Chapter 13: The Traitor

1.4K 38 5
                                    

[Someone]

It's already 5pm but I'm still here in the parking lot,waiting for someone else.Nakasandal lang ako sa may pintuan ng kotse ko at pinaglalaruan ko sa mga daliri ko ang susi ng sasakyan ko.

Natigil ako sa ginagawa ko nang mahagip ng mata ko ang babaeng naglalakad palapit dito.Wearing a black dress na above the knee.She looks beautiful and sexy in her outfit.She's hot and gorgeous.

"It's nice to see you again,Althea Buenaventura.It's been a long time since the last time we met.How are you my princess?"I traced her hair and tried to kiss her but she stopped me.

"Stop it."Saway niya sa akin na pinandilatan ako ng mata.

"Whoah! I'm just joking,Althea,masyado ka namang seryoso."sabi ko.

"Pwes hindi ako nakikipagbiruan."Inis niyang sabi at inisnaban ako.

"Get in the car."Pinagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan at pumasok na kami sa loob para doon makapag-usap ng maayos.

"Kamustang pinapagawa ko sayo?"Panimula ko.

Yumuko naman siya at hindi agad sumagot pinaglaruan niya lang ang mga daliri niya.

Naku po! Masama ito.Hindi pwedeng panghinaan ng loob ang babaeng ito.Dahil kapag nangyari iyon mabubulilyaso ang mga plano namin.Mahirap na kapag nangyari iyon.

"Huwag mong sabihing naduduwag ka na.Bakit hindi mo ba kaya."tanong ko.Nilingon naman niya ako at tiningan niya ako ng masama.

"Kaya ko.Nagawa ko na ang nakasaad sa plano.Unti-unti na akong napapalapit sa Terenz Ezcadler na iyan.At huwag kang mag-alala dahil ginagawa ko naman ang parte ko."sabi niya.Ramdam ko ang galit sa tono ng pananalita niya.

"Mabuti kung ganon.Ngayong nakapasok ka na sa buhay ng Terenz Ezcadler na iyan,madali na nating magagawa ang planong pagpapabagsak sa Ezcamafia Organization."sabi ko.

"Tama ka.Madali na natin silang mapapabagsak."sabi niya sa mahinang boses.Kahit anong sabihin niya nararamdaman ko na parang pinanghihinaan siya ng loob.

"Kaya mo ba talaga? Kaya mo bang pagtraydoran ang taong naging mabuti sa iyo? Ang taong walang ibang ginawa kundi ang mapabuti ang kalagayan mo.Kaya mo ba talaga Thea?"tanong ko.

"O-Oo naman syempre kaya ko."tugon niya ng may pag-aalinlangan.

Tinitigan ko siya sa mga mata niya.Ang lapit na ng mukha ko sa kaniya dahil nga sa nasa loob kami ng kotse ko.

Nakita kong may mga luha nang nangingilid sa mga mata niya at ano mang oras ay tutulo na ang mga ito.

Nagsmirk muna ako sa kaniya habang nakatitig kami sa mata ng isa't isa bago ako muling nagsalita.

"Kaya mo nga bang patayin ang taong naging mabuti sa iyo.Kaya mo bang patayin si Terenz Ezcadler? Kaya mo bang pabagsakin ang Ezcamafia at magtraydor sa kaniya,huh Thea? Kaya mo ba?"tanong ko at napalunok naman siya ng laway.

Tuluyan ng tumulo ang luha niya na kanina pa niya pinipigilang tumulo.

"Oo kaya ko.Ang Ezcamafia Organization ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ko,sila rin ang may kasalan kung bakit namatay ang nag-iisa kong kapatid na babae.Dahil sa kanila naging miserable ang buhay ko.Dahil sa pagiging makasarili nila nasira ang pamilya ko.Sila ang dahilan kung bakit ako naging ganito.Kaya wala ng dahilan para hindi ko ituloy ang plano ko,ang plano natin na pabagsakin ang Ezcamafia.Dapat silang magbayad at sa mga kamay ko mismo magwawakas ang buhay ng Terenz Ezcadler na 'yan."Puno ng galit ang boses niya.Tuluyan na siyang umiyak.Nararamdaman ko ang galit at sakit na nararamdaman niya.Alam kong galit na galit na siya.

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon