CHAPTER 61- Deal

417 12 3
                                    


ROCKY~

Bumalik si Summer pagkatapos niyang sagutin yung tawag ng mama niya. Umupo siya sa tabi ko at naging iba yung mood niya pagkatapos niyang makausap yung mama niya. Kung kanina, hindi siya umiinom ng mga alak, ngayon, ang lakas na niyang uminom. Naka tatlong red cups na siya ng alak simula nung dumating siya. Nagaalala na tuloy ako sa kanya

"Buang, okay ka lang?"

Tumingin siya sa akin "Ah...oo"

Bakit parang hesistant siya? Hindi ba naging okay yung paguusap nila ng mama niya kanina? "Sigurado ka?"

"Oo" sabay ngiti niya at ininom niya yung red cup na punong puno ng alak. Gusto ko sana siyang pigilan sa kakainom niya pero baka magalit lang siya sa akin. Wala pa naman siya sa mood ngayon

"Kantahan nalang tayo!" sabi ni Rita

"Ailyn! Kumanta ka!" sabi ni Bonita

"Huwag na, nakakahiya" sabi ni Ailyn

"Sige na! Kumanta ka na! Please?!" sabi ni Bonita parang tipsy na si Bonita kasi palagi na siyang sumisigaw kahit nasa tapat lang niya si Ailyn

"Sige na nga. Ano ba kakantahin ko?" tanong ni Ailyn

"Yung Walang Hanggan by Quest!" sigaw na naman ni Bonita

"Napakasakit ng kanta na yan" sabi ni Ailyn

"Bakit? Hindi ka ba nakakarelate? Di ba, nasaktan ka rin?" sabi ni Bonita

Nagulat kami sa biglang pagsabi ni Bonita. Alam namin kung ano yung ibig niyang sabihin. Alam naman natin lahat na nasaktan si Ailyn noong nalaman niya na nagmamahalan kaming dalawa ni Summer

"Ano ka ba? Joke lang!" binawi naman ito kaagad ni Bonita. First time kong nakitang ganito si Bonita. Hindi kasi siya uminom noong may dinner party kami nung andito sina Annika

"Kumanta ka na! Go!" sabay tulak ni Bonita kay Ailyn patungo sa gitna

"Okay ka lang Bonita?" tanong ni Rita sa kanya

Tumingin si Bonita at binigyan siya ng thumbs up "Yep! I am okay!" sabay ngiti niya

Napatingin ako kay Summer. Umiinom pa rin siya ng alak at hindi ko alam kung pang ilan na itong nainom niya

"Buang, tumigil ka na sa pag iinom baka malasing ka pa" di ko na talaga kaya. Nagaalala na talaga ako sa kanya

"Okay lang ako. Hindi pa ako lasing" sabi niya habang nakatingin kay Ailyn

Malakas talaga ang kutob ko na hindi talaga siya okay. Naging ganito siya simula nung nakausap niya yung mama niya. Ano kaya ang napagusapan nila at naging ganito siya? Tungkol ba to sa pagbalik niya sa Manila?

"Ayan na! Go Ailyn!" sigaw ni Bonita

Gulong gulo ang puso

Saan ba 'to patungo?

Di ko alam, di ko alam

Biglang nalungkot ako nung narinig kong kumakanta si Ailyn. First time ko marinig tong kanta at ramdam na ramdam ni Ailyn yung kanta

Hinarap lahat ng balakid

Pero bakit walang kapit

Ang mga pangakong binitawan?

Di ko alam, di ko alam

Bigla akong napatingin kay Summer habang nakikinig kay Ailyn na kumakanta. Umiinom pa rin siya ng alak habang nakatingin kay Ailyn. Tinignan ko yung mga mata niya. May halong lungkot akong nakikita sa kanyang mga mata. Inilagay niya yung red cup sa pisngi niya na para bang niraramdaman niya yung lamig ng alak. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano yung pinagusapan nila ng mama niya pero hindi ko kaya. Baka magalit lang siya. Dahan dahan ko siyang inakbayan at hinila palapit sa akin. Napatingin siya sa akin at nagtinginan kami sa aming mga mata. Hanggang sa dumating kami sa linya ng kanta

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon