CHAPTER 19- Surprise Dinner

509 15 2
                                    



ROCKY~

Umiwas ako ng tingin sa kanya na nakangiti "Sa akin nga siya nakatingin pero sayo naman ako nakatitig"

"Ano?"

Mabuti nalang at hindi niya narinig. Hininaan ko talaga yung boses ko para sinigurado na hindi niya maririnig yon. Tumingin ako sa kanya "Sabi ko, matulog na tayo. Gabi na at naubos mo na yung dalawang beer" tumayo ako habang kinukuha yung beer "Huwag kang mag-alala, di ko to sasabihin kay tito" sabay ngiti ko sa kanya. Lalabas na ako sa kwarto nang bigla niya akong tinawag. Napatingin ako ulit sa kanya. Nasa harapan ko siya na nakangiti. Grabe, ang ganda talaga niya. Di ko alam kung paano siya ginawa ng Panginoon. Sobrang perfect talaga eh "Thank you pala"

"Walang anuman basta kung gusto mo ng kasama, andito lang ako" sabay ngiti ko sa kanya

Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Eto na ba yon? Hahalikan na ba niya ako? Dahan dahan ko naman pinikit yung mga mata ko. Bakit parang hanggang ngayon ay wala pa rin akong naramdaman na labi? Pagdilat ko sa aking mga mata, nakita kong tumatawa si Summer "Ano bang ginagawa mo? Akala mo ba na hahalikan kita?"

Ay pucha naman oh! Nakakahiya talaga! Teka, paano ba to? Ano bang gagawin ko? "Ha? Hindi ah! Naantok na kasi ako eh. Ang daldal mo kasi"

"Wow ha, ako pa yung madaldal. Sige na, pumasok ka na sa kwarto mo. Antok ka na di ba?" sabay ngiti niya

At ngayon, siya na yung tumutukso sa akin. Ngumiti ako sa kanya "Oo, antok na talaga ako" nagkukunwari pa akong humihikab at tawang tawa pa rin siya "Goodnight"

"Goodnight" sabay ngiti niya

Pumasok ako sa kwarto ko na nakangiti na may halong hiya "Ano ka ba naman, Rocky? Nakakahiya ka talaga kanina" huminga ako ng malalim at nilagay yung dalawang beer sa isang plastic tapos humiga sa kama na nakangiti. Naiimagine ko kasi yung nangyari sa amin kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakausap ko na rin siya ng masinsinan, yung seryoso na talaga. Sana nga ito na yung simula ng pagkakaibigan namin ni Summer

Nakangiti ako habang binabati yung mga kasambahay at sina tito at Bonita "Good Morning po sa inyo!" maganda yung mood ko ngayon dahil sa nangyari sa aming dalawa ni Summer kagabi

"Aba, ang ganda ng mood ngayon ah" sabi ni Bonita. Si Bonita yung palaging nakakahatala sa mga mood ko araw araw. Napaka observant kasi nitong babae. Umupo ako sa tabi ni Bonita at napapansin ko na wala pa si Summer

"Natutulog pa si Summer?" tanong ko kay Bonita

"I'm here" sabi ni Summer nung dumating siya kaagad. Nakangiti rin siya nung dumating siya at halatang masaya siya ngayon. Umupo siya sa tabi ni Bonita

Nagtinginan kaming dalawa ni Summer at grabe! Nakakahulog talaga yung ngiti niya mga pre! Ngumiti siya sa akin tapos kumain ng sliced bread

"Summer, magdala ka ng tubig ha. Masyadong mainit sa station mo" sabi ni Bonita

"Yeah, magdadala na ako" sabay ngiti niya kay Bonita

"Anak, okay lang talaga sayo don sa station mo? Pwede naman kitang e-transfer sa ibang station" sabi ni tito

Biglang nag-iba yung mood ni Summer nung tumingin siya kay tito "No, it's okay"

Bakit hindi pa rin okay si Summer kay tito? Nacucurious tuloy ako kung ano ba talaga ang ginawa ni tito kay Summer na masyadong mahirap patawarin niya si tito

"Sige, sabay na tayong pumunta don sa resort. Nagpapakuha ako kay mang Fredo. Andito na yon mamaya" sabi ni tito

Nung dumating na si mang Fredo, saktong sakto katatapos lang namin kumain, agad lumabas sina Bonita at Summer. Naiwan kami ni tito sa dining area kasi tinatapos pa namin yung kape namin. Napatingin ako kay tito. Naaawa ako kay tito kasi hanggang ngayon, hindi pa rin sila okay ni Summer at gusto ko talagang makatulong sa kanya. Gusto kong nakikitang masaya si tito kaya may naisip akong ideya "Tito..."

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon