CHAPTER 53- Scuba Diving

461 14 1
                                    

ROCKY~

Nagulat si Summer nung nalaman niya na alam pala ni tito yung tungkol sa nakaraan nila ni Gabe. Updated din kaya si tito sa mga showbiz news lalo na kapag tungkol sa anak niya. Si Gabe naman, halata ring nagulat siya at parang kinakabahan. Tumingin muna siya kay Summer bago sumagot kay tito

"Ah...opo" sabay ngiti ni Gabe

Tumango si tito "Pumasok na kayo sa restaurant para makakain na kayo"

Nagtabi kami ni Annika habang magkatabi naman si Yassi at Gabe. Umupo si Summer sa tabi ni Bonita, na malayo mula kay Gabe. Hindi ko maiwasan ang tumingin kay Gabe at Summer. Tinitignan ko kung nagkakatinginan silang dalawa. Minsan nagkakatinginan silang dalawa at gusto ko talagang tuhugin yung mga mata ni Gabe sa tuwing titingin siya kay Summer. Nakakainis eh! Basta nakakainis!

"Bakit palagi kang nakatingin kay Gabe?" bulong ni Annika sa akin

Napatingin ako sa kanya "Wala. Nakakapanibago lang na kasabay ko siyang kumain ngayon eh kakakita ko lang sa kanya sa tv kagabi" mabuti na rin at nahanapan ko ng paraan para hindi niya malaman na nagseselos ako kay Summer at Gabe

"Eh sa akin? Hindi ba?"

"Syempre hindi! Kapatid kaya kita"

"Sus" sabay simangot niya

"Hoy. May sasabihin ka pa sa akin kung bakit napunta ka don sa teleserye na yon"

"Aba, kung makaasta ka parang ikaw yung mas matanda sa ating dalawa"

"Syempre, sikat ka na. Madami nang magkakagustong lalake sayo tapos madami din ang mambabash sayo, gusto ko lang protektahan ka"

Napasandal si Annika sa akin "Napaka sweet mo naman"

"Sally, may kukuha sa inyo mamaya pagkatapos ninyong kumain. Doon na kayo ni Annika sa resthouse matutulog. Tapos sina Yassi at Gabe ay dito na sa resort" sabi ni tito

"Salamat talaga, Donny. Ngayon pa lang ako nakapunta sa ganitong napakaganda na lugar. Hindi mo kasi kami pinasyal dito noong nasa college pa tayo" sabi ni ninang

"Alam mo naman kung gaano ako ka-busy noong nasa college pa tayo. Halos hindi na nga ako nakakatulog sa kakagawa ng mga plates"

"Nakapunta na ba dito si..."

Huminga ng malalim si tito "Oo, tinulungan niya akong magdisenyo sa resthouse pero noong itinayo na yung resthouse, wala na kami non"

"Sayang, sana makita niya yung resthouse"

May lungkot sa mga mata ni tito. Nararamdaman ko kasi na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya yung mama ni Summer. Dahil may iba na itong asawa, wala na rin siyang magagawa. Hindi na siya ang mahal sa mama ni Summer

"Pagkatapos ninyong ilagay yung mga gamit ninyo ay pumunta kayo ulit dito sa resort kasi sinabihan ko na si mang Fredo na magscuscuba diving kayo"

Lalong na excite sina Annika, Yassi, Gabe at ninang sa sinabi ni tito. Nakakalungkot kasi hindi kami pwede. May trabaho pa kasi kaming tatapusin eh. Siguro, next ime nalang


ANNIKA~

Sumakay na kami sa barge para pumunta sa ilalim ng dagat. Sisimulan na kasi naming magscuba diving. Never in my whole life ko to ginawa kaya first time ever ko tong gagawin. Iba kasi nung nag whale watching kami sa Oslob. May halong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon

"Akala ko talaga makakasama natin sila Summer ngayon" sabi ni Yassi

"Oo nga, sayang kasi may trabaho pa sila" sabi ko. Gusto ko rin kasi na kasama si Rocky dito

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon