CHAPTER 34- Palaro

497 16 8
                                    



SUMMER~

Maaga akong gumising para paghandaan ng almusal si papa. Pagdating ko sa kitchen, agad akong nagluto

"Maam, okay lang ba talaga sayo?" tanong ni ate Doris

Tumingin ako kay ate Doris "Oo, gusto ko kasing makabawi kay papa" sabay ngiti ko. Ngayon alam ko na ang totoo, nawala lahat ng galit ko para kay papa. Napatawad ko na si papa. Hindi pala niya kasalanan lahat. He just had a choice at choice niya na pumunta ng Spain para may ipagmalaki siya kay lola. Di ko alam na ganito pala kahirap ang naranasan ni papa. Malayo ka sa pamilya mo nang ilang taon tapos sa pagbalik mo, wala ka na palang mababalikan

"Ang swerte talaga ni sir Donny na may anak siya na maganda at mabait pa!" sabi ni ate Doris

"Naku! Sana nga kamukha ni maam Summer yung anak ko" sabi ni ate Ligaya. Buntis kasi si ate Ligaya nang ilang buwan na

Lumapit ako kay ate Ligaya at hinaplos yung tiyan niya na nakangiti "Sana nga babae to para magkamukha talaga kami"

"Okay rin kahit lalake to para magkamukha sila ni sir Donny" sabi ni ate Ligaya

Bumalik ako sa pagluluto at agad nagtanong sila ate Doris at Ligaya tungkol sa amin ni Rocky

"Kamusta pala kayo ni Rocky?" tanong ni ate Doris

"Magkaibigan lang po kami"

"Ay, akala ko kayo na. Bagay kasi kayo sa isa't isa" sabay ngiti ni ate Ligaya

"Tamang tama! Malapit na yung fiesta dito! Maraming palaro mamayang hapon malapit sa may dagat" sabi ni ate Doris

"Oo nga! Pwede kayong sumali ni Rocky at Bonita! Pwede niyo na rin po isama si sir Donny para hindi rin ma-stress sa trabaho niya" sabi ni ate Ligaya

Magandang idea yan ha! Gusto ko rin kasi magbonding kami ni papa. Matagal rin kasi kaming hindi nagkasama kaya naisipan kong alokin si papa mamaya. Pagkatapos kong magluto ay agad ko ito hinanda sa dining table. Mabuti na rin at wala pa sila papa. Pagkatapos kong maihanda lahat, saktong sakto dumating si papa

"Oh, J. Gising ka na pala" sabay ngiti ni papa

Lumapit ako kay papa at niyakap siya "Good morning, pa. Hinanda ko po to lahat para sayo" sabay ngiti ko sa kanya

"Talaga? Marunong ka palang magluto?"

"Oo, manang mana nga ako sayo"

Niyakap ako ulit ni papa ng mahigpit "Thank you, J" tapos bumitaw si papa sa yakap "Sige nga, titikman ko yung mga niluto mo"

Umupo si papa at tinikman niya isa isa yung mga niluto ko "Hmmm...masarap siya ha. Mana ka talaga sa akin. Umupo ka na dito sa tabi ko"

Umupo ako sa tabi ni papa na nakangiti. Sobrang saya ko kasi ngayon kasi sa wakas, okay na kami ni papa. First time ko kasing paglutuan si papa. Dumating na rin sina Bonita at Rocky

"Ang aga mong gumising ngayon ah" sabi ni Bonita at umupo na rin silang dalawa ni Rocky

"Ipinagluto kasi ako ni J" proud na proud na sinabi ni papa

Nagulat silang dalawa nung narinig yun nila mismo kay papa

"Talaga? Sige nga, e-jujudge ko tong niluto mo" sabi ni Rocky

Tinikman na nila Bonita at Rocky yung mga niluto ko. Nakailang tikim sila at nagulat silang dalawa

"Ang galing mo palang magluto!" sabi ni Bonita

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon