EPILOGUE

608 14 7
                                    

TWO YEARS LATER

SUMMER~

"Summer, did you bring all the things you needed for this afternoon's photoshoot?" tanong ni Mariel. Isinara ko na yung bag ko at tumingin sa kanya "Yeah, everything's inside already"

"Okay, then let's go"

Pumunta kami sa studio ni Mike, yung boyfriend ni Mariel. Photographer din kasi yung boyfriend ng pinsan ko at nakapagtayo siya ng sarili niyang studio. Resident photographer ako sa studio ni Mike. Si Mariel naman ay freelance model

Sa tatlong taon na paninirahan ko dito sa Australia, marami na rin akong naranasan. Naransan kong magtrabaho sa mga magazines. Nagustuhan kasi ako ng professor ko kaya ipinasok niya ako bilang photographer sa isang sikat na magazine dito sa Australia. Isang taon lang akong nagtrabaho don kasi nung ipinatayo na ni Mike yung studio niya ay agad niya akong kinuhang resident photographer. Paminsan minsan, kinukuha din akong photographer sa iba't ibang magazines. Nagshoshoot din ako ng mga music videos ng mga sikat na singers at kinukuha din akong videographer at photographer sa mga birthdays, debuts at wedding events. At natupad na rin yung pangrap ko, ang makapagtapos ng pagaaral

Pagdating namin sa studio ay nagsisimula na silang magayos. Inaayos na nila yung mga models sa dressing room. Inayos ko na rin yung mga cameras na gagamitin ko sa photoshoot ngayong hapon

"Good afternoon, love" sabay halik ni Mike kay Mariel

Napangiti ako nung tinitignan ko sila. Ang saya pala tignan ng dalawang taong nagmamahalan

"How are you these days?" tanong ni Mike sa akin habang nakaakbay siya kay Mariel

"Well, I'm fine"

"How's your one week vacation in Spain with Steven?" tinanong ako ni Mariel na may kasabay na smirk

Si Steven ay best friend ni Mariel na noon pa lang ay tinutukso na nila sa akin. Friends lang kami ni Steven at sinamahan ko lang siya sa Youtube Fanfest niya sa Spain. Isa kasi siyang vlogger at kasali siya sa event. At first, ayaw ko talagang pumunta don kasi kinakabahan ako na baka makikita ko si Rocky. I know it's been two years already since nareceive ko yung letter niya para sa akin pero hindi ko pa rin yon nakakalimutan

"It was fine. There's a lot of Spanish" sabay ngiti ko

Tumawa naman sina Mariel at Mike

"I saw you in his vlogs lately" sabi ni Mike

"Of course, we've been together for one week and he keeps on vlogging everywhere like every place we've been through, he keeps on chitchatting about it"

"Well, a vlogger is always a vlogger"

Agad kami napatingin sa likuran namin at dumating na si Steven. Si Steven at Mike ay pure Filipino pero sa States sila lumaki kaya napakagaling nila magsalita ng English. Si Mike ay marunong magsalita ng Tagalog kasi nagtatagalog siya kapag kausap niya ang kanyang mga magulang. Si Steven naman at Mariel ay wala talagang alam sa Tagalog

"Finally, you're here. Summer's missing you already" tinukso na naman kami ni Mike

Umupo si Steven sa tabi ko at tumingin sa akin "Is it true?" sabay smirk niya

"Nah, don't mind them" tapos inayos ko yung setting sa camera ko

"Okay, let's have a dinner tonight. My treat!" sabi ni Steven

"Maybe you'll gonna bring us in a fastfood restaurant" sabi ni Mariel at nagtawanan kaming lahat. Kapag nagsasabi kasi si Steven na manlilibre siya, kadasalan sa fastfood niya kami dinadala. Napakuripot kasi niya

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon