CHAPTER 21- Summy

612 19 3
                                    



ROCKY~

Grabe! Ang bait naman ng Diyos at tinupad niya talaga ang hiling ko na mayakap ko si Summer ulit. May narinig kasi kaming kakaibang tunog kanina kaya napasigaw siya at napayakap sa akin. Ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Sa kasing lakas, ramdam na ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko. Sana nga hindi niya maririnig to. Dahan dahan naman bumitaw si Summer sa yakap "Kasalanan mo talaga to!"

"Ha? Bakit naging kasalanan ko pa?" sabay ngiti ko. Ang cute kasi niya

"Dahil may kasalanan ka sa akin, dito ka matutulog sa kwarto ko"

"Kung ito ang magiging parusa ko sa bawat kasalanan ko sayo, mas gusto kong maging makasalanan" sabi ko habang nakangiti

Napatingin siya sa akin "Anong sinabi mo?"

"Ha? Ah...ang sabi ko" naglakad ako patungo sa sliding door "Tatabunan ko ng kurtina to para hindi ka na rin matakot" sabay untie ko sa kurtina "Ayan, ayos na. Hindi ka na siguro matatakot nito"

"Hindi! Dito ka pa rin matutulog. Malaki naman tong kama ko. Tabi na tayo....pero! May borderline tayo ha. Hindi ka dapat lalagpas sa borderline ko kasi kapag lalagpas ka, sasabihin ko talaga kay papa na nirape mo ako"

Napatawa ako sinabi niya "Lalagpas lang ng borderline, rape na kaagad?"

Nagcross siya ng arms "Umm...sasabihin ko na may plano kang e-rape ako"

"Oh, sige na. Matutulog na ako" lumapit ako sa kama niya "Dito na ako pupwesto malapit sa sliding door para hindi ka matakot pero teka lang, bago ka matulog, kumain ka muna" tapos humiga na ako sa kama ko. Lumapit siya sa kama niya at gumawa ng borderline gamit ang mga unan niya

"Hindi ako lalagpas dyan. Huwag kang magalala" sabay wink ko

"Paano ako makakasiguro eh hindi pa nga tayo close, di ba? Kakain ako basta...huwag ka munang matutulog"

"Natatakot ka pa rin?" sabay ngiti ko sa kanya. Masyadong takutin talaga siya pero ang cute pa rin!

"Kasalanan mo nga to di ba?"

Umupo ako "Kumain ka na"

Umupo siya sa upuan sa study table niya at sinimulan nang kumain. Nagmamadali siyang kumain kaya napatawa ako "Huwag kang magmadaling kumain dyan"

Tumingin siya sa akin "Eh baka kasi inaantok ka na" sabi niya habang may pagkain sa loob ng bibig niya. Ang sobrang cute niya talaga!

"Hindi pa naman ako inaantok. Kumain ka lang. Take your time" sabay ngiti ko sa kanya

"Ano pala favorite movie mo?" biglang natanong niya sa akin

"How to be yours" simpleng sagot ko

"Yan yung kay Bea at Gerald?"

"Oo" sabay ngiti ko

"Bakit yan ang favorite mo?"

"Kasi maganda yung story. It's all about their dreams and love. Sa totoong buhay naman rin kasi, kapag may pangarap ang isang tao, nahahati yung atensyon niya. Sa pag-ibig at sa pangarap niya. Hindi madaling makahanap ng isang tao na susuporta sa pangarap mo kaya yon yung nagpapaganda sa movie kasi habang tinutupad ni Bea yung pangarap niya, nawala sa kanya si Gerald, which is yung pag-ibig pero nung natupad na niya yung pangarap niya, narealize niya na kulang pa rin, na parang hindi pa rin sapat na natupad na niya yung pangarap niya. Kaya kahit nagkalayo man sila ng ilang taon, still mahal pa rin nila ang isa't isa at nagkabalikan sila"

"So, naghahanap ka ng tao na makakaintindi at susuporta sa pangarap mo?"

"Parang ganon na nga. Kasi napagisipan ko na kumuha ng Masterals sa Spain. Doon ako magaaral for how many months baka nga maabutan nang years kaya gusto ko nang isang tao na susuporta sa pangarap ko"

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon