SUMMER~
Maaga akong nagising. Pagtingin ko sa tabi ko, natutulog pa rin si Rocky. Hindi ko siya ginising kaya lumabas muna ako sa kwarto. Si mang Lito lang yung natutulog dito sa labas ng kwarto. Asan kaya si mang Fredo? Lumabas ako ng bahay at napansin ko na huminto na yung ulan
Nakikita ko na ang sinag ng araw. Napag isipan kong hanapin si mang Fredo para makauwi na kami. Alam kong alalang alala na si papa ngayon. Pumunta ako malapit sa barge. Baka kasi andito lang si mang Fredo. Habang papalapit ako sa barge, nakita ko si mang Fredo pero parang may ginagawa siya. Nagulat nalang ako sa nakita ko. Totoo ba to? Si mang Fredo yung naguukit ng linya. Posible bang...tatay niya yung nasa kwento?
Biglang tumingin si mang Fredo sa akin at halata ring nagulat siya "Maam...andyan na po pala kayo"
"I...ikaw yung anak nung nasa kwento?"
Huminga ng malalim si mang Fredo "Opo, ako po"
Dahan dahan akong lumapit kay mang Fredo at tinignan yung linya na bago niya inukit
"Bago namatay si papa, ibinilin niya sa amin ni Lito na kami daw yung tutuloy sa paguukit ng mga linya dito. Hindi pa rin kasi siya nawawalan ng pag asa na makita niya muli yung babaeng minahal niya. Minsan nga, nagseselos na si mama kasi hanggang ngayon hinihintay pa rin niya yung babae"
"Buhay pa po ba yung nanay niyo?" sabay tingin ko sa kanya
"Patay na rin si mama. Mas nauna siyang namatay kesa kay papa"
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko ngayon "Ba...bakit hindi niyo po sinabi kay Rocky na papa niyo pala ang itinutukoy mo sa kwento?"
"Ayaw ko kasing malaman ng ibang tao yung totoong kwento sa isla na ito. Masyado kasing malungkot yung kwento kaya nung nalaman ko na gusto niyo pumunta dito ni Rocky, nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba kay Rocky yung tungkol sa kwento dito"
"May balita po ba kayo tungkol sa babae?" curious na talaga ako sa kwento ng isla. Napaka interesting kasi ng kwento
"Wala na din. Hindi namin alam kung buhay pa ba yung babae"
Biglang dumating si Rocky at mang Lito. Nagulat si Rocky nung nakita niyang may dalang bato si mang Fredo at nakaharap sa mga nakaukit na linya
"Ka...kayo po yung anak?" tanong ni Rocky
Tumango si mang Fredo "Pasensya na kung hindi kita sinabihan"
Tumingin ako ulit kay mang Fredo "Sana nga bumalik na yung babae dito kung sakali man ay buhay pa siya"
"Sana nga kasi hanggang ngayon ay hinihintay pa rin siya ni papa kahit wala na siya" sabi ni mang Lito
"Patay na nga si papa pero buhay pa rin yung pagmamahal niya sa babae" sabi ni mang Fredo
Magkahawak yung kamay namin ni Rocky habang papasok sa loob ng bahay. Nagtatawanan pa kaming dalawa hanggang sa nagulat nalang kami sa nakita namin. Nakatayo si papa, Bonita at mama sa harapan namin. Napatingin si mama sa kamay namin ni Rocky kaya napabitaw ako kaagad
"Kailangan mo ng umuwi, J" sabi ni mama
"I already told you that I'm going to stay here longer"
Huminga ng malalim si papa "Umuwi ka na, anak"
Nagulat ako sa sinabi ni papa. Sa kanya pa talaga yon galing. Aaminin ko, nasaktan ako nung sinabi yon ni papa sa akin. Siya lang yung tanging tao na makakapigil sa pagbalik ko sa Manila "Pa, why are you doing this to me?"
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanfictionSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...