Chapter 17: The Truth

1.6K 32 3
                                    

[Althea]

5pm na at kinakailangan ko nang umuwi.Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga nagkalat na papers sa table ko nang biglang pumasok dito sa office ko ang co-writer ko na si Nina.

"O, uuwi ka na?" tanong niya.Dati rati kasi ay madalas ay 6pm ako umaalis ng office dahil may mga tinatapos pa akong trabaho.

"Oo eh nagpromise kasi ako kay Renz na uuwi ako ng maaga."tugon ko habang itinatabi ko sa kabinet ang mga papers.

"Talagang tuloy na tuloy na ang pagpapakasal mo sa kaniya noh?"tanong niya.Sa lahat ng tao si Nina pa lang ang nakakaalam ng tungkol sa pagiging engaged ko kay Renz.

Best Friend ko siya so I thought its just normal kung sasabihin ko sa kaniya.Isa pa may tiwala naman ako sa kaniya.

Hindi naman sa ikinakahiya ko si Renz kaya ayaw kong may makaalam ng tungkol sa aminhg dalawa.Ayaw kom langf kasi ng maraming nakikisawsaw sa relasyon namin.

Pareho lang naman kami ni Renz na iyon ang gusto.Kahit si Dina na Best Friend ko since college hindi alam ang tungkol dito.

Bihira na rin naman kasi kaming magkausap.Nasa Davao siya at nag-aalaga sa lola niyang may sakit.

"Oo eh."tugon ko sa tanong niya.

"So kailan ang kasal?"tanong niya.

"Hindi ko alam.Pero ang alam ko matagal pa.Marami pa kasi kaming dapat ayusin eh.Sige mauuna na ako.Bye."

Matapos kong magpaalam ay umalis na ako.Sumakay ako sa kotse ko na binili sa akin ni Renz.Nagdrive na ako pauwi.

***

Pagkadating-dating ko ay agad akong pumasok sa loob ng bahay at hinanap siya.

"Renz! I'm home!"Malakas na boses kong sabi habang naglalakad ako papasok sa loob para marinig niya.

Nagtaka ako dahil walang maid na sumalubong sa akin.
At higit sa lahat walang Renz na sumalubong sa akin.

Dati siya ang unang bumubungad sa akin sa tuwing umuwi ako.Pero nasan na siya?

Naglibot-libot ako sa buong kabahayan pero walang tao.
Wala akong kahit isang maid na nakita.

"Manang!"Pagtawag ko kay Manang Lucing pagpunta ko ng kusina.Pero walang sumagot.

Wala ang maid o kahit ang mga hardinero.Nasaan na sila?

Nang mapagod na ako sa paghahanap at katatawag ay naupo na lang muna ako sa sofa sa sala.

"Baka may pinuntahan lang."sabi ko sa isip ko.

Nang mainip na ako sa kahihintay ay napagpasiyahan kong maglibot-libot muna sa buong kabahayan.

Umakyat ako sa second floor nasasaan ang kwarto ko at kwarto ni Renz.Binuksan ko ang pinto ng room niya at wala rin siya doon.

Naglakad-lakad pa ako at sunod ko namang inakyat ang third floor nitong mansyon.

Naglibot-libot ako sa ikatlong palapag.May mga statwang bato na nakadisplay sa corridor.
Mga greek style statue.

Manghang-mangha ako sa mga ito.Pinagmasdan ko rin ang mga painting sa dingding.

Napakatahimik ng lugar dahil na nga rin sa mag-isa lang ako.Kaya naman mas narerelax ako.Gusto ko kasi ay tahimik.

Sa aking paglalakad-lakad dito sa ikatlong palapag ng mansyon ay narating ko ang isang pinto sa pinakadulo ng corridor.

Napatigil ako sa harapan ng pintuan na kulay tsokolate.
May nakalagay sa pintuan na
Do Not Entry pero dahil sa nakucurious ako at gusto kong malaman kung anong mayroon sa loob nun ay binuksan ko pa rin ang pinto.

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon