[Terenz]
10 pm na pero wala pa rin si Thea.Tinatawagan ko ang number niya pero hindi naman niya sinasagot ang mga tawag ko.Hindi rin siya nagrereply sa mga text message ko sa kaniya.
Nakaupo lang ako sa sofa dito sa sala at nagbabasabasa,para naman kahit paano ay hindi ako mainip sa paghihintay sa kaniya.
Nagpatimpla na rin ako ng kape sa maid para mawala ang antok ko.Nasaan ka na ba kasi Thea? May kakaiba akong nararamdaman.Alam kong may itinatago siya sa akin.
Tiningan ko ang oras sa wall clock na nandito sa sala.10:45 pm na.
Natigil ako sa pagbabasa nang makarinig ako ng sasakyang paparating.
Agad akong tumayo at sumilip sa bintana.Nakita ko ng kotse ni Thea na papasok na sa gate.Binilhan ko kasi siya ng kotse para hindi na siya magcommute.Tinanggihan niya ako noong una pero nagpumilit ako.At sa huli ay tinanggap niya rin.
Nakita kong lumabas na si Thea sa sasakyan at papalapit na sa maindoor.
Agad naman akong naglakad palapit sa maindoor at pinagbuksan siya ng pintuan.Pagkabukas-bukas ko ng pinto ay agad niya akong sinalubong ng yakap.
"Renz,sorry kung ngayon lang ako nakauwi.Ang dami lang kasing ginawa sa office tapos ang dami pang pinapirmahan sa akin.Sorry talaga."Natataranta niyang paliwanag sa akin.
Iniisip niya siguro na galit ako.Noong huling beses kasi na ginabi siya ng uwi ay napagsabihan ko siya.
Kumawala na kami sa yakap sa isa't isa.Hinaplos-haplos niya ang buhok ko.
Habang ako naman ay hinahaplos ang mukha niya."Don't worry hindi ako galit.Basta next time sasabihin mo sa akin kapag gagabihin ka ng uwi.Okay?"sabi ko habang direkta akong nakatingin sa mga mata niya.
Ang mga mata niya parehong-pareho sa mga mata ni Maine.
"Salamat sa pangunawa."sabi niya.
"Naku,naubos na ang pagkain.But don't worry ipagluluto na lang kita."sabi ko.
"Naku huwag na.Hindi na naman kailangan eh.Isa pa kumain na ako sa office kanina."sabi naman niya.
"Pareho pala tayong kumain na pero gutom pa ako eh.Kaya sige na magluto na tayo."sabi ko naman.
[Althea]
"Masyado ng malalim ang gabi para magluto tayo.11 pm na oh.May mga bread at ibang snack naman diyan sa refrigerator iyon na lang ang kainin mo kung nagugutom ka."sabi ko sa kaniya.
"And so,ano namang pakialam ko sa oras.Gusto kong kumain kasama ka,kaya sige na magluto na tayo."Hay naku! Ang kulit din naman ng lalakeng ito.
"Renz,gabing-gabi na tingnan mo mga 11pm na.Ilang oras na lang mag-uumaga na.May mga pagkain naman sa ref iyon na lang ang kainin mo."Muli kong paliwanag at pinakita ko pa sa kaniya ang digiclock na nakita ko dito sa sala.
"Tss,oras lang pala ang problema."sabi niya at nagsmirk pa.
Nangunot ang noo ko habang pinanunood siya sa ginagawa niya.Dinampot niya ang digiclock at saka inadjust ang oras sa adjusan nito.
At mas nangunot pa ang noo ko at napaawang na lang ang bibig ko nang ibinalik niya ang oras.Mula 11pm ginawa niyang 6pm.Baliw na yata.
"Ano kayang mas maganda? Ahm,6pm ba or 5pm? Teka alam ko na 5pm na lang para eksaktong oras sa pagluluto ng dinner."sabi niya habang kinakalikot ang likuran ng orasan.Pinihit niya ang adjasan hanggang sa maibalik niya ang oras sa 5pm.Hala! Baliw na yata ang taong ito.Akalain mo ba namang ibinalik ang oras.
BINABASA MO ANG
Felicitous Inheritress
RomanceTerenz Ezcadler, isang brokenhearted Mafia na napapanahon ng humanap ng mapapangasawa. Ngunit dahil nabigo sa pag-ibig dulot ng kamatayang humadlang sa kanilang pag-iibigan, pinangako niya sa sarili na hindi na muling magmamahal. Pero bilang tagapag...