CHAPTER 51- Not giving up

449 11 1
                                    


ANNIKA~

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Chris

"Kinamusta ko lang si ninang. Matagal tagal na rin kasi kaming hindi nagkita"

Napatingin ako kay ninang at halatang wala siya sa mood. Noon, gustong gusto niya talaga si Chris pero pagkatapos nung nangyari sa aming dalawa, ayaw na niya si Chris

"May dala rin akong pagkain para sa inyo" sabay ngiti ni Chris

"Gutom ka na ba, Annika? Halika, kumain na tayo" sabi ni ninang

Habang kumakain kaming tatlo, palaging nagtatanong si Chris kung bakit napasali ako sa bagong teleserye. Kung paano ako nakuha at kung nagtratrabaho pa ba rin ako sa ospital

"Kilala ni Gabe si Annika simula nung high school pa sila. Nakitaan siya ng potensyal ni Gabe sa pag acting kaya nung nalaman ni Gabe na kailangan nila ng isang medical technologist, ni refer niya kaagad si Annika" sabi ni ninang. Si ninang na rin ang sumagot sa mga tanong ni Chris. Halata sa tono ni ninang na ayaw niya talaga si Chris

"Ah ganon ba" sabay tingin ni Chris sa akin "Bakit hindi mo sinabi sa akin na kilala ka pala ni Gabe?"

"Hindi ko nga alam na kilala niya ako. Ngayon ko lang nalaman yon" sabi ko

Biglang napatayo si ninang kaya napatingin kami sa kanya. Tumingin ako sa plato ni ninang. Tapos na pala siyang kumain. Eto ata ang pinakamabilis niyang matapos kumain. Tumingin siya sa aming dalawa at umalis. Nahahalata kaya ni Gabe na ayaw siya ni ninang?

"Okay lang ba si ninang Sally?" tanong ni Chris nung nakaalis na si ninang

"Ano bang pinagusapan ninyo kanina ni ninang?"

"Wala lang. Tinanong ko lang sa kanya tungkol sa mga nangyari sayo simula nung naghiwalay tayo"

Huminga ako ng malalim "Bakit kailangan mo pa yon malaman?"

"Syempre, gusto kong makasigurado kung mahal mo pa ba ako"

Wow! Kapal din mukha niya ha! Kasing kapal ng almanac! Anong tingin niya sa akin? Hindi pa nakapagmove on matapos ang ilang taon? Hindi ako tanga nu!

"Chris, apat na taon na ang nakalipas. Sa tingin mo, hindi pa ako nakapagmove on?"

Bigla niyang hinawakan yung kamay ko "Annika, alam kong mahal mo pa rin ako hanggang ngayon"

Inalis ko yung kamay ko sa pagkahawak niya "Matagal na tayong hiwalay. Matagal na din kitang nakalimutan kaya tigilin mo na tong pinaggagawa mo" tumayo ako at aakyat na sana ng kwarto ng biglang may sinabi si Chris

"Hindi pa rin ako susuko, Annika"

Hindi ako lumabas ng kwarto ko hanggang makalabas ng bahay si Chris. Nung narinig ko na umalis na yung sasakyan niya. Ilang segundo, may kumatok sa pintuan ko. Binuksan ko ito at pumasok si ninang sa loob ng kwarto ko

"Nakaalis na siya"

Nakahinga na rin ako ng maluwag

"Bakit nagpunta pa yon dito?"

Umupo ako sa kama ko "Hindi ko nga rin alam. Sabi niya sa akin, hindi daw siya susuko hanggang mapa sa kanya ako ulit"

Nagulat si ninang sa sinabi ko "Ano?! Baliw ba siya?! Pagkatapos lahat lahat ng ginawa niya sayo? Nasira pa yung pangarap mo dahil sa kanya tapos babalik lang siya dito na parang wala lang nangyari? Sa susunod, hindi na yon makakapasok dito sa bahay"

Biglang nagring yung phone ko. Tumatawag si Yassi

"Yassi"

"Annika, we're on our way dyan sa bahay ninyo. Kailangan ready ka na ha? Bye!"

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon