CHAPTER 32- Amaw and Buang

525 13 1
                                    



ROCKY~

"Namiss rin kita" hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Totoo ba tong narinig ko? Hindi ba ako nanaginip?

"Ha? Namiss mo ako?" tinanong ko ulit kasi gusto kong makasigurado

Ngumiti siya "Kakasabi ko lang di ba"

Napangiti ako nung nalaman ko na totoo talagang namiss niya ako. Kasi ako, sobrang namiss ko siya na gusto ko siyang yakapin ngayon. Paano ko siya yayakapin eh, ang layo niya tapos yung paa ni Bonita nakaharang pa

"Saan ka natutong sabihin yung amaw jud ka?"

"Kay Bonita. Ang cute kasi pakinggan" napatawa siya "Amaw"

"Dili ko amaw oy!" sabi ko

"Bahala ka, basta amaw ka. Yan na yung bago kong tawag sayo"

Napangiti nalang ako "Alam mo ba kung ano yung ibig sabihin sa sinabi ko?"

"Oo, sabi mo hindi ka baliw"

Grabe! Matalino pala tong si Summer "Paano mo nalaman?"

"Eh kasi sabi mo, dili so ibig sabihin non hindi di ba? So, yung sinabi mo ay hindi ka baliw" sabay ngiti niya

"Galing mo rin ha"

"Maliit na bagay" sabay ngiti niya

"Teka lang, linya ko yan ah"

"Shhhh...huwag kayong maingay natutulog ako. Respeto naman dyan" sabi ni Bonita habang nakapikit pa rin ang mata

Nagtinginan kaming dalawa ni Summer at mahinang humagikgik para na rin hindi namin maabala si Bonita. Gumalaw na naman si Bonita. Di ko akalain na para pala tong lamok kung matulog, kung saan saan siya nakakarating sa kama

Nung natapos na yung movie, tumayo ako para patayin yung dvd player at tv. Sa pagbalik ko, si Bonita na yung nakapwesto sa kung saan sana ako hihiga. Nagaalala na ako sa kung saan ako matutulog nito. Lalo na walang couch yung kwarto ni Summer dahil na occupy ng buong kwarto yung napakalaking kama niya

"Dito ka nalang matulog sa tabi ko" sabi ni Summer

Napatingin ako sa kanya. Seryoso ba siya? "Ha?"

"Dito ka na" sabay ngiti niya

"Sigurado ka bang okay lang sayo? Hindi tayo makakagawa ng borderline"

Napatawa siya "Ano ka ba, okay lang. Wala ka namang balak na gahasain ako di ba?"

"Grabe ka rin nu. Hindi ako manyak"

"Ganon naman pala eh, kaya dito ka na. Tabi na tayo" sabay ngiti niya

Di na ako nagdalawang isip pa. Nasa gitna namin ni Bonita si Summer. Ngayon, yung ulo ni Bonita nasa headboard na. Ginamit na namin yung kumot. Malaki rin ang kumot sa kama ni Summer kaya nagkasya sa aming tatlo

"Sana nga di mahuhulog si Bonita habang natutulog" sabi ni Summer

"Sana nga, eh baka bukas sa sahig na natin yan pupulutin" sabi ko at nagtawanan kaming dalawa ni Summer. Sobrang namiss ko talaga tong babae na to

"Sige na, matulog ka na amaw"

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na katabi ko lang si Summer natulog at sinabihan niya akong namiss niya ako. Ako na siguro ang pinaka swerteng lalake sa mundo. Isang Summer Tanquiamco ang katabi ko ngayon at sinabihan pa niya akong namiss niya ako! Grabe na talaga to mga pre! Alam kong ang daming lalake nagkakagusto sa kanya pero tignan niyo naman oh, ako pa talaga. Ako pa talaga ang katabi niyang matulog for two nights na yan ha. Sobrang bait na talaga ng Panginoon sa akin. Lord, sana huwag kayong magsawa magshare ng blessings sa akin ha!

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon