SUMMER~
May kumatok sa pintuan sa office ni papa kaya napatingin kami. Bigla nalang pumasok si Rocky sa loob at binigyan kami ng mga ngiti "Magandang hapon po, tito"
"Magandang hapon din sayo, Rocky. Anong kailangan mo?"
"Umm...tito, pwede po bang hiramin ko muna si Summer kahit saglit lang?"
Ha? Ano naman ba gagawin namin ni Rocky? May surpresa na naman ba siya?
"Saan kayo pupunta?" tanong ni papa
Lumapit si Rocky kay papa at may ibinulong ito sa kanya. Napangiti si papa "Sige, basta uuwi kayo kaagad"
"Opo, tito" sabay ngiti ni Rocky. Tumingin siya sa akin at inabot sa akin yung kamay niya "Let's go"
Nacucurious na talaga ako kung saan kami pupunta "Saan tayo pupunta?"
"Basta. Halika na"
Tumingin ako kay papa at ningitian niya ako "Sumama ka na"
"Ang daya niyo naman! Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang tumayo
"Basta, mag eenjoy ka don" sabay ngiti ni papa
Hinawakan ko yung kamay ni Rocky at tumingin kay papa "Pupunta na kami, tito"
"Mag ingat kayo. Umuwi kayo bago pa sumapit ang gabi"
"Masusunod po!"
Habang naglalakad kami pababa ng hagdanan ay magkakapit pa rin yung kamay namin ni Rocky "Saan ba tayo pupunta?"
"Makikita mo rin" sabay ngiti niya
Hay nako! Mahilig talaga siya sa surpresa. Napaka swerte ko naman at binigyan ako ng ganitong boyfriend. Malaki talaga ang pasasalamat ko kasi nakilala ko si Rocky sa buhay ko
Sumakay kami sa isang barge kasama si mang Fredo. Iniisip ko na talaga kung saan kami pupunta. Ayaw ko na rin magtanong pa kay Rocky kasi alam kong hindi rin niya sasagutin. Babalik ba kami sa Cebu? Saan ba yung pupuntahan namin? Dagat ba yon? Bundok? Ang dami ko ng iniisip kasi wala talaga akong idea kung saan kami pupunta
Nakikita ko na papalapit na kami sa island na nasa tabi lang ng Malapascua. Yung island na makikita lang mula sa kwarto ko. Yung island kung saan tinakot ako ni Rocky na baka may multo. Napatingin ako kay Rocky "Pupunta tayo dyan sa island na yan?"
Ngumiti siya "Oo. Di ba, sabi ko sabay tayong pupunta dyan"
Napangiti ako sa kanya. Tinupad niya talaga! Malaki ang tiwala ko na si Rocky ay yung tipong tao na tinutupad kung ano man ang pinagusapan
Yung island ay hindi siya patag, para siyang hill na may maliit na shoreline. Pagdating namin sa island ay may nakita kong mga linya na nakaukit sa malaking bato. Para siyang tally kung tignan mo siya ng mabuti
"Ang tawag sa island nito ay Chocolate Island. Kaya tinawag itong Chocolate Island kasi para siyang Chocolate Hill pero noon, ang tawag nito ay Paji Island"
Napatingin ako kay Rocky "Paji?"
"Oo, Paji. Kung baliktarin mo yung Paji, ito ay Ijap. Nagawa ang pangalan na yan galing sa Bisaya word na ihap, kung sa Tagalog, bilang. Sabi kasi sa kanila, may magkasintahab ang pumupunta dito noon. Sila ang pinaka unang taong nakatungtong sa isla na ito kaya dito na rin nagsimula yung pagmamahalan nila. Dito sila palaging nagkikita kasi itinago nila yung relasyon nilang dalawa. Ayaw kasi nung pamilya ng babae sa lalake. Kaya nung nalaman ng pamilya ng babae na nagmamahalan silang dalawa, umalis yung babae kasama yung pamilya niya papuntang Australia. Kaya yung lalake nalang ang pumupunta dito sa isla na ito at siya yung gumawa ng mga linya na yan. Ang ibig sabihin ng mga linya na yan ay yan yung mga araw na hinihintay niya yung babae na bumalik ulit dito sa isla"
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanfictionSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...