Chapter 34: Gunman

610 22 0
                                    

[Althea]

Nakayakap ako kay Renz habang nakalupagi kami sa sahig. Buti na lang at sa braso lang siya natamaan. Subalit ang problema ay marami ng dugo ang nawala sa kaniya.

Tumulo na ang luha ko dahil sa nangyari at sa ngayon ay nasa harap na namin si Henrico. Ang kontrabida sa kwentong ito. I mean ang mastermine ng lahat ng kaguluhan.

Nakangiti siya at nakatutok sa amin ang baril. Alam kung ano mang oras ay tatapusin na niya kami. Nakadama ako ng takot habang pinagmamasdan ko ang gatilyo ng baril na unti-unti ng kinakalabit ni Henrico. Napapikit na lang ako ng mariin habang nakayakap kay Renz.

"Mamaalam na kayo sa mundo!" Malademonyo niyang sabi at saka humalakhak.

*Bang!*

"Ah!"Naibulalas ko nang makarinig ako ng putok ng baril. Nag-antay ako ng ilang saglit subalit wala akong naramdamang bala na tumama sa katawan ko. Iminulat ko ang aking mga mata at dahan-dahang nag-angat ng tingin.

Para akong nabunutan ng tinik ng makita ko si Henrico na nakaluhod sa harapan namin at tila may iniindang sakit. Noong una'y hindi ko lubusang batid kung ano ang nangyari sa kaniya. Pinagmasdan ko lang siya at hindi naman siya umiimik sa amin.

Hanggang sa nabitawan na lang niya ang baril na hawak niya habang nakaluhod. At bigla na lang may dugong lumabas sa bibig niya.
At doon na siya natumba at nawalan ng malay.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko sa may distansyang may kalayuan si Mark na hawak ang baril na nakatutok sa direksyon namin. Ngayon lang naging malinaw sa akin ang lahat.

Hindi sa baril ni Henrico nagmula ang putok na narinig ko kundi sa baril ni Mark na naging dahilan para bumagsak sa sahig si Henrico.

Thanks God!

Para akong nakahinga dahil sa nangyari. Agad lumapit sa amin si Mark na hawak pa rin niya ang baril niya. Habang palapit siya sa amin ay nakita ko pa ang ilang myembro ng NBI na nagreresponde.

Salamat naman at dumating na ang mga pulis. Pero ng makita ko si Renz mas lumakas ang takot na nararamdaman ko. Tila nanghihina na siya at namumutla na rin

Ang dami ng dugong nawala sa kaniya. Nakahawak siya sa braso niya na natamaan. Puro dugo na ang damit na suot niya. At dahil nga sa white longsleeve ang suot niya kitang kita mo ang kulay pulang dugo na nasa may kamay ng polo niya.

Nakasandal siya ngayon sa pader habang nakalupagi sa sahig.

"Renz..."Umiiyak kong tawag sa pangalan niya. Para akong nanghihina. Nanghihina ako sa takot. Takot na baka mawala siya sa akin.

"Huwag kang umiyak...ayoko na nakikita na umiiyak ka. Huwag kang mag-alala maaayos din ang lahat." Nanghihina niyang sabi habang hinahaplos ang mukha ko.

"Pero--"

"Okey lang. Mahal na mahal kita."Tumulo pang lalo ang luha ko.
Pakiramdam ko ay namamaalam na siya sa akin.

"Renz naman eh! Anong okey kahit sa braso ka lang tinamaan ang dami ng dugong nawala sa'yo. Tingnan mo nga namumutla at nanghihina ka na! Kaya anong okey? Maaari kang mamatay sa ginagawa mong 'yan!"Umiiyak kong sermon sa kaniya.

Bigla niyang ipinikit ang mga mata niya.

"Renz! Renz! Hey Renz wake up! Renz!" Paggising ko sa kaniya ayaw niya kasing mumulat.

"Renz..."Umiiyak kong tawag sa pangalan niya.

"Renz!" sigaw ko para magising siya.

"Aray! Ang sakit sa tenga."Mahina niyang sabi at doon na ako nakakalma.

