Chapter 21.5: A Date with Him

887 30 3
                                    

[Terenz]

"Maine talon na tayo."sabi ko dahil palapit na sa amin si Manong Guard.

Nauna na ako at nang nasa baba na ako umayos na ako ng pwesto para masalo ko si Maine.

"Maine bilis."Utos ko.

Tumalon si Maine at agad ko siyang sinalo.Kaso lang ay nawalan ako ng balanse at natumba.Nasa ibabaw ko na siya.

"Aray..."Daing ko.

Agad naman siyang umalis sa ibabaw ko.

"Naku sorry.Nasaktan ka ba?"Alala niyang tanong.

"Ayos lang ako.Tayo na."sabi ko at tumayo na rin ako.Pero ang totoo masakit talaga.Natuhod niya iyong dibdib ko.

"Ayusin mo nga iyang palda mo."Utos ko.Nakalilis kasi dahil na rin siguro sa napasama ng pagtalon namin kanina.

Ang ikse pa naman ng skirt niya.Sailor kasi ang uniform ng girls.

Nakita ko naman na namula siya.Nahiya yata.

"Hoy anong gagawin niyo?"Sita sa amin ng guard.

"Magkacutting! Bakit sama ka?"Pang-aasar ko dito.Hinawakan ko ang kamay ni Maine at nanakbo na kami.

[Maine]

Kasalukuyan naming tinatakasan si Manong Guard.Nakakatakot si Manong guard.

Pakiramdam ko tuloy nasa eksena ako ng The Walking Dead at hinahabol ng Zombie.

Nagtago kami sa likod ng iskinita.Nang parating na doon si Manong guard tinawag ni Jared ang isang asong gala at pinahabol si Manong Guard.

Kaya iyon nanakbo na si Manong Guard kaya nakatakas kami.

Ang bad talaga ni Jared.Pero alam ko naman na ginawa niya lahat ng iyon para sa akin.

So ako pala ang bad.

Nakapunta kami sa Amusement Park at syempre ang saya-saya namin.

Hindi na namin naisip ang mga pwedeng mangyari naisip ko na lang iyon noong pauwi na kami.

Kinabukasan nainvitahan agad kami sa detention office.Naku alam na this.
Katakot!

"Ms.Suaverdez at Mr.Montefalco! Ano na naman itong kalokohang ginawa niyo?"Galit na tanong ng Dean pagkapasok-pasok namin.

Nakatayo lang kami sa harap ng lamesa niya at nakayuko.Nakakatakot kasi.

"Pasensya na po Sir."Paghingi ko ng paumanhin.

"Pasensya, pasensya.Ilang beses niyo na itong ginawa.Hindi pa ba kayo nadala? Tingnan niyo nga ang ginawa niyo sa isa sa security guard ng school namin."Napatingin kami sa pintuan ng pumasok ang guard.

May mga benda siya sa katawan at may saklay pa.
Nakakawa siya.

"Mga walangya kayo.Tingnan niyo nga ang ginawa niyo sa akin.Pinalapa niyo ako sa aso."Reklamo nito.

Halos hindi ako makatingin ng deretso kay Manong Guard, nahihiya kasi ako.

Pero itong si Jared parang relax na relax lang.

Ako si Jared, ang Dean, si Manong Guard, at ang basketball coach lang ang nandito sa loob ng office.

"Jared, bilang coach mo hindi ko nagustuhan ang ginawa mo.Baka nakakalimutan mo ikaw ang basketball captain at ace.Malapit na ang interhigh.Paano na lang kung nainjured ka sa ginawa mong pagtalon sa bakod? Paano na ang team? At saka hindi ko nagugustuhan iyong hindi mo pag-attend ng basketball practice makapagcutting lang."Sermon ng Basketball Coach.

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon