CHAPTER 23- Magkaibang Mundo

513 12 0
                                    

ANNIKA~

Pagkatapos namin ng taping, sinabihan kami ni direk na may tatlong araw kaming walang trabaho dahil may pupuntahan siyang isang lugar sa Cebu for research purposes niya daw. Grabe talaga si direk! May time pa siya for research purposes niya kahit stressed na siya sa pagiging direktor niya na halos hindi na siya natutulog. Hangang hanga na talaga ako sa mga direktor, hindi talaga madali yung trabaho nila. Habang inililigpit ko na yung mga gamit ko, biglang pumasok si Gabe sa tent namin

"Annika"

Napatingin ako sa kanya "Oh, Gabe?"

"Anong gagawin mo sa tatlong araw?"

Teka, bakit niya tinatanong to sa akin? "Ummm...matutulog?"

Napatawa siya "Yan lang yung gagawin mo?"

"Siguro? Gusto ko kasing magpahinga. Bakit?"

Huminga siya ng malalim "Gusto ko sanang magpasyal dito sa Cebu"

"Pwede ka naman pumasyal kaso madaming tao dito sa Cebu. Maraming paparazzis, maraming makakakita sayo"

"Kaya nga plano ko sana magpasama sayo" sabay ngiti niya "Kung okay lang sayo"

"Kasama si Yassi?" alam ko kasi na mas exciting kung madami kami

"Uuwi siya ng Manila kasi birthday ng papa niya"

"Eh, ikaw? Hindi ka ba uuwi?"

"Hindi, gusto kong pumasyal muna dito. Sige na nga, parang ayaw mo naman eh"

"Teka lang!" grabe naman tong si Gabe, nagtatanong lang, ayaw na agad? Syempre, gusto ko nu! Ako na siguro ang pinakaswerteng babae! "Sige, saan mo ba gusto?"


Unang una kong pinasyal si Gabe sa aming bahay. Pinasuot ko siya ng shades, cap at mask para na rin hindi siya mahalata ng ibang tao. Ayaw ko kasing pagguluhan si Gabe. I know he wants privacy kaya sumunod na rin siya sa akin. Humiram siya ng sasakyan sa isang staff na taga rito sa Cebu. Pagdating namin sa harap ng aming bahay ay tumingin si Gabe sa amin "Eto na yon?"

"Oo, dba sabi ko sayo kanina na hindi ganon kalaki yung bahay namin. Simple lang siya"

Tumingin siya sa akin "Dba sabi ko sayo kanina na galing din ako sa hirap kaya hindi ako maarte"

"Okay po, pasok na tayo"

Bumaba kami sa sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Naabutan kong naghahanda si ninang. Sinabihan ko si ninang na may bisita kami pero hindi niya alam na si Gabe yung dadating

"Annika, asan na yung bisita mo?" sabi ni ninang habang papalapit ako sa kanya

Nagmano muna ako kay ninang "Paparating na yon. Nagpark lang saglit"

Pagpasok ni Gabe sa loob ng bahay ay agad niyang itinanggal yung cap, shades at mask niyang suot. Nagulat nalang si ninang nung nakita niya yung mukha ni Gabe

"Good evening po" bati ni Gabe habang papalapit kay ninang

"Ninang, si Gabe. Gabe, yung ninang Sally ko"

Nagmano si Gabe kay ninang "Nako, ang gwapo mo talaga sa personal iho"

Napakamot si Gabe sa kanyang ulo "Hindi naman sa ganon, tita pero salamat po"

"Umupo na kayo para makakain na kayo. Alam ko kasing pagod kayo galing trabaho" sabay ngiti ni ninang

Umupo kami at sinimulan nang kumain. Tumingin ako kay Gabe "Tikman mo yung adobo ni ninang, yan yung specialty niya"

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon