SUMMER~
Pagkatapos ng shift ko, agad akong pumunta sa cr para magbihis. Nakita kong tapos nang magbihis si Bonita "Summer"
Lumapit ako kay Bonita "Bonita, may problema ako" kanina ko pa kasi gustong ipalabas tong nararamdaman ko. Kanina pa rin ako hindi mapakali
"Ano? Anong problema mo?"
Huminga ako ng malalim "Dumating ang childhood friend ko na si Fabio. Hindi ko nga maaalala na childhood friends pala kami basta sabi niya best friends sila ng kuya ko. Tapos, sabi niya may pact daw kami kapag 20 na kami at single pa rin, siya yung magiging boyfriend ko"
Nagulat si Bonita sa sinabi ko. Ako nga nagulat, siya pa kaya? "Omg bes"
"At may naisip akong paraan para hindi matuloy yung pact namin"
"Ano?"
Nagdadalawang isip ako tuloy kung sasabihin ko ba kay Bonita o hindi. Alam ko naman na sa simula pa lang, tinutukso na niya ako kay Rocky
"Ano, bes?" tanong niya ulit
"Eh, basta huwag mo akong tutoksuin. Desperada na kasi ako. Ayaw ko talagang maging boyfriend si Fabio"
"SIge na, ano ba yan?"
Huminga ako ng malalim "Kinausap ko kanina si Rocky kung pwede bang magpanggap siya bilang boyfriend ko...pero for three days lang naman! Aalis naman din si Fabio"
Biglang nagsmirk si Bonita "Hmmm..."
"Di ba sabi ko sayo kanina na hindi mo ako tutoksuin"
"Hindi naman kita tinutukso ah! Pero anyway, ano ba ang histura ni Fabio? Bakit ayaw mo ba sa kanya?"
"Half Italian siya. Malaki ang katawan, matangkad, maputi, gwapo"
"Oh! Gwapo naman pala. Bakit ayaw mo sa kanya?"
Oo nga, bakit ayaw ko kay Fabio? Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin maaalala si Fabio noong mga bata pa kami
"Hmmm...di kaya, di mo siya gusto kasi di siya kasing jologs ni Rocky?"
Napatingin ako kaagad kay Bonita "Hindi ah! Hindi ko pa kasi kilala yung tao kaya ayaw ko pa sa kanya"
"Kung bibigyan mo nalang ng chance na kilalanin yung tao, baka magustuhan mo siya?" sabay ngiti ni Bonita
Totoo ang sinabi niya. Kung kikilalanin ko si Fabio, posible bang magkagusto ako sa kanya? Pwede ko naman sabihin sa kanya na sa getting to know stage muna kami since hindi ko na maaalala yung nangyari sa amin noong bata pa kami
Pagkatapos kong magbihis, pumunta ako kaagad sa rooftop. Gusto kasi ni papa na doon kami magdinner kasama si Fabio. Pagdating ko sa rooftop, nakaupo na sina papa at Fabio. Tumingin sila sa akin at dahan dahan akong lumapit sa kanila. Tumayo si Fabio at pinaupo ako sa upuan "Have a seat" sabay ngiti niya
"Thanks" ningitian ko siya at umupo. Bumalik rin si Fabio sa kanyang upuan
"So, you're here because of that Operation Tuli?" tanong ni papa kay Fabio
"Yes, I became a doctor last year and dad sent me here to be one of the doctors in the Operation Tuli. He also told me that you have a resort here that's why I looked for you"
Wow, doctor na siya?! Ako nga eh, hindi pa nakapag college
Tumingin si papa sa akin "Kumain ka na, Summer"
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanfictionSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...