GABE~
"I hope you do understand me" sabi ni Annika habang pinupunasan niya yung mga luha niya
Lumapit ako sa kanya at pinunasan yung mga luha niya gamit yung panyo ko. Ang sama ko talaga. Napaiyak ko si Annika ng dahil lang dito. Sana hindi ko nalang to tinanong sa kanya. Sana nga hindi nalang ako nakipag usap sa kanya
"Alam ko gusto mong malaman kung ano yung nangyari kagabi"
"Never mind. Okay lang sa akin kung ayaw mong sabihin sa akin. Naiintindihan kita. Sorry kung tinanong ko pa ito sayo"
Pinunasan ni Annika yung mga luha niya gamit yung panyo ko "Okay lang. Ayaw ko naman rin magtago pa sayo"
Huminga siya ng malalim "Pumunta sa resthouse kagabi si Chris na lasing. Nagmamakaawa siya na kausapin ko siya. Tinanong niya sa akin kung may mahal na ba ako..."
Nagulat ako sa sinabi ni Annika. Kaya pala kinausap ako ni Chris bago siya umalis. Kinakabahan na ako kung ano yung naging sagot niya sa tanong ni Chris
"Syempre, sinabi ko sa kanya na may mahal na ako pa na rin huminto na siya. Sinabi ko lang yon para layuan na niya ako"
"Nagbigay ka ba ng pangalan?" tanong ko
"Wala. Ayaw rin kasi malaman ni Chris kung sino. Sabi niya, sapat na daw na malaman niya na may mahal na ako"
Kung ibinilin ni Chris sa akin si Annika, sa ganon, akala ni Chris na ako yung mahal ni Annika. Yan din ang tanong ko, kung mahal ba ako ni Annika o baka sinabi lang niya talaga yon para huminto na si Chris. Pero dahil andito na ako, sasabihin ko na sa kanya yung totoo. Gusto ko din kasi malaman na ni Annika yung tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. Tumayo ako at hinawakan yung kamay niya
"Saan tayo pupunta?" tanong niya
"Basta"
Nakarating kami sa topps. Alam kong galing na kami dito pero eto yung lugar na napili kong magtapat sa kanya. Pumunta kami sa may benches, yun sa may dulo kung saan makikita namin yung buong city lights ng Cebu. Giniginaw na siya kasi naka white shirt lang siya
"Ano bang ginagawa natin dito?" tanong niya
Tumingin ako sa kanya na nakangiti "Simula ngayon, ayaw ko ng nakikita kang umiiyak. Kapag umiiyak ka, tawagan lang mo ako at pupuntahan kita kahit saan pa man yan. Simula ngayon, pupunuin ko ng masasaya lahat ng mga lungkot na nangyari sayo noon"
Nakangiti lang ako the whole time kasi ang cute niya. Hindi niya kasi gets yung mga sinasabi ko. Hinawakan ko yung kamay niya "Mahal kita, Annika"
ANNIKA~
Nagulat ako sa sinabi ni Gabe. Totoo ba yon? Hindi ba ito panaginip? Totoo ba tong nasa harapan ko siya? "Ha...ha?"
Napatawa si Gabe "Gusto mo talagang sabihin ko ulit yon?"
Teka lang, ibig sabihin, totoo yon?! Totoo yung sinabi niya sa akin?
Huminga siya ng malalim "Mahal na mahal kita, Annika Marquez" sabay ngiti
Talagang buong pangalan ko pa ha! Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko kinaya ang sinabi niya! Grabe! I need oxygen! "Grabe ka naman"
"Bakit?"
"Wala" sabi ko habang nakatingin sa malayo. Ayaw kong tumingin sa kanya kasi naiilang ako. Hawak pa niya yung kamay ko ha! Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko! Napahawak ako sa puso ko kasi ang sobrang lakas talaga ng tibok nito!
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanfikceSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...