CHAPTER 27- Adventure

484 8 0
                                    



ROCKY~

Dumating na rin si Ailyn kasi kanina, pumunta dito yung kapatid niya kaya umuwi muna siya. Nagmamadali siyang lumapit sa akin "May gwapo kanina!"

"Guni guni mo lang yon! Ako lang gwapo dito sa resort" sabi ko

Nagcross siya ng arms habang nakangiti "Mas gwapo pa sayo! Sabi nga ni Summer sa akin kanina na gwapo yung lalake"

"Magkasama kayo ni Summer? Akala ko umuwi ka"

"Pagdating ko sa bahay, nakita ko si Summer na tinutulungan yung isa kong kapatid kasi bago siyang tuli. Habang pabalik na kami dito ni Summer, may nakita kaming gwapong lalake! At alam mo ba kung sino siya sa buhay ni Summer?" naka smirk siya

"Sino?" gusto ko na malaman kung sino siya sa buhay ni Summer

"Hulaan mo"

"Sabihin mo nalang sa akin!" atat na atat na talaga akong malaman

"Childhood friends silang dalawa. Grabe! Sobrang gwapo niya talaga! Maputi siya, matangkad, maganda yung katawan! Grabe! Para siyang mannequin sa sobrang gwapo!"

Sa mga sinabi ni Ailyn, parang naiimagine ko na gwapo talaga yung lalake. Childhood friend pa talaga sila ni Summer. Ibig sabihin, mas matagal silang nagsama. Ibig sabihin din, mas malamang siya sa akin pero hindi! Hinding hindi ako susuko! Maya maya, nakita kong dumating si Summer. Agad akong lumabas sa mini bar at lumapit sa kanya "Summy"

"Oh, Rukruk?"

"Hindi mo ba nakuha yung cap mo?"

"Ay oo nga pala! Nakalimutan ko! Pero okay lang" sabay ngiti niya

"Pero masyadong mainit ngayon"

"Summer" may tumawag sa kanya at agad akong napatingin. Totoo nga ang sabi ni Ailyn, gwapo nga yung lalake. Eto ba yung childhood friend ni Summer? Lumapit siya sa amin

"Is that your station?" tanong niya habang tinuturo kung saan umuupo si Summer bilang lifeguard

"Yes, why?"

"Wait" sabi niya habang may kinukuha sa backpack niya. Ibinigay niya yung cap niya kay Summer "Use this"

Kinuha ito ni Summer nang nakangiti "Thank you" sinuot niya ito at tumingin sa akin "Rocky, si Fabio, kababata ko and Fabio, this is Rocky"

"Nice to meet you" sabay offer ng kamay niya

Nagshake hands kami "Nice to meet you too" sabay ngiti ko

"Anyway, we're going to have a dinner tonight together with your dad"

"Oh...okay"

"I'll go back to the health center. See you later" sabay ngiti niya

"Okay, see you later"

Nung nakaalis na si Fabio, agad akong tumingin kay Summer. Iba yung mukha niya ngayon, hindi siya masaya para siyang kinakabahan "Okay ka lang?"

Tumingin si Summer sa akin "Hindi, hindi ako okay"

"Bakit?"

"Dahil kay Fabio. Hindi ko alam kung ano yung gagawin namin mamayang dinner. Natatakot ako na sasabihin niya kay papa yung tungkol sa pact namin"

"Pact? Anong pact?"

Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin "May pact kasi kami na kung 20 na kami at single pa rin, magiging boyfriend ko siya"

Nagulat ako sa sinabi niya. Talagang close sila kasi may pact pa talaga sila. Kung si Summer hindi niya alam kung ano yung gagawin niya, ako din hindi ko alam kung ano yung gagawin ko para hindi matuloy yung pact nila ni Fabio

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon