[Althea]
Nandito ako sa bahay at hinihintay na dumating si Renz.
Hay naman!
Bakit naman kaya wala pa sya?
Sana naman okey lang sya.
11pm na pero wala pa sya.
Baka naman may inasikaso lang na importante.
Tama baka nga ganon.
Nahiga na ako at pinilit matulog.Pero hindi ako gaanong makatulog eh.
Iniisip ko kasi sya.
Nasan ka na ba?
No text no call.
[Terenz]
Nandito pa rin ako sa hospital.
Panigurado magagalit na sa akin si Thea.
Nasa loob na ng room ni Claire si Mark.
Sya na muna ang pumasok.Hindi pa kasi ako gaanong handa para makita si Claire.
Pakiramdam ko na kokonsensya ako.
Alam ko wala akong kasalanan.Pero kahit ganon.I felt guilt.
Nakaupo lang ako dito sa waiting area.
Hindi pa rin ako makamove-on sa mga sinabi ni Mark kanina.
Tungkol sa favor na hinihingi nga.
Para akong nauubusan ng lakas sa sinabi nya.Nakakapanghina.
[Flashback]
"Ano iyon?"tanong ko.
"Pare.Ngayong alam mo na ang tunay na condition ni Claire.Gusto ko sana na huwag mo muna syang iwan ngayon.Baka pwede samahan mo sya sa US para sa operation nya.Pare,huwag mong iwan si Claire."Pakiusap nya na ikinabigla ko.
"Ano! Pero pare hindi pupwede iyon.Paano si Thea?Iiwan ko sya para kay Claire?Pare hindi ko kaya iyon.Mahal ko si Thea kaya sorry hindi ko magagawa ang gusto mo.At saka bakit ako pa ang sasama sa kanya sa operasyon nya sa puso sa US?Pwede namang ikaw ah."Ani ko.
"Si Claire kasi.Ayaw nyang magpaopera.Sabi nga nya sa akin noong huling beses dati na nahospital sya.Mas mabuti pa daw na mamatay na lang sya kaysa naman daw sa iwan mo sya at mawala ka sa buhay nya.Kaya please..
Kombinsihin mo si Claire na magpaopera na.Habang tumatagal umiikse ang chance na mabuhay sya.Kaya pare nakikiusap ako.Samahan mo si Claire.Huwag mo muna syang iwasan.Alam mo naman na napakasensitive ng kondisyon nya.Bawal sya mastress,magalit,mapagod,masaktan.Kaya sige na naman.Samahan mo sya sa US."Pakiusap nya.Gulong gulo na ako sa mga sinasabi nya.Alam kong kung gagawin ko ang gusto nya para na ring mas pinili ko si Claire kaysa kay Thea.
"Pero.Si thea,masasaktan ko sya kung gagawin ko ito.Dahil kapag ginawa ko ito para ko na ring mas pinili si Claire kaysa kay Thea."sabi ko.
"Pare please.Pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang.Pinsan ko si Claire.Para ko na rin syang kapatid.Pare hindi ko kayang mawala sya sa akin.Kung ano sayo si Thea.Pare ganon din sa akin kahalaga sa akin si Claire.Para ko na syang kapatid.Kahit naman maldita iyan.Mabait din naman iyan.Sa tingin ko naman maiintindihan ka ni Thea dito.Kaya Pare,kahit kunwari lang.Mahalin mo si Claire,samahan mo sya sa US at alagaan mo sya.Kahit hanggang sa makarecover lang sya.Pagkatapos nun.Pwede mo na syang iwan.Huwag mo lang syang iwan ngayon.Makakasama iyon sa kanya.Kaya please.Nakikiusap ako sayo.Maaatim ba ng konsensya mo na may babaeng mamatay ng dahil lang sa pagmamahal sayo?Kaya please."
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
After iyon ay pumasok na sya sa room ni Claire at naiwan ako sa labas.
BINABASA MO ANG
Felicitous Inheritress
RomanceTerenz Ezcadler, isang brokenhearted Mafia na napapanahon ng humanap ng mapapangasawa. Ngunit dahil nabigo sa pag-ibig dulot ng kamatayang humadlang sa kanilang pag-iibigan, pinangako niya sa sarili na hindi na muling magmamahal. Pero bilang tagapag...