SUMMER~
Ilang araw nang hindi umuuwi si kuya simula nung nalaman niya ang katotohanan. Simula nung araw na yon ay hindi na rin kami nagpapansinan ni mama. Tuwing gabi, ako yung nagbabantay kay pops sa ospital at si mama naman sa umaga. Mabuti nalang at kaya pa ni pops umupo kaya paminsan minsan, pumupunta kami sa garden ng ospital habang naka wheelchair si papa. Hindi namin ikinuwento kay pops tungkol sa nangyari sa amin ni mama at kuya. Palaging hinahanap ni pops si kuya at palagi rin akong nagsisinungaling na nagtratrabaho si kuya
Andito kami ni pops sa garden ng ospital habang tinitignan yung city lights. Dito kami pumupunta ni pops kasi tahimik yung lugar. Pinapasyal ko dito si pops para hindi niya palaging maramdaman na nasa ospital siya buong araw
"Kailan ba bibisita yung kuya mo?" mahinang tanong ni pops
Umupo ako sa bench na nasa tabi ni papa "Huwag kang magalala pops, bibisita si kuya bukas"
Biglang napatingin si pops sa akin at ngumiti "Sigurado yan ha?"
"Oo, pops"
Huminga ng malalim si pops at tumingin sa mga city lights "J, hindi mo na kailangan magsinungaling sa akin"
"Po?" hindi ko magets yung sinabi ni pops
Nakatingin pa rin siya sa mga city lights "Alam kong alam niyo na yung totoo. Alam kong ilang araw na hindi umuuwi yung kuya mo dahil nalaman na niya yung totoo"
Nagulat ako sa sinabi ni pops "Sorry pops, ayaw ko lang sabihin sayo kasi ayaw kong manghina ka. Gusto kong mapadali yung paggaling mo"
"Dahil nalaman mo naman rin yung totoo, sasabihin ko na sayo lahat..." sabay tingin niya sa akin
"Business partners yung pamilya ko at pamilya ng mama mo. Noon pa man, gusto na talaga ng mommyla mo na ako yung mapapangasawa ng mama mo pero dahil mahal niya yung papa mo, hindi yon nangyari. At aaminin ko, gusto ko rin yung mama mo pero ayaw ko talagang sirain yung relasyon nila ng papa mo" tumingin ulit si pops sa mga buildings. Gulat pa rin ako sa nalaman ko. Hindi ko alam na ganito pala ang kwento nila
"Ang alam ko lang non ay naghiwalay na yung mama at papa mo. Hindi ko alam na iniwan pala siya ng mama mo dahil sa kagustuhan ng mommyla mo. Sa totoo lang, ayaw talaga iwan ng mama mo yung papa mo. Mahal na mahal niya kasi yung papa mo. Isang araw, nalaman ko nalang na titira na yung mama mo sa bahay ko. May sarili na kasi akong bahay non" tapos tumingin naman si pops sa akin "Napakasaya ko non kasi sa wakas, magkakasama na kami ng mama mo. Unang gabi namin na magkasama, walang tigil sa pagiyak ang mama mo. Nasasaktan siya sa ginawa niya sa papa mo. Kahit ayaw man niya gawin yon pero nagawa niya dahil sa mommyla mo" naging teary-eyed na si pops hanggang sa umiyak na rin siya
"Naalala ko pa non na nagmakaawa yung mama mo sa akin na sana hindi ko siya gagalawin, na sana walang mangyari sa amin kasi mahal pa rin niya yung papa mo at kasal pa rin siya sa kanya. Gusto ng mommyla mo magpa annul na sila ng papa mo pero ayaw pumayag ng mama mo"
"Narealize ko din na ang tanga ko pa rin pala. Kaya ko naman sabihin sa mommyla mo na hindi ko kaya na kasama yung mama mo habang mahal niya yung papa mo pero hindi ko yon nagawa. Hindi ko yon nagawa kasi mahal ko ang mama mo at masaya ako kapag kasama ko siya. Masaya ako na sa aking bahay siya umuuwi. Masaya ako na ako yung lalakeng kinikilala niyang asawa pero masakit din pala. Nakaya kong tiisin lahat ng sakit na yon kahit alam ko pang mahal pa rin niya yung papa mo"
Napaiyak na rin ako nung nalaman ko yung kwento ni pops "Ma..mahal pa ni mama si papa?"
"Kahit hindi man sabihin ng mama mo, ramdam ko na mahal pa rin niya yung papa mo"
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanfictionSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...