Chapter 42: Althea vs. Claire

734 24 0
                                    

[Althea]

Dalawang araw na rin ang nakalipas mula noong may nangyari sa amin ni Renz. Naramdaman ko na mas naging sweet pa siya sa akin ngayon. He really loves me. Palagi na kaming magkasama. Because after that night it's weekend so two days no work. Kaya iyon stay sa house. Ipinagluluto niya ako ng pagkain noong weekend. Siya ang cooked ng buong weekend na iyon.

Nandito ako ngayon sa mall at nagsasign ng authograph dito sa loob ng small office ko dito sa mall.
Ngayon kasi ang release ng kapapublish ko lang na libro.
Mag-isa lang ako dito sa isang room na transparent glass lang ang wall kaya naman kita ko ang mga pagalagala dito sa mall.

Kapag may nabili ng libro ko ang mga mall staff ang nag-aasikaso sa kanila.
Pagkatapos bumili ng libro ko papasok sila dito para magpaauthograph sa libro na binili nila na isinulat ko.

"Ms.LonelyGirl, Pa-authograph naman po."

"Ako rin po. Idol ko po kayo."

"Miss ako rin. Ang galing niyo po kasi."

"Ms.LonelyGirl. I love your story."

Masiglang sabi ng mga babaeng magpapaauthograph.
Natuwa naman ako sa mga sinabi nila. Sa wakas natupad na ang pangarap ko na maging writer at makapagpublish ng libro na ibebenta sa mall na ito.

"Thank you."

Sinimulan ko ng magsign ng authograph kita ko naman ang saya sa mga mata nila.

"Magkakaibigan kayo?"tanong ko.

"Ahm opo missLonely Girl. Idol nga po namin kayo."

"Wow talaga. Ang saya naman."sabi ko.

"Ang ganda niyo po." Masayang sabi nung isa. Wow maganda raw ako.

"Kayo talaga. Pero thanks sa pag-appreciate ng mga story ko. I hope also like that-----"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may biglang pumasok.
Napatingin kaming lahat sa kadarating.

"Hello, there."Maarteng bati ni Claire pagkapasok -pasok at may dala siyang libro. Oo libro ko. My new publish book a romance novel story.
Nararamdaman ko na may hindi magandang mangyayari ngayon.
Panira ng araw ang malanding haliparot na may sa higad na Claire na ito.

Maarte siyang lumapit sa akin.
Nakita ko na parang natakot sa kaniya ang mga teenage girl na nagpasign ng authograph sa akin kanina.
Napaatras silang apat.
Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo. I  faced Claire with full of confident.

Mukha kasing nanghahamon ang tingin niya at pagpunta niya dito.
Sigurado akong may hindi siya magandang gagawin.

Bitch is always a bitch nga talaga.

[Third Person]

[A/N: Para po sa ibang hindi pa nakakaalam ang Third Person POV  ito po ay ang POV  ng Author. (Narration).T.Y]

Tila may dumaang masamang hangin sa loob ng mini office ni Althea nang biglang dumating si Claire. Nakasuot ito ng color black dress na sleeveless at above the knee lang. Na nagpa-expose ng ilang parte ng kanyang katawan. Nakaheels siya na four inches ang taas.

Taas noo siyang pumasok sa office ni Althea at may labit siyang libro. Ang kapapublish lang na novel book ni Althea na mas kilala bilang Ms.LonelyGirl. Tila natakot ang mga teenage girl na masayang nagpapaauthograph kay Althea.

Napaatras ang mga ito ng makalapit si Claire sa table ni Althea, taas noo namang tumayo si Althea sa swivel chair na inuupuan niya.

Alam ni Thea na hindi pupunta si Claire dito ng walang dahilan.Alam niya na may hindi maganda itong gagawin dahil kabisado na nya ang ugali nito. At ngayong nakita niya na naman ng personal si Claire ay nakaramdam na naman siya ng pagkabwisit at pagkairita sa babaeng ito.

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon