AILYN~
"Pwede ba tayong magusap?" tanong niya
Ano pa ba ang paguusapan namin? Huminga ako ng malalim at kinuha yung kamay ko sa pagkakapit niya "Sige" kahit ayaw kong makipagusap sa kanya, wala na rin akong magagawa kasi andito na siya
"Bakit absent ka ng dalawang araw? May sakit ka ba?" totoo nga ang sabi ni Rita, nagaaalala siya sa akin
Ayaw ko na ring magsinungaling sa kanya. Gusto ko na rin na malaman niya yung totoo tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya "Wala akong sakit"
"Bakit nag absent ka? May problema ka ba?"
"Oo, may problema ako...kasi yung lalakeng mahal ko, may mahal ng iba at ang tanga tanga ko kasi alam ko naman na may mahal na siyang iba, lumaban pa rin ako kahit alam ko naman na talo pa rin ako"
Hindi makapagsalita si Rocky. Hindi ko alam kung nagegets ba niya na siya yung tinutukoy ko o baka manhid lang talaga siya "At ikaw yung tinutukoy ko, Rocky" hindi ko rin namalayan na umiiyak na pala ako
"Tanga ko di ba? Yung tatlong araw na magkasama tayo, akala ko talaga magtuloy tuloy na yon. Binigyan mo pa ako ng paborito kong flat tops at chocolates yung mga kapatid ko. Sobrang saya ko non kasi akala ko na dadating ang araw na magugustuhan mo rin ako. Yan kasi ang masakit eh, umasa ako. Umasa ako sa wala"
"Hindi ko sinasadyang masaktan ka"
"Alam ko yon. Kasalanan ko rin naman kasi ginusto ko to. Ginusto kong ipaglaban yung nararamdaman ko para sayo"
Napaiyak na rin si Rocky "Sorry"
Yon na siguro ang pinakasakit na salita na narinig ko galing sa kanya. Humingi siya ng patawad kasi hindi niya kayang suklian ang nararamdaman niya para sa akin "Pumunta ako dito para sabihin kay sir Donny na gusto ko ng tapusin yung trabaho ko. Ito na rin yung huling araw ko dito sa resort. Alam kong maliit lang tong isla na to kaya imposible na hindi tayo magkita pero sana, ito na ang huling pagkikita natin" aalis na sana ako pero hinawakan niya yung kamay ko. Hindi na ako tumingin sa kanya kasi hindi ko na talaga kaya
"Ailyn, gusto kong malaman mo na masaya ako kasi naging kaibigan kita. Hinding hindi kita makakalimutan" dahan dahan siyang bumitaw sa paghawak ng kamay ko
"Nagsinungaling ako nung sinabi ko sayo na huli akong umiyak ay nung elementary pa ako. Umiyak ako nung nakita kong masaya ka kay Summer. Yun yung huli akong umiyak bago ko narinig galing kay Summer na gusto ka niya" dahan dahan na rin akong umalis. Umuwi ako sa bahay habang umiiyak
Pagdating ko sa bahay, nakita ni mama na umiiyak ako. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Walang tigil pa rin ang pagiyak ko. Hinihimas ni mama yung buhok ko. Siguro ganito kagrabe akong nasaktan kasi ito yung first time kong magmahal ng isang tao
ROCKY~
Pagkatapos namin magusap ni Ailyn ay bumalik ako sa loob ng resort. Hinintay ko si Summer at Bonita sa lobby. Nakatulala pa rin ako hanggang ngayon. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Hindi ko akalain na gusto pala ako ni Ailyn. Si Ailyn na ang ikadalawang babaeng nasaktan ko kasi si Kayla yung una. Ayaw ko talagang makasakit ng ibang tao. Nalulungkot ako para kay Ailyn kasi naging malapit ko siyang kaibigan
"Rocky"
Napatingin ako sa babae na nasa harapan ko
"Okay ka lang?" tanong ni Summer
"Nasaan si Bonita?"
"Umuwi na siya kasi gusto niyang manood ng Ligaw na Pag-ibig"
Huminga ako ng malalim. Umupo sa tabi ko si Summer at tinignan ako ng mabuti "Nakita kitang nakatulala kanina. Ano yung iniisip mo?"
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
Hayran KurguSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...