ROCKY~
"Kie! Gumising ka na!" sabay alog ni Bonita sa akin "Gumising ka na! Andito na si Summer!"
Agad kong dinilat ang aking mga mata at tumayo "Ha?! Andito na si Summer?!"
"Wala pa. Sabi ni tito, kakaalis lang nila sa airport. Maghanda ka na, dadating na yun sila mamaya" sabi ni Bonita at umalis na sa kwarto ko
Kinabahan tuloy ako! Ayaw kong harapin si Summer na wala pa akong ligo nu! Kailangan fresh ako sa paningin ng crush ko. Nagmamadali akong pumasok sa cr para maligo na. Pagkatapos kong magbihis ay baba na sana ako pero napadaan ako sa magiging kwarto ni Summer.
Sabi ni Bonita na siya yung nagdesign sa kwarto ni Summer kaya pumasok ako para tignan yon. Pagpasok ko pa lang, halatang maganda yung pagkadesenyo ni Bonita. Bagay na bagay kay Summer. May napanood ako na interview na kung saan tinanong si Summer sa paborito niyang kulay. Black, gray, navy blue at maroon yung mga paboritong kulay. Yung theme ng kwarto ni Summer ay aesthetic. Bagay sa kanya.
Nakita ko rin yung balcony ni Summer. Maganda siya talaga kasi yung view ay yung dagat. Sigurado akong magugustuhan to ni Summer. Ibang view na kasi yung makikita niya araw araw. Hindi na yung mga matataas na building, yung mga maraming mga sasakyan at lalong lalo na hindi na yung entablado na maraming nanonood sa kanya at maraming mga camera
Bumaba na ako pagkatapos kong tignan yung kwarto ni Summer. Nakita kong naghahanda ng pagkain si Bonita "Aba, fresh ka na ngayon ah!" sabi niya
"Dapat lang kasi isang artista ang makakasama natin dito"
Nagulat si ate Doris sa sinabi ko "Isang artista ang anak ni sir?"
Tumingin si Bonita kay ate Doris "Oo, at ang sobrang ganda pa!"
"Talaga?! Wala rin kasing tv sa amin eh. Dito lang ako sa resthouse nakakapanood ng tv" sabi ni ate Doris
"Saan na ba sina tito?" tanong ko kay ate Doris
"Malapit na daw sila sa pier" sagot ni ate Doris
Tumango at naglakad palabas sa resthouse. Napagisipan kong maglibot muna sa isla habang hinihintay na dumating sina Summer at tito. Maliit lang pala tong isla na to. Malilibot mo to sa isang oras kapag may sasakyan ka. Kaso wala akong sasakyan kaya matatagalan akong maglibot nito. Maraming mga resorts ang nandito pero kay tito yung pinakamaganda. Sa tapat ng resort ni tito, may maliit na simbahan kaya pumasok na rin ako at nagdasal
Pagkatapos kong magdasal ay napagisipan ko na rin na bumalik na sa resthouse. Baka andon na sina tito at Summer. Excited na akong makita ulit si Summer. Andon na yung prinsesa ko, naghihintay na sa kanyang prinsipe
"Tulong! Tulungan nyo ako!" may narinig akong babaeng sumisigaw
Nakita ko na may isang babae na humihingi ng tulong sa tabi ng dagat. Tumakbo ako patungo sa kanya. Tumingin yung babae sa akin "Tulungan mo naman ako. Ayaw na niya gumising"
Lumuhod ako sa tabi ng babae at tinignan siya ng mabuti. Totoo ba to? O nagbibiro lang siya?
"Bilisan mo! Baka mapaano pa yang kaibigan ko!"
Tinignan ko yung tiyan ng babae, parang humihinga pa siya. Inilagay ko yung index at middle finger ko sa leeg niya para ramdamin yung pulso niya. May pulso pa siya, oo buhay siya at humihinga pa siya kaya napagisipan kong kirutin yung beywang niya
"Aray!!!" sigaw ng babae
Napatayo ako kaagad "Nagbibiro lang yan"
Agad naman napatayo yung babae na nagkukunwaring nawalan ng malay "Ang sakit nang ginawa mo ha!"
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanfictionSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...