ROCKY~
Mabuti na rin at natapos yung paguusap ni Annika at Gabe na walang nasakatan, physically. Alam ko kasi na may nasaktan pa rin sa kanila. Walang tigil ang iyak ni Annika. Pinapatahan ko siya habang nakaupo siya sa kama ko. Andito na rin si ninang, nakaupo sa tabi niya. Sumandal siya kay ninang
"Ninang, naaawa ako sa kanya"
Hinihimas ni ninang yung braso ni Annika "Naaalala mo ba nung mga panahon na iniwan ka niya? Di ba, nasaktan ka rin?"
"Sapat na sa akin na ma-realize niya yung mga kamalian niya noon pero hindi ko kayang saktan siya"
Huminga ng malalim si ninang "Napakabait mo talaga. Manang mana ka talaga sa papa mo"
Totoo ang sabi ni ninang. Napaka mabait na tao ni papa. Hindi niya kayang magtanim ng galit. Kaya siguro maaga siyang kinuha sa amin kasi mabait siya. Yan talaga ang nasa isipan ko. Ayaw ko kasi isipin na namatay si papa dahil binigyan siya ng sakit ng Diyos. Para sa akin, excuse lang yon para makuha si papa
"Ang mahalaga ngayon, tanggap na niya na hindi na talaga kayo magkakabalikan" sabi ko
Tumingin si Annika sa aming dalawa "Maraming salamat sa inyo" at tumingin siya kay ninang "Matulog na po kayo ninang"
"Sigurado ka? Okay ka na?" habang pinupunas ni ninang yung mga luha ni Annika
"Opo, okay na po ako"
Hinalikan ni ninang yung noo ni Annika at tumayo "Rocky, alagaan mo ang ate mo ha?"
"Opo"
Bago lumabas si ninang sa kwarto ay tumingin muna siya sa amin "Good night sa inyo"
"Good night po" sabay namin sabi ni Annika
Nung nakalabas na sa kwarto si ninang ay agad ako umupo sa tabi ni Annika. Nakatulala pa siya. Siguro iniisip niya yung kalagayan ni Chris ngayon. Bakit ba siya nagaalala pa sa kanya? Eh, hindi nga yon nagalala sa kanya nung mga panahon na iniwan siya "Ano ba pinagusapan ninyo ni Chris?"
"Tinanong niya kung may mahal na ako. Sinabi ko sa kanya na oo may mahal na ako kasi yan yung tanging paraan para huminto na siya" sabi niya habang nakatulala pa rin
"Huwag ka ng masyadong magalala sa kanya. May mahal ka na di ba?"
Dahan dahan siyang tumingin sa akin. Namumula na yung mga mata niya sa kakaiyak "Nagsinungaling ako. Sinabi niya kasi sa akin na kapag nalaman niya na may mahal na ako, hihinto na siya at tatanggapin niya"
Nagulat ako sa sinabi ni Annika. Akala ko ba, may gusto siya kay Gabe? Nagugulohan na ako ah! "Di ba, gusto mo si Gabe?"
Umiwas siya ng tingin sa akin "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung may nararamdaman pa ba siya sa akin. Sinabi niya sa akin na ako yung first love niya pero hindi ako sigurado kung may nararamdaman pa ba siya sa akin. Sa tagal naming hindi nagkita, maaring nagbago din ang nararamdaman niya"
"Kung first love ka niya, ibig sabihin, kilala mo na siya dati pa?"
"Nakita na niya ako nagprapractice sa auditorium ng Les Mesirables nung high school at dahil sa akin, nagartista siya. Kaya napasali ako sa teleserye kasi hinanap niya ako"
Ah, kaya pala. Hindi ko nakilala si Gabe non kasi fourth year si Annika nung may Les Mesirables na play sa aming school. Tapos si Gabe ay older ng one year sa akin, so ibig sabihin, first year siya non kasi nasa grade six pa ako non
"Anak kasi siya ng sundalo kaya hindi nagtagal, bumalik din siya sa Manila"
Sa tingin ko kaya hindi sila nagkatuluyan ni Chris kahit nagtagal sila ng four years ay dahil sila talaga ni Gabe ang para sa isa't isa. Niyakap ko si Annika "Huwag ka ng umiyak, magiging okay na ang lahat"
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanficSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...