CHAPTER 11- Phone

584 12 0
                                    



SUMMER~

Pagdating ko sa dining room, nakita kong nakaupo na si papa at Bonita. Dumating na rin si Rocky at agad bumati kay papa "Magandang araw po, tito" sabay mano ni Rocky sa kanya

"Kumain ka na, Kie"

Ngumiti si Rocky sa akin at tumingin ulit kay papa. Nangaasar naman tong mokong na to!

"Kamusta po yung niluto ko, tito?" tanong ni Rocky

Napatingin si papa kay Rocky "Ikaw nagluto nito?" gulat na tanong ni papa

Sumandal si Rocky sa upuan ni papa "Oo naman! Bakit masarap ba yung mga niluto ko, tito?"

Napangiti si papa "Ang galing mo ha!" tumingin si papa sa akin "Kumain ka na, J. Tikman mo ang mga niluto ni Rocky"

I crossed my arms "Huwag na. Hindi pa ako nagugutom" tumalikod na ako at aalis na sana pero inasar pa ako ni Rocky

"Busog kasi yan tito dahil kagabi---"

Napatingin ako ulit sa kanya na nanlilisik ang aking mga mata. Kapag sasabihin niya talaga kay papa yung nangyari sa akin kagabi, sasampalin ko talaga siya

"Bakit? Anong nangyari kagabi?"

Nakita kong naka smirk si Rocky at tumingin kay papa "Nakita ko siyang kumuha ng....pagkain kagabi"

Huminga ako ng malalim at umalis na. Kapag magtatagal pa ako don, alam kong tataas lang yung dugo ko. Umupo ako sa couch sa living room at binuksan yung tv. Umupo si Bonita sa tabi ko

"Summer, pasensya ka na ha?" sabi niya

Tumingin ako sa kanya "Ibinilin ko naman yon sayo di ba? Bakit si Rocky pa?"

"Eh...eh...hindi ko kasi alam kung paano ko yon itatapon"

Pumikit ako at huminga ng malalim. Paano na ba to? May pang blockmail na si Rocky sa akin dahil dito

"Naisip mo na ba kung ano yung desisyon mo?" may bumulong sa akin. Kilala ko tong boses na to kaya tumingin ako sa kanya "Hindi! Hindi ako sasama sayo!"

"Bakit? Saan ba kayo pupunta?" biglang natanong ni papa

Tumingin si Rocky kay papa "Kasi tito, inalok ko si Summer na sumama sa akin na maglibot sa buong isla"

"Magandang idea yan. Sumama ka kay Rocky kesa dito ka lang sa bahay buong araw" sabi ni papa

Tumayo ako "Mas mabuti pang dito nalang ako sa bahay buong araw kesa" tapos tumingin ako kay Rocky "sumama sa mokong na yan" umalis ako sa living room at umakyat patungo sa kwarto ko

Humiga ako sa kama ko "Ugh! Nakakainis talaga!" gusto ko naman talaga maglibot dito sa isla pero kung kasama ko yong mokong na yon, mabuti pang dito nalang ako sa bahay. Akala ko, si papa lang yung magiging problema ko dito pero may isa pa pala!


ANNIKA~

Nakakastress talaga dito sa trabaho ko. Kahit nasa laboratory lang ako, nakakastress pa din. Bumili muna ako ng kape at umupo sa couch sa lounge namin para magpahinga. Balak ko naman talaga sana maging doktor pero hindi ko natapos. Alam niyo ba kung bakit? Masyadong long story eh. Ayaw ko na rin maalala yung mga sakit na nadarama ko four years ago. Uminom ako ng kape at nagpahinga. Ang sarap naman ng buhay ni Rocky don sa Malapascua. Sigurado akong nageenjoy yon lalo na kasama niya yung crush niya. Ipipikit ko na sana yung mata ko nang biglang umupo sa tabi ko yung katrabaho ko, si Teresa

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon