SUMMER~
Maaga akong natapos sa trabaho ko kaya may naisip akong gawin. These past few days kasi, hindi ako mapakali. Hindi ako mapakali na hindi ko nakausap si Ailyn sa huling araw niya dito sa resort kaya naisipan kong dalawin siya sa kanilang bahay
Habang naglalakad ako patungo sa kanilang bahay, iniisip ko kung ano ba yung paguusapan namin. Kung paguusapan namin yung tungkol kay Rocky, alam kong masasaktan lang siya. I know she's still in the process of moving on. Gusto ko lang siguro makapagpaalam sa kanya ng maayos
Pagdating ko sa kanilang bahay, naabutan kong naglalaro yung dalawa niyang kapatid sa labas
"Oy, si ate ganda oh!" sabay turo ni Ivan sa akin. Naaalala ko tuloy nung tinutulungan ko siya nung bagong tuli pa siya
Napatingin naman si Sandro sa akin at agad nila akong nilapitan
"Andito ba ang ate ninyo?" tanong ko sa kanilang dalawa
"Wala po, umalis po siya" sabi ni Sandro sa akin
"Alam mo ba kung saan siya nagpunta?"
"Hindi rin po"
Napangiti ako sa kanilang dalawa "Sige, salamat"
Habang naglalakad ako palayo sa bahay ni Ailyn ay agad ako nagisip kung saan siya posibleng nagpunta. Nilagay ko ang sarili ko kay Ailyn. Syempre may problema siya ngayon, and I'm thinking kung ano yung kailangan niya ngayon. Nung may idea na ako kung saan siya posibleng nagpunta ay agad ako naglakad patungo sa lugar na yon
Pagdating ko sa lugar na yon, hindi nga ako nagkakamali. Andito nga siya. Nakaupo si Ailyn sa buhangin habang kaharap yung dagat. Naaalala ko nung araw na dito niya akong nakita habang hinahanap ako nila papa at Rocky. Siya lang yung nakakita sa akin at yun din yung araw na yon na naging kaibigan ko siya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya habang nakatingin sa dagat. Agad naman siyang napatingin sa akin "Su...Summer, anong ginagawa mo dito?"
"Wala lang, nagpapahangin din ako" sabi ko habang nakatingin pa rin sa dagat "Dito ka rin pala pumupunta kapag kailangan mong mapag-isa"
Tumingin siya sa dagat "Ah...oo. Simula nung araw na nakita kita dito, dito na rin ako pumupunta"
Tumango ako habang nakatingin pa rin sa dagat "Ang sama mo, hindi ka nagpaalam sa akin"
"Sorry"
Tumingin ako sa kanya at napatingin din siya sa akin "Alam kong hinanap mo ako kasi gusto mo din humingi ng sorry sa nagawa ninyo ni Rocky sa akin pero wala naman kayong kasalanan. Kasalanan ko to"
"Ailyn, I came here kasi ayaw kong pagusapan natin yung tungkol kay Rocky because I know you're trying to move on from him. Pumunta ako dito kasi hindi ako mapakali na hindi kita nakausap sa huling araw mo sa resort. Syempre, naging kaibigan kita at hindi ka man lang nagpaalam sa akin"
"Sorry. Sorry dahil hindi ako nagpaalam sayo. Sobra kasi akong nasaktan sa mga pangyayari"
Nalaman ko galing kay Rocky na nakita niya daw kami naguusap sa rooftop at narinig niyang sinabi ko na may gusto ako kay Rocky "I also wanted to say sorry to you because yung kaligayahan naming dalawa ni Rocky ay yun din yung kalungkutan mo" hinawakan ko yung dalawang kamay ni Ailyn at tinignan siya sa mga mata "I'm really sorry. I'm really sorry kung naging selfish kami without thinking about your feelings"
"Hindi kayo naging selfish ni Rocky. Nagmamahalan kayong dalawa at wala akong magagawa na non. Ayaw ko naman din kontrahin kayong dalawa. Minsan kasi sa buhay, kailangan natin maligaw nang landas para malaman natin kung saan talaga tayo papatungo. Yung akala ko na, magiging kami ni Rocky, wala na yon. Hindi talaga kami ni Rocky para sa isa't isa at ayaw ko na yon pilitn pa"
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanfictionSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...