Chapter 66: Terenz to the Rescue!

939 13 0
                                    


[Althea]

"T*rant*do ka! Mapapatay kitang walangya ka!"Narinig kong sigaw ng isang lalake.

Bigla n'yang hiniklas ang lalakeng nasa ibabaw ko at agad inumbagan ng malakas na suntok na naging dahilan para mapasalampak sa sahig ang lalake.

Laking gulat ko nang makita ko kung sino ang misteryosong lalakeng dumating.

Hindi ako makapaniwala na nandito s'ya.

"R-Renz."Utal-utal kong sambit sa pangalan n'ya.

Dahil sa pagkabigla ay hindi ko na namalayan na bagsak na ang dalawang lalake na nanunuod ng sa amin kanina.

Iyong lalake naman na nagtangka sa akin na sinuntok ni Renz ay nakasalampak pa rin sa sahig.

Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon.
Dahil sa takot na nararamdaman ko.

"Thea,are you okey?"Alalang tanong ni Renz at naupo sa kama at niyakap ako ng mahigpit.

Hindi ko alam pero biglang nawala iyong takot na nararamdaman ko ng niyakap n'ya ako.

"Huhuhu..."Pag-iyak ko habang nakayakap ako ng mahigpit sa kanya.

[Terenz]

Nakita ko na may kausap si Thea sa tapat ng sasakyan n'ya.

Oo sinusundan ko s'ya.Halos araw araw inaalam ko kung saan s'ya nagpupunta.

Nakita ko kung paano sila sumakay ng lalakeng iyon sa kotse n'ya at nagdrive sa kung saan.

Hindi ko alam kung saan sila pupunta.Kaya palihim ko silang sinundan.

At nang marating ko ang bahay na tinigilan ng sasakyan n'ya ay naabutan ko doon ang ilang lalake na tila nagmamanman at nagbabantay.

Bigla akong may naramdamang kung anong takot.Alam kong nasapanganib si Thea sa mga oras na ito.

[Third Person]

Pasimpleng pumasok si Renz sa gate ng bahay na pinagdalhan kay Thea.

Hindi naman s'ya napansin agad ng mga ito.Kaya madali siyang nakapasok.

Sa may hagdaan ay pinatumba n'ya agad ang dalawa pang nagbabantay sa pamamagitan ng pagbugbog dito.

Hindi ito inaasahan ng mga kriminal kaya hindi sila nakapaghanda.

Sinipa lang si Renz ang pinto at agad itong nawasak na naging sanhi para ito ay magbukas.

[Terenz]

Nang mabuksan ko ang pinto ay laking gulat ko nang makita ko ang isang lalake na pinagsasamantalahan si Thea.

Hindi ko matiis ang mga nakikita ko.Bigla na lang nagdilim ang paningin ko at agad kong sinugod ang dalawang lalake.

Dahil sa galit ko hindi ko na alam kung gaano ko kabilis sila napatumba.

Tumambang sa harap ko si Thea na umiiyak at tila takot na takot sa mga nangyayari.

Nawarak na ang pang-itaas na suot n'ya kaya naman kita ko na ang damit panloob n'ya at ang ilang parte ng katawan n'ya.

Parang nagdilim ang paningin ko dahil sa mga nasaksihan ko sa kwartong ito.

Mga walanghiya siya.Mapapatay ko talaga sila kapag may nangyaring masama sa babaeng mahal ko.

Agad kong hiniklas ang lalakeng nasa ibabaw ni Thea at agad agad ay inumbagan ko ito ng malakas na suntok.

Na naging dahilan para tumilapon siya sa sahig.Napasama ang bagsak n'ya kaya nawalan s'ya ng malay.Idagdag pa ang pagsuntok ko sa kanya.

Agad kong nilapitan si Thea at naupo ako sa kama kaharap n'ya.Iyak pa rin s'ya ng iyak.Alam kong natatakot s'ya sa nangyayari.

Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

Mabuti na lang at hindi ako nahuli ng dating.Dahil kung nahuli ako baka kung ano ng nangyari sa babaeng mahal ko.

"Thea,are you okay?"Agad kong tanong at niyakap s'ya ng mahigpit.

"Huhuhuhu..."Iyak lang ang tanging naging tugon n'ya sa tanong ko.

"Sshh...tahan na.Nandito na ko.Ligtas ka na.Hanggat nandito ko wala ng makakapanakit sa'yo.Huwag ka nang matakot.Ssshh...tahan na."Pagpapatahan ko sa kanya habang nakayakap ako sa kanya at hinahagod ko ang buhok at likod n'ya.

Napangiti naman ako at nakaramdam ng saya ng yumakap s'ya pabalik sa akin.

Ang sarap at ang init ng yakap n'ya.Tatlong taon kong hindi natikman ang yakap na ito.Kaya talagang namiss ko ito.

Pero bakit sa ganitong pagkakataon pa nangyari ito.

"Huhuhu."Pag-iyak n'ya.At habang nakayakap ako sa kanya ay ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib n'ya.

Kumawala na kami sa yakap namin sa isa't isa.

I cupped her face and I stared on her eyes.

"Tahan na.Wala ka ng dapat ikatakot.Nandito na ko.Sshh...tahanna."Pagpapatahan ko sa kanya habang pinapahid ko ang luha n'ya.

"B-Bakit ka nandito?"Utal-utal n'yang tanong.

Ngumiti ako ng bahagya sa kanya.

"Sabi ko naman sa'yo di ba.Na ano man ang mangyari puprotektahan kita.Hindi ko hahayaan na may mananakit sa'yo."sabi ko.

"Salamat."Mahina n'yang sabi.

Napansin kong napatingin s'ya sa suot nyang damit na may warak na.

Nakita ko na medyo nagblush s'ya.Nahihiya yata s'ya.

Hinubad ko ang jacket na suot ko.Naka jacket kasi ako na may hood ngayon na may pang-ilalim na v-neck t-shirt.At pants ang pang-ibaba.

Hinubad ko ang jacket ko at isinuot sa kanya.

"Isuot mo muna ito."sabi ko habang tinutulungan s'ya sa pagsuot ng jacket ko.

Para naman matakpan ang ilang parte ng katawan n'ya na naexpose na dahil sa pagkawarak ng damit n'ya.

"Tayo na."sabi ko at tinulungan s'yang tumayo.

"Anong nangyayari dito?"Nagulat kaming dalawa nang may biglang dumating.

Dalawang armadong lalake na may hawak na baril.

"R-Renz."

*Bang!

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon