaman n'ya ang tungkol sa sakit ko palagi na s'yang nand'yan para alagaan ako.Iyon iyong dahilan kung bakit noon ay madalas ay ginagabi sya ng uwi o hindi nakakapasok sa trabaho kasi inaalagaan n'ya ko.Hindi nya sinabi sa'yo kasi ayaw ka na n'yang masaktan."Paliwanang naman ni Claire.

"Tss...sa tingin mo ba maniniwala ako sa inyo.Lalo na at nahuli ko kayo ni Renz.Matapos ko kayong mahuli sasabihin mo na hindi nya ko niloko.Hindi panloloko iyong mahuli ko sya sa condo ng isang malanding ahas na babae na may babae sa kama.Masaya ka na ba Claire na naagaw mo na sa akin si Renz.Naenjoy mo ba ang gabing iyon? Masaya ka na ba? Sana lang kontinto ka na."Palaban kong sabi.

Oo galit ako galit na galit.

"I'm sorry."Malungkot n'yang sabi at napayuko na lang na tila nahihiya.

Tss..dapat lang na mahiya s'ya.
Nakita ko naman na hinawakan ni Mark ang kamay n'ya.

"Sorry? Sorry for what? For having şëx with my boyfriend mo? Iyon ba Claire?"Sarcastic kong sabi.

"Thea,para sabihin ko sa'yo walang nangyari sa amin ni Renz noong gabing iyon.Naglasing ako noon sa bar dahil namumroblema ako dahil sa hindi n'ya pagbisita sa akin ng ilang araw.Alam mo naman di ba kung gaano ako ka obssess sa kanya noon.Tinawagan sya ng bartender para sunduin ako.Sinundo nya ko sa bar at hinatid sa unit ko.

Oo hinalikan ko s'ya.Pero ako lang naman iyong humalik eh.He never reponse with my kiss and my seduction.Walang nangyari sa amin ng gabing iyon.Nakahubad lang naman sya noon kasi nabasa s'ya ng ulan.Iyon din iyong dahilan kung bakit halfnaked sya nang makita mo.
Baliktad lang iyong damit ko nun kasi ako na ang nagbihis sa sarili ko at dahil sa kalasingan ko hindi ko na naayos.Walang nangyari sa amin Thea.Hindi ka pinagtaksilan ni Renz.Mahal ka n'ya.Tingnan mo nga kahit tinataboy mo na sya nandyan pa rin sya.Sumama lang sya sa kin dahil itinulak mo sya palayo.At ngayong nagkita na ulit kayo.Sana naman patawarin mo na s'ya.I'm sorry sa lahat ng nagawa ko sa inyo.I'm sorry thea."Umiiyak nyang sabi.

Hindi naman ako makatingin sa kanya.
Tumayo na ako para umalis pero nagulat ako nang bigla syang lumuhod sa harap ko.

Napatingin naman ang lahat ng tao na naririto sa coffee shop.

Maging si Mark ay nagulat.

"Thea,sorry...I'm sorry...sorry sa lahat ng nagawa ko.Alam ko walang kapatawaran iyon.Tatanggapin ko naman kung sakaling hindi mo na ko mapatawad pero sana naman Thea patawarin mo na si Renz.Bigyan mo sya ng second chance.I'm sorry thea.Patawad nagsisisi na ako sa lahat ng nagawa ko.Patawarin mo si Renz please thea.I'm sorry...sampalin mo ko kung gusto mo.O kahit ano mapatawad mo lang si Renz.Sorry."Humahagulgol nyang sabi habang nakahawak sa wrist ko at nakaluhod sa harap ko.

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon