CHAPTER 42- Chocolates

480 15 16
                                    


ROCKY~

Pagdating namin sa bahay ni Ailyn ay nakita naming naglalaro yung dalawa niyang kapatid sa labas ng bahay

"Naa na si ate! (Andito na si ate!)" sabi ng bunso nilang kapatid. Napatingin naman yung isa pa niyang kapatid. Lumapit silang dalawa kay Ailyn at niyakap ito

"Ngano naa paman mo diri sa gawas? (Bakit andito ba kayo sa labas?)" tanong ni Ailyn sa kanyang mga kapatid

"Naghuwat mi nimo (Hinihintay ka namin)" sabi ng bunso

"Kay pasirad-an na ni papa ang pultahan (Kasi ipapasara na ni papa yung pinto)" sabi ng matanda niyang kapatid

"Imo ni uyab, ate? (Boyfriend mo, ate?)" tanong ng bunso

"Hoy! Dili ko na uyab. Kauban rana nako sa trabaho. Sulod namo didto. Ako nalang sirado sa pultahan (Hoy! Hindi ko siya boyfriend. Kasamahan ko yan sa trabaho. Pumasok na kayo don. Ako nalang ang sasara sa pinto)" sabi ni Ailyn sa kanila

"Sulod nata kay magsturya pa si ate og iyang uyab, ayeeeeee (Pumasok na tayo kasi maguusap pa si ate at ang kanyang boyfriend)" tinukso si Ailyn nung matanda niyang kapatid at pumasok na rin sila sa loob ng bahay

"Pagpasensyahan mo na ang mga kapatid ko" sabi niya

Napangiti ako kung gaano ka-cute tignan yung mga kapatid niya "Anong mga pangalan nila?"

"Ah, oo nga pala. Si Sandro yung isa tapos yung bunso, si Ivan"

"So, sila pala yung kukuha ng flat tops if ever may flat tops ka?" sabay ngiti ko

"Oo, paborito din kasi nila yon. Hindi pa kasi sila nakakatikim ng totoo na chocolates"

"Ibig sabihin, fake chocolates yung flat tops?" sabay tawa ko

"Hindi, ibig kong sabihin, hindi pa sila nakakatikim ng Hershey's, Crunch, Reese's, Toblerone. Yung mga ganon na chocolates"

Tumango ako

"Sige, umuwi ka na. Salamat pala sa paghatid mo sa akin" sabay ngiti niya "Mag ingat ka sa pag uwi"

"Sige" ngumiti ako sa kanya


Pagdating ko sa resthouse, agad akong pumunta sa refrigerator para uminom ng tubig. Bubuksan ko na sana yung refrigerator nang biglang may puting babaeng nagpakita sa akin

"Waaaaa!!!" napasigaw ako

"Rocky! Rocky! Ako to! Si ate Doris to!"

Napahinto ako sa pagsigaw at tinignan siya ng mabuti. Si ate Doris nga "Bakit ka naging ganyan? Ba...bakit?"

"Ah eto" sabay hawak niya sa mukha niya "Face mask to, papaganda sa mukha. Ibinigay kasi ito ni Summer sa amin. Sana nga pagkatapos ng ilang face mask, magkasing ganda na kami ni Summer" sabay ngiti ni ate Doris

"Sana nga para makita mo na rin yung lovelife mo" at binuksan ko yung refrigerator. Kinuha ko yung isang jar ng tubig at baso. Uminom na rin ako ng tubig

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong ni ate Doris

"Hinatid ko pa kasi yung kasamahan ko sa trabaho"

Nung ibinalik ko na yung jar sa loob ng refrigerator, may nakita kong chocolates sa freezer "Ate, kanino po tong mga chocolates?"

"Ah yan? Kay Bonita yan. Binigay daw yan ng baby Fabs niya"

Napangiti ako nung nalaman ko na kay Bonita lang yung mga chocolates, sinirado ko na rin yung refrigerator at tumingin kay ate Doris "Ate? Ikaw ba yan?"

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon