ANNIKA~
Papunta na kami ngayon sa Topps. Gustong puntahan ito ni Gabe kasi napanood niya yung movie ni Kathryn at Daniel na doon nagshooting. Gusto rin kasi niya makita yung mga city lights. Pagkatapos namin magpark, lumabas kami sa sasakyan. Nakalimutan kong magdala ng jacket. Ang ginaw ginaw pa dito
Nung pumasok na kami, pumunta kami kaagad malapit sa mga benches. Ang sobrang ganda talaga dito, kitang kita mo yung city lights ng buong Cebu City at sa Lapu-Lapu din. Agad kinuha ni Gabe yung phone niya at nagtake ng pictures sa mga city lights. Tumingin ako sa paligid ko at karamihan dito ay magkasintahan. May mga tao na tumitingin kay Gabe pero hindi niya to pinapansin
"Okay ka lang?" tumingin si Gabe sa akin pagkatapos niyang magpicture
Napatingin ako sa kanya "Oo" sabay ngiti ko
"Ang sobrang ganda dito!" sabay tingin niya sa mga city lights
Pumwesto ako sa tabi niya at tumingin sa mga city lights "Ngayon ka lang ba nakakita ng ganitong view?"
"Sa totoo lang, oo. Palagi kasi akong busy sa trabaho ko don sa Manila"
"Magaling ka kasi kaya ang dami mong projects"
Napatingin si Gabe sa akin "Magaling ba talaga ako?"
Napatingin na rin ako sa kanya "Oo naman, bakit mo yan natanong?"
Umupo si Gabe sa isang bench at tumabi ako sa kanya
"Sa palagay ko, kulang pa rin kasi eh"
"Okay lang yan. Lahat naman tayo may insecurities. Day by day may matutunan ka naman na mga iba't ibang acting skills at ma i-aaply mo rin to sayo"
"Hindi ka pa rin nagbago"
Nalito ako sa sinabi ni Gabe "Ha?"
Bigla siyang napangiti "Wala" tapos tumingin siya sa magandang view
Hindi mawala sa isipan ko yung sinabi niya. Ano bang ibig sabihin non?
"Huy!"
Bumalik ako sa senses ko at tumingin kay Gabe. Di ko namalayan na nakatulala pala ako habang iniisip ko yon
"Narinig mo ba sinabi ko?" tanong niya
"Alin?" nag-isip kasi ako ng maayos tungkol sa sinabi niya kanina
"May iniisip ka ba kanina?"
"Ha? Ah...wala, wala" tanggi ko sa kanya
Ngumiti siya "May iniisip ka eh, share naman dyan"
"Wala nga"
"Sige, di na kita pipilitin" tumingin siya itaas "Grabe! Ang ganda ng mga bituin!"
Napatingin ako sa mga bituin. Ang daming mga bituin ngayon! Parang nasa galaxy ka sa sobrang dami!
Tumingin si Gabe sa akin "Maraming salamat"
Napatingin ako sa kanya "Salamat?"
"Salamat kasi sinamahan mo ako dito kahit na ilang linggo lang tayo nagkakilala"
"Okay lang yon. Ako nga dapat magpasalamat sayo kasi ang sobrang bait niyo sa akin lalong lalo na sila direk. Ang tiyaga nila sa akin. Nahihiya nga ako kasi hindi naman ako ganoon kahusay umarte"
"Magaling kang umarte, sa totoo lang"
Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko sa kanya. Flattered kasi ako sa sinabi niya. Napangiti naman ako
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
Fiksi PenggemarSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...