CHAPTER 40- In my happy place

518 16 9
                                    


SUMMER~

Umuwi ako kaagad ako ng bahay pagkatapos kong kausapin si papa kanina. Hindi ko kasi kayang tignan sina Rocky at Ailyn kanina kaya pumunta ako sa office ni papa. Nagsinungaling ako na masakit yung ulo ko dahil sa init. Sinabihan ko rin si papa na kung pwede ba sa office niya nalang ako magtrabaho since di ko kaya yung init sa labas at baka magkalagnat ako ulit. Mabuti na rin at pinayagan naman ako ni papa. Bukas nalang daw ako magsisimula sa trabaho ko sa office niya dahil gusto niya akong magpahinga muna

Pumasok ako kaagad sa kwarto ko pagdating ko sa resthouse. Ang totoo talaga kasi niyan kaya gusto kong lumipat sa office ni papa kasi hindi ko alam kung bakit ngayon hindi ko kaya tignan sina Rocky at Ailyn eh noon, kayang kaya ko pa. Tapos, gusto ko rin malaman kung ano ba talaga yung nararamdaman ko para kay Rocky. Sabi kasi nila kapag malayo ka sa isang tao, doon mo malalaman kung ano ba talaga yung nararamdaman mo para sa kanya. Sana nga malaman ko na kung ano yung nararamdaman ko para sa kanya. Biglang nagring yung phone ko. Pagkatapos ng almost one month, may tumawag ulit sa akin at ngayon ko pa lang nahawakan ulit yung phone ko

"Gabe?"

"Summer, kamusta ka na?" halatang masaya si Gabe ngayon

"Okay lang. Napatawag ka?"

"Bakit? Hindi na ba pwedeng tumawag sayo?"

"Hindi naman sa ganon pero matagal ka na rin hindi tumatawag sa akin"

"Busy kasi ako ngayon sa bagong teleserye ko. Anyway, mamaya na palang gabi ang pilot episode ng bago kong teleserye pagkatapos ng TV Patrol. Manood ka ha?"

Napangiti ako nung nalaman ko na ipapalabas na yung bagong teleserye niya. Sunod sunod yung mga projects na ibinibigay kay Gabe pagkatapos ng pelikula namin na kasali sa MMFF "Oo, manonood ako"

"Nga pala, andito ako sa Cebu. Almost one month na akong andito kasi dito kami nagtataping. Di ba, andito ka rin sa Cebu? Asan ka ba para magkita na rin tayo"

"Andito ako isang isla. Sigurado akong malayo tong isla na to"

"Ganon ba? Ano ba ang pangalan ng isla na yan?"

"Malapascua"

"Kapag may araw kaming walang trabaho, pupuntahan ka namin dyan ni Yassi. Miss ka na namin eh at may ikwekwento pala ako sayo" hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin yung saya sa boses ni Gabe

"Ano yon?"

"Ikwekwento ko sayo kapag nagkita tayo"

Ngumiti ako "Okay"

"Ibababa ko na to kasi magtataping na kami. Bye"

"Bye"

Masaya ako kasi masaya na si Gabe ngayon. Siguro yung ikwekwento niya sa akin ay yung tungkol sa bagong bababe niya. Feeling ko kasi na babae yung ikwekwento niya sa akin. May nahanap na siguro siyang babaeng mamahalin niya


Nung gabi na ay pumunta muna ako sa dining area para kumain ng hapunan. Nagliwanag yung mga mata ko nung nakita kong crabs at shrimps ang hinanda ni ate Doris

"Alam kong gusto mo to" sabay ngiti ni ate Doris

Agad akong umupo at tumingin kay ate Doris "Thank you, ate"

"Kumain ka na. Ubusin mo lahat yan ha"

"Kumain na rin kayo dito ni ate Ligaya" sabi ko

"Huwag na, mamaya nalang kami kakain pagkatapos mong kumain"

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon