Chapter 53: Pusong Wasak

684 20 0
                                    

[A/N: Kindly play this music on your side while reading this part. Now playing Someones Saying Good Bye. By: Morisette.]

[Althea]

Nagbuzz na ako sa unit na sinabi sa akin front desk assistant ng condominium na ito.

Its only 6 in the morning.Pero maaga akong pumunta dito sa condo na sinasabi nila.

Nanlaki ang mata ko nang bumukas ang pinto at bumungad sa harap ko si Renz.

Halatang kagigising lang n'ya.At halata mo sa kanya na nagulat rin s'ya nang makita ako.

"T-Thea."Utal utal nyang sabi.

Parang pinipiga ang puso ko sa mga nakita ko.

Para kong nanghihina habang pinagmamasdan si Renz na nakatayo sa harap ko na half naked pa ha.Shirtless at nakapants lang.

Tapos nang igawi ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto ang kalat.

At naghampalang pa sa sahig ang ilang mga damit ng babae.

Tuluyan nang tumulo ang luha ko nang makita ko si Claire na nakahiga sa kama.

Tumulo na ang luha ko habang matalim na nakatingin sa kanya.

"T-Thea mali ang iniisip mo.Hayaa--"

I cut his word at itinulak ko sya at direderetso akong pumasok sa loob.

[Third Person]

Tuluyan nang pumasok sa loob si Althea at nang matapat s'ya sa kama na tinutulugan ni Claire ay agad niyang hiniklas ang buhok nito.

Na naging dahilan para magising ito mula sa mahimbing na pagkakatulog.

"Ouch!"Naibulalas ni Claire nang hiklasin ni Thea ang buhok niya.

"Ang landi mo!"Sigaw ni Thea habang sinasabunutan si Claire.

Masyadong malakas si Thea.Dala na rin siguro ng galit kaya ang lakas ng loob nya na saktan si Claire.

Walang nagawa si Claire kundi magsisigaw at magpapalag.

"Aray! Let me go!Ouch!"Daing ni Claire na pilit kumakawala sa pagkakasabunot ni Althea.

"Ang landi mo! Mapapatay talaga kitang babae ka!"Sigaw ni Thea.

At saka sinampal ng malakas si Claire.

Napaikot si Claire at napasubsob sa chest ni Renz.

"Thea tama na!"Awat ni Renz kay Thea.

"Tama na?Naririnig mo ba iyong sarili mo!Mga walangya kayo!"Galit na galit na sabi ni Thea.

Na masama ang tingin sa dalawa.

Hinihiklas pa rin ni Thea si Claire at pinaghahampas nya ito pero sinasalag naman ito ng namamagitan sa gulo na si Renz.

"Thea.Tama na nasasaktan na si Claire!"

Awat ni Renz sa dalawa.

"Nasasaktan? Sa tingin mo sino sa aming dalawa ngayon ang nasasaktan! Paano mo nagawa sa akin ito Renz?"Umiiyak nyang sumbat sa lalakeng kanyang mahal.

"Thea.Let me explai---"

Hindi nya na natapos ang sasabihin n'ya dahil dumapo na sa pisnge niya ang palad ni Thea.

Napabaling ang mukha niya sa kabilang side dahil sa malakas na sampal na tinamo niya mula kay Thea.

"Let me explaine? Tangna naman oh! Iyan ka na naman sa line mo! Wala ka ng ipapaliwanag sa akin Renz.Nakita ko na! Kaya pwede ba huwag mo na kong gawing tanga!"Umiiyak niyang sumbat habang dinuduro si Renz.

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon