[Terenz]
"Oo! Anak mo s'ya.Anak mo si baby Sky.Oo! Nagkaanak nga tayo!"Pag-amin ni Althea.Na umiiyak na rin sa mga oras na ito.
Kanina ko pa s'ya pinapaamin na anak ko nga si Sky pero itinatanggi nya.Pero sa wakas ay umamin na rin s'ya.Iyon lang naman ang gusto kong marinig sa kanya.
Na s'ya mismo ang magsabi sa akin na baby Sky is mine.At ngayon sa wakas inamin din n'ya.
"Pero bakit nagsinungaling ka sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagkaanak pala tayo?"tanong ko.
"Bakit? Paano ko pa sasabihin kung wala ka na."Umiiyak n'yang sabi.
Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang mga luha n'ya.
"Anong ibig mong sabihin?"Naguguluhan kong tanong.Para kasing ang dami kong hindi alam.Naguguluhan na ko sa mga nangyayari.
"Dahil galit ako sayo!"Sigaw nya sa akin habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha nyang malacrystal.
"Thea.Hindi kita iniwan.Ikaw nga iyong nang-iwan di ba? Sa ating dalawa ikaw ang unang bumitaw.Nakiusap ako sa'yo noon na sana pakinggan mo ang mga paliwanag ko pero hindi ka nakinig at mas pinili mo pang sumama sa Dylan na 'yan.Tapos ngayon na nagkita na tayo hindi mo man lang sinabi sa akin na nagkaanak tayo!"Sumbat ko sa kanya.
Kanina pa kami nagtatalo at habang tumatagal ay mas tumitindi ang kirot na nararamdaman ko.Napakag*go dahil pinaiyak ko na naman s'ya.
"Ikaw iyong nang-iwan,Renz!"Sumbat nya.
"Anong ako.Ikaw ang nauna,Thea.Hanggang kailan mo pa ba ko paiikutin sa mga kwento mo?"tanong ko.
"Wala kang alam sa mga nangyari,Renz.Wala kang alam.Kailangan ko ng umalis.Hinihintay na ko ng anak ko."Paalam nya habang pinapahid ang luha nya.
Matapos nyang sabihin iyon ay tumalikod na s'ya at naglakad palayo.
Gusto ko syang sundan.Gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin sya ng mahigpit.Pero bakit hindi ko magawa.
Para napako ang mga paa ko sa mismong kinatatayuan ko.Gusto ko syang habulin pero hindi ko magawa.
Ang dami kong hindi alam sa mga nangyari sa loob ng tatlong taon.Naguguluhan na ko sa mga nangyayari.
Sa ngayon ay masaya ko dahil anak ko nga si Sky.Gagawin ang lahat para mabuo lang kaming pamilya.
Ang daming tanong na naiwan sa akin matapos akong iwanan ni Thea dito sa kinatatayuan ko.
***
[Althea]
Matapos naming mag-usap ni Renz ay tumakbo na ko papunta sa sasakyan ko.Nasa park kasi ako ngayon dahil dito kami nagmeet ni Terenz.Ipinakita nya sa akin ang DNA test result kaya hindi na ako nakatanggi.
Pumasok na agad ako sa sasakyan ko ng umiiyak pa rin.Bakit ba nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ko sya.
Oo galit ako sa kanya kasi iniwan nya ko.Tapos kung sumbatan nya ko parang ako lang ang nang-iwan.
Napasubsob na lang ang mukha ko sa manibela ng kotse ko at patuloy pa rin ako sa pag-iyak lalo na ng naalala ko ang mga nangyari dati.Ang nangyari 3 years ago.
Ang dahilan kung bakit ngayon ay galit na galit pa rin ako kay Renz.
Ang dahilan kung bakit itinago ko sa kanya si baby Sky.
*Flashback
Ang pagtatalo naming tatlo sa condo ni Dylan ang naging huling usap namin ni Renz.Alam ko nasaktan ko sya pero deserve nya iyon dahil mas pinili nya si Claire kaysa sa akin.
BINABASA MO ANG
Felicitous Inheritress
RomanceTerenz Ezcadler, isang brokenhearted Mafia na napapanahon ng humanap ng mapapangasawa. Ngunit dahil nabigo sa pag-ibig dulot ng kamatayang humadlang sa kanilang pag-iibigan, pinangako niya sa sarili na hindi na muling magmamahal. Pero bilang tagapag...