CHAPTER 66- A Mother's Dream

381 11 1
                                    


ROCKY~

Ngumiti kaagad si mama pero bakit parang may kutob ako na may hindi siya sinasabi sa akin? O baka nagooverthink lang ako. Baka hinusgahan ko kaagad yung pagiba ng mood ni mama

"Ah, nung isang araw pa" hinawakan niya yung kamay ko "Tapos ka na bang kumain? May inihanda ako mga pagkain para sayo"

Napangiti ako kasi ayaw ko ng magisip pa ng kahit ano. Masaya na ako kasi nakauwi na si mama "Tamang tama, namiss ko yung mga luto mo, ma"

Nanonood kami ng teleserye ni Annika nung dumating siya. Nagulat siya nung nakita niya ako kaya napatakbo siya at niyakap ako ng mahigpit "Andito ka na pala" tapos bumitaw siya sa yakap "Kailan ka lang dumating?"

"Kaninang hapon"

"Nakita mo ba yung mga videos namin nung birthday mo?" sabay ngiti niya

"Oo. Maraming salamat talaga at...teka lang! Hindi ko pa nakakalimutan yung sinabi mong magcecelebrate tayo pagbalik ko dito sa Cebu"

Bigla siyang sumimangot "Sayang. Akala ko nakalimutan mo na"

Sinakal ko yung leeg niya gamit yung braso ko

"Aray, aray, aray! Oo na, sige na! Magdidinner tayo bukas sa restaurant! Isama mo na rin si Bonita" sabi ni Annika

Binitawan ko siya. Napangiti ako at tumingin kay mama at ninang "Magdidinner tayo bukas! Sagot ni ate!"

"Namiss ko talaga kayong tignan na ganito" sabi ni mama

Umupo kami sa tabi ni mama at ginitnaan namin siya

"Namiss din namin kayong kasama, ma" sabi ni Annika

"Oo nga, ma. Kailan ka babalik sa Barcelona?" bigla kong naitanong ito. Kasi kapag nagbabakasyon si mama, one week lang kailangan yung pinakahaba niyang bakasyon dahil sa trabaho niya

Hindi makasagot si mama. Tumingin muna siya kay Annika bago siya tumingin sa akin "Sa next week na"

Aba, eto yata ang pinakahabang bakasyon ni mama ah "So mas mahaba haba yung pagsasama natin, mama"

Ngumiti si mama at niyakap kaming dalawa ni Annika "Oo"


ANNIKA~

Pumasok ako sa kwarto ko at naalala ko yung nangyari kaninang umaga sa set

Pumasok si Gabe sa loob ng tent ko habang inaaral ko yung mga linya ko para sa scene na gagawin namin. Umupo si Gabe sa tabi ko

"Ano? Kamusta yung paguusap ninyo ng mama mo?" tanong niya

"Sa tingin ko, hindi na talaga magbabago yung isip ni mama"

Nadismaya si Gabe nung sinabi ko yon

"Alam mo naman na ginagawa niya to para kay Rocky"

Huminga siya ng malalim "Susubukan kong kausapin si tita Jenny"

"Huwag na. Ayaw kong masali ka pa dito"

Tinignan niya ako sa mga mata "Annika, hindi mo ba rin ako iniisip? Syempre, maapektuhan ang pagsasamahan natin"

"Alam ko pero..."

"Pero?"

Huminga ako ng malalim. Ayaw ko naman rin umalis eh. Kung pwede lang hindi sumama sa kanila, hindi talaga ako sasama "Pamilya ko sila, Gabe. Kung saan sila pupunta, don din ako"

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon