AILYN~
"Rita, gusto ko si Rocky"
Matagal nang hindi nakasalita si Rita, tinitignan niya lang ako habang umiiyak. Pinunasan niya yung mga luha ko "Bakit ka umiiyak?"
"Hindi ko alam, parang nasasaktan ako kapag nakikita kong masaya sina Summer at Rocky"
Pinupunasan pa rin ni Rita yung luha ko "Huwag ka ngang umiyak. Hindi bagay sayo. Hindi naman rin sila bagay kasi artista si Summer"
Napanatagan ako sa sinabi ni Rita. Oo nga, posibleng hindi sila magkatuluyan kasi magkaiba ang kanilang mundo
"Kaya huwag ka nang umiyak, ha? Hindi pa tapos ang laban" sabay ngiti ni Rita
Napayakap ako sa kanya kasi napaisip ko nga hindi pa talaga tapos ang laban. Habang wala pang sila, kaya ko pang ipaglabang ang nararamdaman ko
ANNIKA~
Maagang dumating si Gabe dito sa bahay. Dito na rin siya pinakain ng agahan ni ninang kaya nung natapos na kaming kumain, agad siyang tumayo at nagpaalam kay ninang "Aalis na po kami. Madami pa kasi kaming pupuntahan"
"Ah, sige para na rin masulit rin ninyo. Anong oras kayo uuwi? Maaga pa kayo aalis bukas" sabi ni ninang
"8 pm po. Pupunta pa kasi kami ng Topps" sabay ngiti ni Gabe
"Sige, mag-ingat kayo ha"
"Sige po, ninang" sabi ni Gabe
Lumapit ako kay ninang para magpaalam "Aalis na po ako"
"Sana mag-enjoy kayo sa pagpasyal ninyo" sabi ni ninang sa amin
"Mageenjoy po talaga kami" sabay ngiti ni Gabe
Lumapit ako kay Gabe at lumabas na kami ng bahay. Pumasok kaming dalawa sa loob ng sasakyan
"Ready ka na ba?" tanong ni Gabe. Ang sobrang hot niya talaga ngayon. Nakasuot lang siya na white vneck shirt, denim shorts at addidas shoes, nakashades din siya
Ngumiti ako sa kanya "Let's go!"
Pagdating namin sa Sto. Niño Church, napansin kami kaagad ng mga tao. Tinitignan nila kami ni Gabe habang naglalakad para magsindi ng kandila sa may fountain. Panay ang tingin ng mga tao sa amin at sa totoo lang, halong kaba at hiya ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako kasi baka magiging issue naman to at nahihiya ako kasi ang panget ko. Nakakahiya kaya pag may nagcomment na "ay okay lang. Panget naman rin ng babae na kasama ni Gabe" alam ko naman sa sarili ko na hindi ako maganda pero bahala sila. Nagseselos lang yan sila kasi sobrang swerte ko kasi si Gabe pa ang kasama ko
"Kumuha ka na ng kandila" sabi ni Gabe
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Kumuha ako ng limang kandila at sinindihan ito. Pumukit ako para magdasal. Nagpasalamat ako sa Panginoon sa lahat ng mga blessings na binigay niya sa akin. Blessing na rin tong pinili ako maging kasali sa bagong teleserye ni Gabe at maging kaibigan siya. Dinasal ko rin na sana magtuloy tuloy din ang mga blessings na ibinibigay ng Panginoon sa akin. Binuksan ko yung mga mata ko at nakita kong nakatingin sa akin si Gabe na nakangiti
"Anong tinitignan mo dyan?"
Nakangiti pa rin siya "Wala lang. Tapos ka na?"
"Oo. Saan ba tayo susunod pupunta?"
"Ang nasa plano ko, pupunta tayo sa Larsians bago mag 10,000 roses pero dahil kakakain lang natin, unahin nalang nating yung 10,000 roses. Okay lang ba sayo?" sabay ngiti niya
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
Hayran KurguSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...