CHAPTER 1- Love At Website

2.7K 27 3
                                    

SUMMER~

Hi. Ako pala si Summer J Tanquiamco. Yes, my second name is J and people who are close to me call me by that name. 20 years old. Sabi nga nila maswerte ako kasi I came from a Chinese family who owns a lot of Chinese restaurants around the Philippines and may sariling clothing line yung mom ko.

My mom's a fashion designer. She's been working in the fashion industry for the rest of her life. Don na siya lumaki. She got it from my grandma. Simula nung bata pa ako, nakitaan na ako nang potensyal na magiging artista someday dahil daw maganda ako, makinis yung balat ko at ang dami pang ibang sinasabi nila. Dahil dyan, lumaki ako na pinagsasabay ko yung pag-aaral at pag-aartista. Naghohome school ako and at the same time working as an actress.

At first, gusto ko talaga yung trabaho ko pero habang lumalaki na ako, hindi ko na nagugustuhan ang palaging nasa spotlight. Ang daming chismis, ang daming bashers. Isang mali mo lang, jinujudge ka na ng mga tao. Hindi ka pa nga kumikilos, tinitignan ka na nila. There are a lot of times na I wanna give up my career but my mom wouldn't let me. My mom is actually my manager kaya she's the one who's control in everything. Hindi pa ako nakapag college because ang daming projects na dumadating para sa akin.

If I would have to choose, I want a simple life. Gusto ko makapagtapos ng pag-aaral, get a degree and work sa profesyon na gusto ko. Alam ko naman kasi na hindi pang-forever yung trabaho ko bilang isang artista. I know dadating din ang panahon na hindi na ako sisikat at mabubura na yung pangalan ko sa isipan ng mga tao

"J! Tapos ka na ba dyan?" tanong ni mama

"Yes, ma. I'm almost done" iniimpake ko yung mga gamit ko para sa mall show ko mamaya sa Cebu. E-propromote kasi namin yung pelikula namin na kasali sa entry ng MMFF

Dumating si mama sa harap ng pintuan "Ang bagal mo naman, anak"

Isinirado ko yung maleta ko at humarap sa kanya "I'm done"

"Flora! Kunin mo na tong mga gamit ni J at ilagay sa sasakyan"

Habang kinuha ni Flora, my personal assistant yung mga gamit ko, tumingin si mama sa akin at lumapit siya "J, have a safe trip ha. Take care always"

"Ikaw din ma, huwag kang magpadala sa trabaho. Kailangan mo din magpahinga"

Niyakap ako ng mahigpit ni mama "I'll see you on Monday"

"Okay, ma"

Bumitaw siya sa yakap at hinalikan ako sa noo "God bless"

"God bless you too, ma"

Habang papunta na ako sa airport, nakikinig si kuya Ted ng radyo kaya nakinig na rin ako. May ipinatugtog sa radyo na hindi ko maiintindihan yung salita

"Kay di ta uyab, wala'y ikaw og ako, apan magselos ko, ayaw pagbuot. Magsige nalang ta ani'g hahaha katawa, hahahahasula"

Dahil curious ako sa kanta, tinanong ko kay kuya Ted "Kuya, ano bang language ng kanta na yan?"

"Bisaya yan, J"

"Naiintindihan mo ba, kuya?"

"Aba oo, J! Nakalimutan mo na galing ako sa Cagayan. Chada jud aning kantaha bai!"

Oo nga pala, taga Cagayan pala si kuya Ted. Naging driver siya namin nung bata pa kami ni kuya dahil sa more than 20 years na siyang nagtratrabaho sa amin, binigyan siya ni mama at nung stepdad ko ng sariling bahay para dito na tumira sa Manila yung pamilya niya. Yung asawa naman niya ay katulong ni mama sa bahay

"Sigurado akong magugustahan mo don sa Cebu, J" sabi ni Flora

Napatingin ako sa kanya. Cebuana pala tong si Flora. Malapit ko na ring makalimutan

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon