ANNIKA~
Pagkatapos namin magtaping sa scene namin ni Yassi ay agad akong pumasok sa tent para magpahinga. Kanina pa kaming umaga walang tapos sa pagtatape ng mga scenes. Nakaupo na ako nung folding bed ko nang biglang pumasok si Yassi sa tent
"Annika" sabi niya habang papalapit sa akin
"Yassi"
Nakangiti siya habang paupo sa tabi ko "Kamusta pala yung pagpasyal niyo ni Gabe?"
"Okay lang. Sayang nga kasi wala ka"
"Oo nga. Nakita ko nga sa mga pictures ni Gabe. Ang gaganda ng mga lugar na pinuntahan ninyo"
"Sobrang ganda talaga! Kahit taga dito ako sa Cebu, first time ko talaga pumunta sa mga lugar na yon. Masasabi kong introvert ako kasi mas gusto ko sa bahay lang habang nanonood ng mga movies at tv series"
"Hanggang ngayon, introvert ka pa rin?"
Huminga ako ng malalim. May natutunan kasi ako kay Gabe, na dapat sulitin yung mga araw na andito tayo sa mundo kasi hindi natin alam kung hanggang kailan tayo mabubuhay "Parang ambivert na ako ngayon. Yung in between pa rin sa introvert at extrovert kasi gusto ko pa rin yung nasa bahay lang ako and at the same time, gusto ko na rin ng mga adventures"
"Hmmm" sabi niya habang tumatango tapos napatingin siya ulit sa akin "Pero teka lang, may napapansin ka ba kay Gabe?"
Nabigla ako sa tanong niya. Bakit napaisip niya ito? May nangyari ba kay Gabe? "Ha?"
"Kasi, nakita ko---"
"Yassi"
Napatigil si Yassi at nakita namin si Gabe sa loob ng tent. Hindi namin namalayan na nakapasok pala siya sa loob
"Gabe" sabi ni Yassi
"Tinatawag ka na ni direk para sa susunod mo na scene"
Tumingin si Yassi sa akin at ngumiti "Pupunta na ako ha"
Ngumiti ako sa kanya "Sige"
Nung nakalabas na si Yassi sa tent ay biglang tumingin si Gabe sa akin "Matutulog ka na?"
"Oo"
"Huwag ka munang matulog. Dyan ka lang"
Naguguluhan ako "Ha? Bakit?"
"Basta, dyan ka lang" tapos lumabas siya ng tent
Bakit ba ayaw niya akong papatulugin? Ano na naman ba gagawin niya? Napagisipan kong humiga muna habang hinihintay si Gabe. Pagkatapos ng ilang minuto ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako at hindi ko na nahintay si Gabe
Nung gumising ako pagkatapos ng tatlong oras kasi nagset ako ng alarm, umupo ako kaagad at lumapit sa mesa para kunin yung script. Kukunin ko na sana yung script nang may nakita akong tumbler na may post-it. Hindi ako sigurado kung para sa akin ba ito pero nakapatong kasi yung tumbler sa script ko. Kinuha ko yung tumbler at binasa yung nasa post-it "Di ka talaga marunong maghintay"
Nakalimutan ko na dapat ko palang hintayin si Gabe! Eto pala yung ibibigay niya sa akin. Tinikman ko kung ano yung nasa loob ng tumbler. Binigyan niya ako ng gatas. Napangiti ako habang iniisip kung gaano siya ka-thoughtful sa akin. Kinuha ko yung tumbler at script at umupo na rin para pag aralan yung mga susunod kong scenes
GABE~
Nagtataping na kami ngayon sa scene namin ni Annika. Habang inaayos muna kaming dalawa ay di ko maiwasan ang tumingin sa kanya. Wala pa ring kupas yung kagandahan niya at kung gaano siya kagaling umarte. Nung matapos na kaming ayusan ay lumapit muna si direk sa amin at binigyan kami ng instructions. Andito na kasi kami sa scene kung saan aamin si Annika na gusto niya ako. Masyadong drama to na scene kaya dapat maiyak talaga si Annika habang umaamin sa akin. Bumalik si direk sa upuan niya at tumingin sa amin "Ready na kayo?"
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanfictionSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...