"Renz naman ehh...akala ko iniwan mo na ko. Loko-loko ka rin nuh."Inis kong sabi.

"Thea nanghihina na ako at nahihilo pa dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin. Ipinipikit ko lang ang mata ko. Ano ka ba."sabi nya.

At natawa na lang ako sa sarili ko.

"Hoy!Mark, tatayo ka na lang ba talaga dyan? Hindi mo ba kami tutulungan?"sabi ko.

"Ah, oo nga pala sorry. Huwag kayong mag-alala nandito na ang mga pulis sila ng bahala sa lahat. Halika na dadalhin na namin kayo sa hospital."sabi niya at inalalayan niya si Renz tumayo.

"Renz ano kaya mo pa bang maglakad?"tanong niya habang nakaakbay si Renz sa kaniya.

"Oo kaya ko pa. Medyo nahihilo lang ako."tugon niya. Inalalayan naming maglakad si Renz at naglakad na kami palabas ng gusali. Nadaanan namin ang mga pulis na inaaresto ang mga miyembro ng ElblackO.

Sumakay na kami sa responded ambulance. At bumyahe patungo sa hospital na pinakamalapit sa islang ito.

***
[Hospital]

Nakaupo ako sa waiting area at inaantay na lumabas ang doktor.

"Doc.Kamus--"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng nilampasan lang ako ng doctor.

Kainis naman oh..

Naghintay lang ako ng ilang saglit hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

[Time Past]

Nagising ako umaga na pala.

Hala si Renz kamusta na kaya siya?

Nagtungo agad ako sa front desk para iclarify kung nasan na si Renz.

"Miss saan ang room ni Mr.Ezcadler?"tanong ko.

"Room.47"

Agad akong tumakbo patungo sa room na iyon. Halos mangadulas ako sa pananakbo at nadatnan ko si Mark na palabas na sa kwartong iyon. Nakita ko si Mark na nagpapahid ng luha.

"Mark si Renz?"Kabado kong tanong.

Umiling iling siya.

Tumulo na ang luha ko dahil mukhang batid ko na ang isasagot niya.

"W-Wala na sya. Masyado raw maraming dugo ang nawala sa kaniya. Kaya naman."Nagtangis ang kaniyang mga bagang batid ko ang sakit na nararamdaman niya. Doon na ako umiiyak at direderetsong pumasok sa loob.

Nakita ko doon si Renz na nakahiga sa kama at walang malay. I can't believe patay na ang taong pinakamamahal ko. Halos nanghihina na ako.

Iyak na ako ng iyak. Nanginginig ang katawan ko na lumapit sa kaniya.

"Renz please wake up...I need you. I love you Renz."Umiiyak kong sabi.

"Ano bang iniiyak iyak mo d'yan?"Natigil ako sa pag-iyak ng magsalita siya at ngumiti habang nakapikit.

Great buhay siya!

Hinampas ko siya bigla sa balikat.Sa sobrang inis ko.

"Aray!" Naibulalas niya.

"Hala sorry."

Bigla siyang mumulat at ngumiti sa akin.

"Nakakainis ka! Huwag mo ng uulitin iyon huh? Kung natutuong namatay ka. Magpapakamatay na rin ako."sabi ko at saka nagpout.

"Hahaha!"Nilingon ko si Mark.

Natigil siya sa pagtawa. Lalo na ng tingnan ko sya ng masama

"Loko loko ka! Patay ka sa akin." Banta ko.

"Sorry."sabi nya at nagpeace sign pa.

"Akala ko wala ka na."

"Hindi kita iiwan nuh isa pa--"

Naputol ang sinasabi nya ng may biglang nagsalita.

"Hindi siya mamatay. Isa pa hindi ito Romeo and Juliet para mamatay si Renz at magpakamatay ka."

Nilingon namin ang nagsalita si Dylan.

"Paano ba 'yan Happy na lahat? Edi Ending na?"sabi ni Dylan.

"Oo nga tama ka."sabi naming dalawa.

THE END

[A/N: THE END? Of  course NOT. HINDI PA TAPOS SO KEEP ON READING DAHIL MARAMI PANG MANGYAYARING HINDI MO INAASAHAN.]

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon