CHAPTER 16- Drowning for your love

577 16 7
                                    

Anyway, I would like to dedicate this chapter to allonaxyzz! Dahil sayo, maguupdate na ako sa story na to! Hehehe. Sana nagustuhan nyo tong story ko kagaya ni allonaxyzz! Happy Reading!!! ;) and feel free to comment!!!


ROCKY~

Pumasok ako sa loob ng kwarto na gulat pa rin sa nangyari kanina. Talaga bang niyakap niya ako? Totoo ba yon? Hindi ba yon imahinasyon ko lang? Sinampal sampal ko yung pisngi ko. Sigurado akong hindi ako nananaginip! Humiga ako sa kama ko na nakangiti. Kilig na kilig ako nung niyakap niya ako. First time na may skin to skin contact kaming dalawa ng crush ko! Ako na ang pinaka swerteng lalake sa buong mundo!

Maaga akong gumising para maipagluto ng agahan si Summer. Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Dumaan ako sa kwarto niya at tinignan yung pintuan niya. Napangiti ako nung naalala ko yung nangyari kagabi. Hay nako, Summer. Nakaka inlove ka! Ikaw talaga ang may salarin kung bakit ganito ako ngayon. Bumaba na ako kaagad at pumunta sa kitchen area. Pagdating ko sa kitchen area, nakita kong naghugas na ng kanyang kamay si Summer. Gising na siya? Bakit ang aga niyang gumising?

Tumingin siya sa akin pagkatapos niyang maghugas ng kamay. Ngumiti ako sa kanya pero nagulat ako sa naging reaksyon niya. Ningitian niya ako ng mapait tapos dinaanan lang niya ako. Teka, totoo ba talaga yung nangyari kahapon? Hundred percent sure akong totoo yon pero bakit ganito siya sa akin ngayon? Sinundan ko si Summer at nakita ko siyang palabas ng bahay kasama si Bonita

"Saan kayo pupunta?" tanong ko sa kanilang dalawa

Tumingin si Bonita sa akin "Sa resort. Tutulungan namin si tito"

Tutulong si Summer? Aba, himala talaga to! Ang pagkakaalam ko kasi, ang laki ng galit niya sa kanyang papa. May sumanib ba na kaluluwa sa babae na to?

"Sumunod ka nalang sa amin pagkatapos mong kumain" sabi ni Bonita

Hindi ko talaga maintindihan si Summer. Niyakap niya ako kagabi tapos hindi na niya ako pinapansin ngayon? Asarin ko nalang mamaya para pansinin ako non


Dumating ako sa resort at dumiretso sa office ni tito. Pagdating ko sa office ni tito, agad ko tinanong kung nasaan sina Bonita at Summer. Ang sabi ni tito, ipinaglibot daw ni mang Fredo si Summer. Grabe talaga tong babae na to! Pumayag siya na ipaglilibot siya ni mang Fredo pero sa akin, hindi

"Kie, may napapansin ka ba kay Summer?" biglang natanong ni tito

Napatingin ako kay tito "Po?"

"Kasi kanina, inimbitahan ko siyang pumunta dito sa resort tapos pumayag siya kaagad. May nangyari ba?"

Nangyari? Oo, meron nangyari sa aming dalawa pero wala akong planong sabihin yon kay tito. Baka ano pa ang sabihin ni tito pero oo nga, nakapagtataka si Summer ngayon. Napakamot ako sa ulo ko "Ah, wala naman po tito"

"Ibig ba sabihin nito na binibigyan na niya ako ng pagkakataon na bumawi sa kanya?"

"Baka ganon na nga tito"

Napangiti si tito at napatingin sa baby pictures ni Summer at ng kuya niya. Nakakagaan ng loob ng makita kong nakangiti si tito. Sana ganito nalang siya palagi

"Bakit mo pala sila hinahanap?" tanong ni tito

"Kasi sabi ni Bonita sa akin na tutulungan niya daw kayo dito sa resort"

Napatayo si tito "Ah, oo. Tutulungan nila ako. Sabi ni Bonita, tutulong daw siya don sa mini bar malapit sa pool"

"Si Summer po?"

Huminga siya ng malalim "Gusto niya sa reception pero ayaw kong ma-stress siya. Ayaw ko rin makita siya ng mga customers don"

"So, saan mo siya ilalagay?"

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon