CHAPTER 36- Akin ka nalang

513 14 5
                                    



AILYN~

"Alam mo Ailyn, kanina pa ako naiinis sayo ha"

Napatingin ako kay Rita "Ha?"

"Ayan ka na naman. Wala ka na naman sa isipan mo. Ano ba yang iniisip mo?"

Ang totoo kasi niyan, kanina ko pa kasi iniiisp tungkol sa nangyari kahapon sa palaro. Mabuti nalang at day off namin ngayon kasi naghahanda lahat ng tao para sa fiesta bukas. Oo na, nagseselos ako kina Summer at Rocky. Hinablot kasi ni Summer si Rocky non at sila nagpartner sa pagkuha ng biik. Nung bumagsak yung ulan, hindi sila umalis at pinatuloy pa rin yung laro. Ang hinding hindi ko makakalimutan ay nung nakuha na ni Summer yung biik tapos kinarga siya ni Rocky at nagtawanan silang dalawa. Nasaktan ako nung nakita ko yon

"Iniisip mo yung nangyari kahapon sa palaro nu?"

Kahit anong gusto kong itago yung nararamdaman ko, wala pa rin akong lusot kay Rita. Napayuko nalang ako kasi nahulaan niya yung iniisip ko

"Akala ko ba tapos ka na dyan kay Rocky"

"Ang hirap naman kasi eh" sabi ko habang nakayuko pa rin

"Saan ang mahirap, Ailyn?"

Tumingin ako kay Rita "Lahat. Lahat mahirap, Rita. Yung dalawang araw na hindi namin nakikita si Summer. Yun yung isa sa mga napakasayang araw ko. Feeling ko kasi solo na solo ko si Rocky pero nung natapos yung araw, si Summer pa rin yung iniisip niya. Ang hirap pala magbigay ng advice sa taong mahal mo lalo na kapag ikaw rin yung pinapatamaan ng advice na ikaw mismo ang nagbigay"

Nagulat si Rita sa sinabi ko "Teka lang, binigyan mo siya ng advice? Anong klaseng advice?"

"Palagay ko kasi nagseselos siya kay Fabio non. Tapos sinabihan ko siya na kahit wala siyang karapatan magselos ay okay lang na magselos kasi may feelings siya para kay Summer"

"Sinabi ba niya sayo na nagseselos siya kina Summer at Fabio?"

"Hindi"

"Oh, ayan naman pala eh. Napaka assuming mo rin nu"

"Talagang e-dedeny niya na hindi siya nagseselos pero kitang kita naman sa mukha niya na nagseselos siya...pero may napansin ako sa kanya bukod pa don"

"Ano?" biglang naging interesado si Rita

"Napangiti ko siya. Sinabihan pa niya ako na nakakatuwa daw ako. At least napasaya ko siya habang nagmomokmok siya kasi magkasama sina Summer at Fabio"

Biglang inakbayan ako ni Rita "Eto lang ang tanging advice ko sayo ha. Kapag feeling mo na ikaw na yung nasasaktan, huminto ka na. Alam ko kung gaano mo kagusto si Rocky pero magtira ka rin para sa sarili mo. Baka sa huli, bigay ka lang ng bigay pero wala ka namang natatanggap. Mahirap yon kaya habang maaga pa, huminto ka nalang, habang kaya mo pa"

Huminga ako ng malalim habang pinakikinggan yung advice ni Rita. Tama siya. Kahit saang banda, tama talaga siya. Paano ako hihinto kung sa una pa lang, masyadong mahirap na. Sana nga, mapahinto ko na tong nararamdaman ko. Sana nga


Sa araw ng fiesta namin ay naghanda kami ng kaunting salo salo kasi inimbitahan namin sina sir Donny, Bonita, Rocky at Summer at iba pang kasamahan nila mama at papa sa resort. Hindi na rin ako mapakali nung nagsidatingan na yung mga bisita. Excited kasi akong makita si Rocky kahit alam kong kasama niya si Summer. Nakita kong dumating si sir Donny kasama si Bonita at Rocky. Nagulat ako nung nakita ko na wala si Summer kaya lumapit ako sa kanila

"Magandang gabi po sa inyo, Sir Donny, Bonita at Rocky" bati ko sa kanila

"Magandang gabi din sayo, Ailyn" sabay ngiti ni sir Donny

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon