ANNIKA~
Nakarating kami sa isang lugar na malayo sa city. Nasa isang bundok kami kung saan konting tao lang ang nandito. Nakikita namin yung mga city lights at malamig yung hangin dito. Kanina pa ako umiiyak hanggang sa nakarating kami dito. Kanina pa rin ako hindi nagsasalita. Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Gabe ang dahilan sa pagiyak ko. Binigay niya sa akin yung panyo niya. Tumingin ako sa kanya at umiyak pa lalo. Niyakap ako ng mahigpit ni Gabe
"Hindi ko kinaya ang narinig ko kanina, Gabe" sabi ko habang umiiyak sa kanyang piling
"Ano ba ang narinig mo?"
Tumingin ako sa kanya at napabitaw siya sa yakap. Tinitignan niya ako sa mga mata "Kaya pala umuwi na si mama kasi wala na siyang trabaho don sa Barcelona" huminga ako ng malalim at napatingin sa city lights "Nandon sa bahay kanina yung mama ni Summer. Binigyan niya ng offer si mama. Yung offer niya ay may trabaho kami ni mama sa Barcelona at doon na rin magaaral si Rocky at ang kapalit non...ay ang paglayo ni Rocky kay Summer"
"Sigurado ka ba sa narinig mo?"
Tumingin ako sa kanya "Oo, siguradong sigurado ako Gabe at ang pinakatatakutan ko ay...sumang-ayon si mama sa offer. Hindi ko lang maintindihan kung bakit itinago ni mama sa akin yung tungkol sa trabaho niya"
"Baka may dahilan siya"
"Alam kong may dahilan siya pero bakit hindi niya sinabi sa akin?" naiirita na talaga ako ngayon. Hindi ko talaga kasi maitindihan kung bakit ginagawa ito ni mama sa akin "Hindi nga alam ni Rocky na andito na si mama sa Cebu kasi ayaw ni mama na malaman ni Rocky na nandito na siya"
"Baka ayaw ka niyang masaktan. Syempre, hindi niya gustong malaman mo na wala na siyang trabaho. Baka nagiisip pa siya ng paraan para makahanap ng trabaho" hinawakan ni Gabe yung kamay ko "Annika, alam kong galit na galit ka sa mama mo ngayon. Ipagpaliban mo muna yung galit na nararamdaman mo sa ngayon at kausapin mo muna yung mama mo. Intindihin mo siya kasi kayo lang ni Rocky ang kailangan niya sa mga panahon na ganito"
Inihatid ako ni Gabe patungo sa bahay. Ayaw ko pa sanang umuwi kasi hindi pa rin nagsisink-in yung mga narinig ko kanina. Gusto kasi ni Gabe na makapag usap kami ni mama ng maayos. Gusto niya maayos namin to lahat. Mabuti nalang at wala dito si Rocky. Nakasalalay kasi dito yung pangarap niya at ni papa. Pumasok ako sa bahay at naabutan ko si mama na nakaupo sa sala. Napatayo siya kaagad nung nakita niya ako
"Dumating ka na pala, Ann" sabi ni mama
Lumabas si ninang mula sa kusina at tumingin sa akin. Halata sa mukha ko na galing ako sa kakaiyak kaya biglang nagalala si ninang "Umiyak ka ba, Annika?"
Lumapit si mama sa akin at hahawakan niya sana ako nang bigla akong nagsalita "Ma, bakit hindi niyo sinabi sa akin na wala ka na palang trabaho?"
Nagulat si mama nung tinanong ko yon sa kanya. Pagtingin ko kay ninang, lumapit na rin siya sa akin "Annika, saan mo yan nalaman?" tanong ni ninang
"Narinig ko po yung paguusap ninyo kanina sa mama ni Summer" tumingin ako kay mama "Ma, pwede naman natin mahanapan ng ibang paraan yun eh. Bakit sumang-ayon ka sa kagustuhan sa mama ni Summer? Alam niyo po ba kung ano yung mararamdaman ni Rocky kapag malaman niya to?"
Napaiyak si mama "Hindi na ako makakabalik sa dati kong trabaho. Nalugi yung restaurant na pinagtratrabahuan ko. Wala na kasi akong ibang maisip na paraan. Napakahirap makahanap ng trabaho sa Barcelona, anak. Hindi madali ang buhay don. Araw araw ka napapagalitan, napapasigawan, minumura ka pa nila kaya sumang-ayon ako sa kagustuhan ng tita Jenny mo. Ang lahat naman ito ay para kay Rocky, para sa pangarap niya to"
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanfictionSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...