[Althea]
Nanatili akong nakaupo sa kama matapos umalis ni Renz dahil nga raw sa may aasikasuhin siya sa baba.Hanggang ngayon hindi ko pa halos alam kung ano ba ang isasagot ko.
Tumayo ako sa kama at nagsimulang maglibot-libot sa kwarto.Tiningnan ko ang bawat painting na nakasabit sa dingding.Ang gaganda rin ng mga furnitures at mga figurine na na nakadisplay.
Ang mga vase mukhang worth of million.Ang ganda at ang laki ng silid.Binuksan ko ang isang pintuan.Ang CR ang unang bumungad sa akin.Malawak ito at malinis.May glass door pa sa loob nito na para sa bathroom.Connected kasi ang comfort room at bathroom.May magandang bathtub sa loob nito,may shower at iba pang gamit sa bathroom.
Pinasok ko rin ang iba pang pinto.Ang dressing room ang sunod kong pinasok kung saan may mga malalaking closet at ang daming kadadamit.May malaking salamin at may lagayan din ng mga sapin sa paa katulad ng mga sapatos.
Sa ikatlong pintuan naman ay ang mini library syempre alam niyo na kung ang naroon.Off course libro.May study table din,computer at mga ilang gamit sa paggawa ng plano like pencil and etc.
Sa huling pintuan ay hindi ko na ito mabuksan nakalock kasi.Nagdecide na lang ako na bumaba na.Ang lawak ng hagdanan at ang ganda ng kabahayan.Parang palasyo ang lugar.
Nagsimula na akong maglakad pababa ng hagdanan ang tagal bago ako nakarating sa pinakaunang palapag dahil sa laki ng mansion.
Sa baba ay nadatnan ko ang mga maid na pasyahan ang paglilinis may nagvavacuum ng sahig at ang iba naman ay nagaalikabok.
Natigil sila sa ginagawa nila ng makita nila ako.Humarap sila sa akin at nagbigay galang.Nagbow sila sa akin bilang paggalang.Medyo naiilang tuloy ako.
"Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo,Ms.Thea?"tanong ng isang maid.
"Ah wala.Gusto ko lang sanang itanong kung nasaan si Re- si Master Renz?"sabi ko.Master Renz na lang baka kasi sabihin nila masyado akong sipsip.
"Nasa garden po siya."Magalang na tugon ng isang maid at saka ako nginitian at nagbow.
Nginitian ko na ang din siya bilang ganti."Sige salamat."sabi ko at naglakad na ako papunta sa garden na sinasabi nila.Itinuro din sa akin ng maid kung saan naroroon si Renz at agad ko naman itong natagpuan.
Nakita ko si Renz na nakaupo sa harap ng garden table at umiinom ng kape.
"Renz."Mahina kong pagtawag sa kaniya dahilan para mapalingon siya sa akin.
"Come here."Aya niya at dahan-dahan naman akong lumapit sa kaniya.Kinakabhan ako sa totoo lang.
"Have a seat."Nakangiti niyang alok at naupo ako.
"Can we talk?"tanong ko.
"Of course."he replied.
"Kung tungkol ito doon sa kanina mas mabuti kung hindi tayo dito mag-uusap."sabi niya.
"Ah eh oo doon nga."Nahihiya kong pagsang-ayon sa sinabi niya.
Nakita kong tumayo siya at inilahad sa akin ang isang kamay.
"May alam akong lugar kung saan mas makakapag-usap tayo ng maayos."Pagkasabi niya noon ay tinanggap ko na ang kamay niya at hinatak niya ako papunta sa kung saan.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.May naramdaman akong kakaiba habang hawak-hawak niya ang kamay ko.Parang ang bagal ng oras wala akong naririnig sa paligid ko kundi ang tanging tibok ng puso ko na lang ang naririnig ko.
"Were here."Doon na ako nagising sa realidad.Palinga-linga ako sa paligid.Natagpuan ko ang sariling nakatayo sa harap niya at may swing sa gilid namin.Maraming tanim na bulaklak at iba't ibang halaman.
BINABASA MO ANG
Felicitous Inheritress
RomanceTerenz Ezcadler, isang brokenhearted Mafia na napapanahon ng humanap ng mapapangasawa. Ngunit dahil nabigo sa pag-ibig dulot ng kamatayang humadlang sa kanilang pag-iibigan, pinangako niya sa sarili na hindi na muling magmamahal. Pero bilang tagapag...